Mga tinging nakapaninindig balahibo ang dumapo sa akin pagkatapos kong Lumabas sa Kwartong may pulang pinto.
Mga patak ng dugo ang sumalubong sa makintab na puting marmol na sahig ng ahensiya.
Mga Ngisi ng mga kasamahan ko ang nakapaligid sakin.
Mga Ngising may tinatagong lihim.Minsan, ang mga taong hindi mo inaakalang may malalaking sekreto, ay siya palang may mga bagay na ibubunyag sayo.
Tunog ng mga itim na takong ang bumalot sa apat na sulok ng isang maruming kwarto.
Marumi sa dugo.Sa gitna ng maliit na kahon na iyon, nakagapos ang taksil.
"Handa ka na ba?"
Isang demonyong ngiti ang umalpas sa aking mga labi.