"Pinagtagpo"

3 0 0
                                    

Sa mundong ibabaw.Sa araw na nakadungngaw.Sa mundong gumagalaw.


Ikaw at ako pinagtagpo,sa mundong kung saan bulag ako.Puso ko'y takot na takot dito,kung saan ako'y iibig sa iyo.


Kagaya ng punong patay na binuhay mo.Kagaya din ng punong patay nang iniwan mo.Pinaasa mo ako at umasa ako,sa biglaang ako'y nahulog sa iyo.


Mula taas hanggnag baba,ako'y gumapamg para makamtan ka.Kung saan wala ka na pala.Dahil may mahal ka ng iba.

Mga Tula ni Mang YuhenyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon