YELLOW PAD
A/N : Ngayon palang I'm so sorry for the grammatical errors
“Lee, Dahil sa Yellow pad nagkakilala tayo
Natutuwa talaga ako pagnaaalala ko yun”...
Panimula kong basa sa isang piraso ng Yellow paper
Napangiti ako nang bahagya
Tama siya parang kalian lang
at di ko naiwasan na maalala yun.
Ako yung tipo nang Tunay Na Pilipinong estudyante,
sa una lang kumpleto ang gamit.
Nagaaral ako sa isang Private school noon sa kabilang bayan
FLASHBACK
=July 14=
Bakit ba ang bilis nang araw at sa susunod na araw na ang
1st monthly test kung tawagin namin
Kaya’t ngayong araw panigurado lahat ng subject
may Quiz.
Di ako matalino. Average lang ako
Pag sinipag mag-aaral, pag tinamad stock knowledge nalang.
Pumapasa naman ako kaya ok lang.
“Get 1 whole sheet of pad paper” sabi agad ni Miss Dela Cruz
Grabe ah wala pa nga siyang isang minuto sa room namin.
Kakapasok niya lang, kaya tulad nang inaasahan...
“Miss Wait lang po”, “Miss 5 five minutes please”...
“Miss hindi pa po kami nagrereview!”
Reklamo nang mga kaklase ko at pinayagan naman kami ni Miss.
Tahimik ang halos lahat sa amin, nagbabasa rin nang lectures
katulad ko, pero may mangilan ngilan paring maingay kaya't...
“I think Mr.Buenafe and Mr. Villamin are ready so let’s start”
“Miss wala pa pong five minutes!” sabi ng isa kong babaeng kaklase
“No! We will start NOW. Number one, give me the given... ” tanong ni miss kaso
“MISS!! WAIT LANG, ano pong papel?” sabat nang isa ko pang kaklase
“One Whole Sheet of Yellow Pad Paper” sabi ni miss
“HALA! Miss wala po kaming Yellow Pad” reklamo nang isa ko pang classmate
“Oo nga po Miss” pagsangayon nung katabi niya
“Walang mamimigay mamigay MINUS ten” sabi ni miss
Ano bayan puro kaartehan
“ Miss pwede pong manghingi sa ibang year?” tanong ko
“Hmm” nagisip pa tsk! Dalian mo, oo lang naman ang sasabihin.
“Sure but pagbilang ko nang 60 seconds at wala pa kayo dito I’ll mark you 60 for this quiz” sabi ni miss
Kainis, puro kaartehan tsk! Wala kaming choice kundi sundin
siya.
“Sige po Miss” ako yan
“Sure” sagot pa nung nasa likod ko
“Your timer starts now!” sabi ni miss kaya pandalas nako nang takbo
Palabas nang room kasama ang iba ko pang classmate.
BINABASA MO ANG
TheYellow Pad (One Shot)
Short StoryNagsimula sila sa Yellow Pad at natapos din ang kanilang kwento sa huling piraso nang Yellow Pad