Harem 1

35 1 0
                                    

"Magnanakaw!" Agad kong itinago ang mansanas sa aking supot at ibinulsa. Halos mawalan ako ng hininga sa bilis ng aking pagtakbo.

"Ayun sya!" Turo saakin ng kalbong kinuhanan ko ng mansanas. Nanlaki ang mata ko. Pastelan! Nahanap ako.

Lumiko ako ng sa gayon ay mahirapan siya. Kamuntik pa akong madapa at maingudngod ang mukha ko sa lupa pero buti na lang ay mabilisan kong naigalaw ang aking dalawang kamay at iyon ang nagsilbing panalag.

Tumayo ako at dobleng takbo ang aking ginawa ng maaninag ang isa sa kasama niyang papunta sa direksyong ito.

Isinuot ko ang aking sumbrero at mabilisang nagtago sa tarangkahan. Naghintay ako roon ng ilang minuto ng maramdaman kong lumalayo na ang kanilang mga yapak. Napabuga ako ng hangin.

"Wooh. Muntikan na" sabi ko.

Bwist na matandang iyon. Ako parati binabantayan. Inayos ko ang damit kong medyo nagulo at saka nagpagpag.

Kinapa ko ang mansanas kung naroon pa sa aking bulsa. Ngumiti ako ng tagumpay. Wag silang mag alala. Pag yumaman ako ay babayaran ko agad sila at ang kalbong iyon. Isasapak ko sa kanya ang kayamanan ko pagdating ng panahon.

Hindi naman nakaw ang tawag rito kundi hiram. Hindi nga lang ako nakapagsabi na kukuha ako. Ah basta! Pareha lang iyon. Para saakin.

Tumingala ako na suot pa rin ang aking sumbrero. Uulan kaya? Umaaambon ang kalangitan, nagbabalang hindi magiging maganda ang kalamidad ngayon. Pero minsan ay ang babalang iyan ang nagiging sanhi ng hindi kasiguraduhan. Binabalaan ka lamang ngunit walang kasiguraduhang magtutugma ang babalang iyon sa totoong mangyayari. Maaaring maiba ang ibig nitong ipahiwatig.

Nakatitig rin ako roon ng ilang segundo. Nang iniwas ko ang aking paningin roon ay nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Liway!" tawag ko ng makarating na ako sa bahay kong saan nakatira ang iba ko pang mga kasama.

Malaki ang bahayan ngunit madilim naman ito. Ang tatlong gasera lamang ang nagsisilbing ilaw nila--namin. Walang masyadong kagamitan. Tanging mga kasuotan namin, maliit na lamesa, at limang upuan ang matatagpuan mo ron.

"Malaya" isang mumunting tinig ang aking narinig. Ngumiti ako sa kanya at ipinatong ang aking palad sa ibabaw ng ulohan niya at saka iyon ginulo.

"Si Liway. Asan?" tanong ko sa kanya. Umupo ako ng kami ay magpantay.

"Hanla. Nasa labas po may binili po kasi." sagot niya sa mahinang boses. Mas lumawak ang ngiti ko. Kinurot ko ang pisngi ng kinakapatid ko. Aking kinuha ang nakatagong mansanas sa bulsa ko at saka iyon ipinakita sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata at saka masaganang kinuha iyon sa aking palad. Nangingiti pa siyang napayakap saakin na siya namang sinuklian ko sa huli.

"Maraming salamat. Ate" masayang sabi ng walong taong gulang na si - Mulila.

"Walang anuman. Bunso"

Tumayo ako, naglakad at iniwan siya roon. Sigurado naman akong babalik iyon sa paglalaro.

Malapit namaman ang gabi. Dalawang oras mula ngayon ay sasapit na naman ang nakakatakot na dilim.

Walang naglalakas lumabas ng alasais ng gabi. Dahil sa oras nayon ay nababalutan na ng kadiliman ang buong syudad. Itim na usok. Pati ang langit ay sumasangayon na rin dahil sa lakas ng habagat nito.

Pumasok ako sa aking kwarto at agad na isinarado ang pinto. Tanging ang lakas ng sinag ng langit ang nagsisilbing ilaw ng aking silid.

Pagsapit ng alasais ng gabi ay lilitaw ang buwan. Maputi ito at maliwanag ngunit pagsapit ng hatinggabi ay nagiging pula at malahiganting buwan ang nasabi. May halong itim sa magkabilang dulo ng lahat ng sulok ng buwan. Ang buwan ay hindi bilog sa oras ng hatinggabi, nag iiba ito. Nagkakaroon ito ng sulok sa magkabilang gilid at dalawang tuktok, sa ibaba at taas. Simbolo ng kadiliman.

