3

7.4K 21 0
                                    

Nasa bus na sila, pabalik ng bahay, mukhang napagod talaga si Carly. Ang sarap ng sandal nito sa kanyang balikat, ewan lang kung talagang himbing ng tulog o nagtutulug-tulugan lang.

"Carly." Tawag niya sa pangalan nito.

"Hmmm..." Sagot nito, nakapikit lang pala ang babae.

"Punta tayo sa shop."

Nagdilat ito ng mga mata at tumingin sa kanya. "Talaga?!"

"Um!" Nginitian niya ito, sabay kurot sa pisngi.

"Ouch!" reklamo nito, pero sa halip na mainis, umayos ito ng upo sa tabi niya, at kumapit sa kanyang braso. "Pikit lang ako, huwag mo ako istorbohin."

Napabuntung-hininga si Chester, hatinggabi na sila makakarating sa shop kung sakali.

Pwede naman silang pumunta sa shop bukas, bakit ngayon niya pa naisip? Sa halip sagutin ang sariling tanong, pumikit na lang din siya, wala naman nang dalawang oras ang byahe nila eh.

Mag-aalasdose na ng hatinggabi nang makarating sila sa shop, pero buhay na buhay pa rin ang mga utak nila.
Sige sila ng kwentuhan at tawanan.

Pagkapasok sa shop, pasamlampak na naupo sa single sofa na nandun si Carly. Binuksan naman niya ang computer at printer.

"Teka, ano bang design ang type mo?"

"Meron akong design dito sa cp ko, matagal ko nang gustong ipalagay ito eh, nakakalimutan ko naman. Mabuti na lang pala at nagbakasyon ako." Binuksan nito ang cp at hinanap ang design.

"I-bluetooth na lang natin."

"Ok, ikaw na bahala, eto pala." Ipinakita sa kanya ni Carly ang design. Bulaklak ito na nakapormang parang buwan. "Dito sa likod ng kanang tenga ko."

"Maliit lang pala." Inasikaso niya na ang design at pinrint.

"Kuya, meron pang isa, ok lang ba?" Parang nahihiyang tanong nito.

"Oo naman, don't worry, libre ko na sa iyo. Hehe." Ginulo niya ang buhok nito.

"Gusto ko ng ahas na nakapulupot sa dibdib ko." Nakangising sabi ni Carly.

"Sa dibdib? As in sa breast?" Gulat na tanong niya.

"Oo, kaya nga kita tinatanong kung ok lang eh."

"Hindi ako ang dapat gumawa niyan, si Bea. Sana pala nabanggit mo ng maaga." Si Bea ang babaeng tattoer niya.

"Eh, gusto ko ikaw. Sige na kuya." Malambing na sabi nito. Napabuntung hininga na naman siya.

"O sige, o sige." Iniabot niya ulit dito ang cp, mabilis naman nitong nakita ang design na naka save kaya ipinasa niya sa computer at ipinrint na din.

ANG TATTOO NI PINSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon