"Ang kwentong ito ay kwento sakin ng aking kaklase ng high school."
"Isang araw wala kaming klase, kaya napag pasyahan namin mag kakaibigan na mag kwentohan ng nakakatakot."
"Madaming kaibigan ko ang nag kwento, pero ang kwento ni Jerwin ang nag pa tindig sa balahibo ko."
"Narito ang kwento nya."
"Ng bata pa ako sa Capiz kami naka tira ng pamilya ko."
"Dalawa lang kaming mag kapatid Ako at si Kuya James."
"Dalawang taon lang ang pagitan namin, grade 1 ako at sya naman ay grade 3."
"Nakatira kami sa Capiz taong 1993 hindi pa uso ang cellphone at gadgets ng mga panahong yan."
"Libangan namin ni Kuya noon pag tapos ng eskwela ay mag sabong ng gagamba."
"Malapit lang sa gubat ang bahay namin, dito sa probinsya namin ng panahon na iyon mag kakalayo pa ang mga bahay."
"Sa gubat kami ng huhuli ni kuya ng gagambang pang sabong namin."
"Kabilin bilinan samin ng magulang namin huwag na huwag kami papaabot ng gabi sa gubat."
"Pero mag aala singko na wala pa kaming nahuhuling gagamba ni kuya ."
"Inaya ko syang umuwi na at ipag pa bukas na lang namin ang pang huhuli ng gagamba."
"Kuya mag didilim na papagalitan na tayo nila Mama."
"Mauna kana Jerwin, susunod ako sayo my nakita ako ditong gagamba pag ka huli ko nito ay susunod na ako sayo."
"Bahala ka nga dyan Kuya, ayoko mapagalitan basta sunod kana kagad ahh, uuwi na ako."
"Oo sige na, wag ka lang maingay natatakot ang mga gagamba eh, umuna kana."
"Dumating Ako sa bahay wala pa si Mama at si Papa."
"Dumating si Mama at Papa mag 7 na ng gabi."
"Oh Jerwin asaan ang Kuya James mo.?"
"Wala pa po ba dyan Ma? Hala nawala sa isip ko."
"Ma si Kuya asa gubat pa sya hindi pa yata nakakauwi."
"Ano ba kayong mga bata kayo, hindi bat kabilin bilinan ko sa inyo wag na wag kayo mag papaabot ng gabi sa gubat."
"Kasi Ma sabi ni Kuya umuna na Ako at susunod daw sya."
"Papa ayain mo si kumpareng Diego mag punta kayo sa gubat nag aalala ako kay James."
"Ng palabas na si Papa sa pinto ay saktong naka salubong nya si Kuya."
"Ano ka ba namang Bata ka, hindi bat sinabi ko sa inyo wag na wag kayong papaabot ng dilim sa gubat."
"Pero walang imik si Kuya, parang wala syang naririnig tulala lang siya."
"Mag kasama kami sa kwarto ni Kuya, sinubukan ko syang kausapin pero wala syang kibo."
BINABASA MO ANG
Misteryo
Horror"My mga bagay dito sa ating mundo na hindi natin maipaliwanag." "Ang inyong mababasa ay base sa totoong karanasan ko oh, mga kwento ng mga taong malalapit sakin." "Lahat ng kwentong ito ay base sa totoong pangyayari, pinalitan ko ang pangalan para s...