Pinapatay nila ang kalalakihan at kumukuha ng mga babae at iniaalay sa kanilang hari.

Sumesenyales ang kalangitan na malapit na ang bilugan ng buwan. Dumidilim na, sa oras pa lang ito ay marahil naglalabasan na ang mga ulopong ng kasamaan.

Sa ganoong oras ay marahil marami nanaman ang mamatay at mawawala. Marami ring magsasakripisyo, magtatago at mababaliw.

Araw - araw sa bayang ito nangayayari ang mga di makabuluhang bagay. Mula sa demonyong naglalakbay tuwing gabi, nagagahasang mga kababaihan, at kalalakihang nawawala sa sarili. Limang taon na ang nakalipas ng magsimula ito.

Hindi man gaano kasagana at kasaya tuwing sasapit ang umaga at hapon pero nabubuhay naman parin kami kahit papaano.

Habang nakatitig sa malaking salamin, naiisip ko kung ano ang magiging buhay namin kung hindi nangyari sa bayang Sitio ang mga pagsubok na ito.

Hinubad ko ang sumbrero na kanina ko pa suot at ipinatong iyon sa lamesa kalapit ng aking hinihigaan at umupo sa dulo non.

Isa-isa kong tinanggal ang aking suot na damit panlalaki. Sa loob non ay ang mahigpit na pagkakatali ng puting telang ginupit ng parihaba. Mataas iyon kaya nakaikot ito sa kalahati kong katawan ng sa ganon ay hindi mapansin ang aking dibdib.

Minsan naiisip ko, ano kaya ang pakiramdam na maging babae kahit panandalian lamang? Yung tipong magsusuot ka ng bestida, may kolorete sa mukha. Kahit dito man lamang sa aking kwarto ngunit alam kong hindi maari, at di ko alam kong kailan ko matitiis ang pagpapanggap kong ito. Tinanggal ko rin ang pekeng buhok na nakalagay sa aking ulohan para mapagkamalan akong lalaki.

Ilang taon na ba ang nakalipas? Isa? Dalawa? Walo? Di ko na mabilang, marahil magiging ganito na ako habang buhay. Dapat ko ng tanggapin ang aking kapalaran.

"Malaya" mula sa labas ay narinig ko ang sigaw ni Liway. Napatigil ako sa pagmumuni-muni at agad napatayo. Mabilis akong naghanap ng damit at hinayaang bumagsak ang aking mahaba at maitim na buhok hanggang sa bewang ko. Dali akong lumabas at nadatnan ko siyang papunta sa aking silid kung di ko lang siya naunahan.

"Liway" tinakbo ko ang pagitan namin at saka siya mahigpit na niyakap. Agad naglapat ang aking mukha sa kanyang matigas na dibdib.

"Aking asawa." Natatawa siyang niyakap ako pabalik.

"Paumanhin. Masyado akong nalungkot sa iyong pag alis"

"Ako ang dapat humingi ng tawad sa iyo aking mahal. Napabayaan ko kayo ni Mulila" yakap ko pa rin ito.

"Bumawi ka mahal. Ipasyal mo kami ni Mulila sa bayan" kunyari ay nagtatampo kong sabi at saka kumalas sa kanyang yakap.

Tinitigan ko siyang mabuti di pa rin nagbabago ang hitsura nito hanggang ngayon. Matikas at malaki ang pangangatawan, hindi kalalimang mga mata, mapulang mga labi at makakapal na mga kilay. Ang kulay ng mata nitong itim na itim, kayumangging balat at higit sa lahat ay ang pagiging masyadong magalang nito sa mga kababaehan na siya ring dahilan kung bakit niya ako napaibig.

"Pasensya na mahal. Masyado kong itinuon ang aking pansin sa pagpupulong kaya nakalimutan kong magdala pa ng maraming pasalubong. Ito na muna ang aking nadala. Mumunti lamang ito ngunit puno ng pagmamahal" napangisi ako sa sinabi niya.

Ito nanaman ang pagiging makata niya.

"Halika na nga. Kumain na tayo ni Mulila"

Masyang naghapunan sina Liway, Malaya at Mulila ngunit ang hindi nila alam ay ang paparating na unos sa kanila na magyayanig sa buong bayan ng Sitio.

Blood KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon