Part 23

1.1K 37 2
                                    

NAGISING SI ANGEL sa napakalamig na umaga ng Jeju Island. Pero kung noong nakaraang taon ay lagi siyang tinatamad na bumangon sa napaka-kumportable niyang kama, ngayon ay halos hindi siya nakatulog nang maayos sa sobrang excitement niyang mag-umaga na.

At lahat ng iyon ay dahil sa lalaking iyon na nasa kabilang silid.

Pero laking disappointment niya nang wala man lang siyang naabutan ni anino ng binata pagbaba niya sa kitchen area kung saan balak sana niyang surpresahin ito.

"He left very early," imporma ni Mr. Kim. "He looks like he was in a hurry."

"Mr. Kim...does he know I was here too?"

"Yes, I told him."

"And he still left?"

"He leave you a letter."

Isang nakatuping papel ang nakangiting iniabot sa kanya ni Mr. Kim. Parang natatawa rin ito sa sitwasyon nila ng buraot Carlo na 'yon.

Excited pa naman akong makita siya tapos lalayasan nya lang ako?

Inis niyang binuklat ang papel at binasa ang nakasulat doon.

'Hawak ko ang buhay ng isa sa hareubang keychains. Kung gusto mo pang makuha ito at magkasama uli sila ng 'hal mang' stone statue na naiwan dyan sa Gudeok, puntahan mo ako sa Jeju Glass House. Huwag kang magsasaka ng pulis. Maghihintay ako. Love, Carlo.'

Love, Carlo?

Hindi na alam ni Angel kung mapapakunot-noo ba siya sa nabasa niya o mapapangiti. Pero nagawa naman maalis ng makulit na sulat na iyon ang inis niya.

Nahawa na yata sa kabaliwan ni Mummy Hae Jin.

Napatingin siya sa kinaroroonan ng pobreng 'hal mang' keychain. Nag-iisa na naman ito. Pakiramdam tuloy ni Angel ay nangungulila na naman nang husto ang maliit na estatwang bato.

Huwag kang mag-alala, ililigtas natin si hareubang.

Dinampot niya ang keychain at isinuot iyon sa bulsa ng jacket niya. Tinanong din niya si Mr. Kim kung paanong makakapunta sa Glass House. By bus ang ibinigay nito sa kanya na instruction para makapunta sa destinasyon niya. Madali naman na siyang nakasakay ng bus dahil kahit paano ay gamay na niya ang bus transportation ng Jeju.

Medyo matagal lang ang travel time niya kaya naidlip muna si Angel sa bus. Makabawi man lang ng tulog sa kakarampot niyang pahinga ng nagdaang gabi, salamat sa kaka-isip niya sa magiging pagkikita nilang muli ni Carlo.

Tapos lalayasan lang pala siya ng kurimaw. At nang-kidnap pa ng walang muwang na sa souvenir item.

Naalimpungatan si Angel sa pagkakaidlip nang mauntog ang ulo niya sa katabing bintana. Sinulyapan niya ang monitor sa harapan ng bus kung saan naka-indicate ang past, present at future bus stops nila. Wala pa roon ang bus stop na bababaan niya kaya hindi pa siya naliligaw. Napansin niya ang pag-iilaw ng cellphone niya. Nang buksan niya iyon ay nakita niya ang twenty one missed calls ng isang unknown number.

"Sino 'to?" At parang sagot sa tanong niya, muling tumatawag ang unknown number. "Hello?"

"Angel! Where the heck have you been?! I've been calling you for hours!"

Pamilyar sa kanya ang boses na iyon. "Carlo?"

"Where are you? Kanina pa kita hinihintay dito sa Glass House."

My #CarGel Heart (The Soju Trilogy: Wasted In Jeju)Where stories live. Discover now