"Hiling, saan ka nagpunta?"

1 0 0
                                    

Sa isang hiling na nais kung matupad na makasama ka.

Pero sa bandang huli hanggang hiling lamang pala.

Na hindi alam kung matutupad pa.

Mahirap isipin na napunta ka na sa iba.

Na ang hiling din ay katulad mo din pala.

At ikaw na mahal ko pa.

Pero asahan mo pag-ibig ko parin ay sa iyo.

Pero aasahan ko na di maibabalik sa akin ito.

Dahil sa pagsundo ko iba ang pinunthan mo.

Sa isang tanong kung "ano ba tayo?"

Dahil sa pinakita mo ako'y importante din sa iyo.

Na akala ko'y mamahalin mo rin ako na todo todo.

Kung alam ko lang matagal na kitang pinalaya na.

Ngunit ako'y nagkunwari na kaya ko pa.

Na ika'y magbabalik pa, na ang isang hiling ay matutupad na.

Sa lahat ng pangako mo akala ko totoo.

Ngunit ang pangako na iyon pinako mo.

Pinako mo lang sa wala at niloko mo ako.

Sa kunwaring di nasasaktan, pero ako'y durog na durog na.

Na nagyon ang hiling ay "sana hindi na kita nakilala pa."

At sa kunwaring hindi na kita mahal, pero mahal na mahal parin kita.

Nalilito kung ano na nga ba,

Kahit na ikaw ay masaya na.

Masaya na sa iba.

Datapwat ako'y nandito parin sinta.

Naghihintay parin sa misteryong ikaw ay akin pa.

Sa umaasang puso na sinaktan mo ng sobra sobra.

At sa isang hiling na nais makamtam na.

Dahil isang tanong "bakit ako pa, na sobrang nagmahal sa iyo sinta."

Mga Tula ni Mang YuhenyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon