1

8.9K 27 0
                                    

Ahhh, after how many years ng pagtatrabaho, naisip na din ni Carly na magbakasyon pansamantala.

Nagleave siya ng one week lang at pumuntang Bicol upang magliwaliw pansamantala!

Nakituloy siya sa bahay ng uncle niya na taga roon. At dahil nga sa pagiging busy, ngayon na lang niya ulit makakasama ang mga pinsan na elementary pa yata siya nang huling makita ang mga ito.

Lima ang pinsan niya doon, pero ang tatlo ay may sarili nang pamilya. Ang isa na wala pang asawa ay may tattoo shop na sariling business nito, astig! Ang isa ay estudyante pa sa kolehiyo.

Ang lagi niyang kasama ngayon ay ang pinsan niyang si Chester, ang pinsan niyang may tattoo shop dahil ito lang ang may time para sa kanya.

Asiwa siya noong una, dahil nga sa tagal niya nang hindi nakikita ang pinsan, pero after one day na magkasama sila, aba, para na silang bestfriend sa pagiging close.

Masaya ang uncle niya, masaya ang mga pinsan niya, at masaya siya sa bakasyong ito.

Panay lakwatsa silang dalawa, ang kagandahan pa nito, minsan, siya pa ang nililibre ni Chester. May assistant naman kasi ito sa shop niya kaya wagas silang makagala!

ANG TATTOO NI PINSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon