CHAPTER ONE

61 5 3
                                    

CHRISTINA'S POV

"Good bye, Christina, I don't love you anymore." and there he said his final goodbye. Lintik na lalaki naman 'to. Leche!

"Chris! Hello?! You there?" sabay kumaway si Cindy sa harap ko. "Te, tulala ka na naman. Ano na naman bang iniisip mo? Yung ex mo na naman ba yan? Stop na! Sinasaktan mo lang ang sarili mo," nanggagalaiting sabi ni Cindy, ang best friend ko.

"Cind, leche naman kasing lalaki yan! Bigla-bigla na lang nang-invade na naman ng utak. Pano ko ba siya makakalimutan?"

It's been three months since he left me pero nasasaktan pa din ako lalo na sa tuwing naaalala ko lahat ng memories namin.

"Girl, isa lang ang sagot dyan-" napatingin naman ako sa kanya. Pero mas nagulat ako sa isinagot niya sa'kin, "bagong pag-ibig!"

"Eh?!" Napalakas ata masyado yung sabi ko. Napatingin kasi yung ibang tao dito sa cafeteria sa table namin eh. Buti nalang newbie kami dito. "Cindy naman, seryoso kasi. Gusto ko na talagang kalimutan yung hinayupak na lalaking 'yon!" Habang pigil na dinuro-duro ko ang table namin.

"Mukha ba akong nagjojoke? Seryoso ako. Nagawa mo na halos lahat eh, itinapon lahat ng bagay na magpapaalala sa kanya sa'yo, nagpaka-busy sa acads kahit kakastart palang ng sem 'wag lang siya maisip, na-try na din natin magpakalasing kahit 'di tayo nainom, and the list goes on. Te, ito na lang talaga hindi mo na-try," grabe talaga magsalita 'tong best friend ko minsan eh.

"Pero diba mali ang gumamit ng ibang tao para lang maka-move on? Tsaka ayoko ngang gumamit ng rebound, mamaya mas malala pagbayaran ko eh! Baka makita ko gabi-gabi si Satanas sa panaginip ko at yayain akong sumama sa kaniya."

Napatawa naman 'tong si Cindy. "Gurl, 'di ko naman sinasabing gumamit ka ng rebound. Ang akin lang, meet new people, pwede kang matulungan ng mga tao sa paligid mo na maka-move on. Kung kaming mga kaibigan mo, 'di ka matulungan, malay mo yung mga taong papapasukin mo naman sa buhay mo ang makatulong sa'yo," paliwanag niya. "There are endless possibilities, my friend. Hindi lang si Jeffrey ang lalaki sa mundo at hindi lahat ng lalaki, kasing gago niya kaya naman please, please try to consider my suggestions," tuloy pa niya. Tingnan mo nga naman, kahit may pagka-isip bata 'to madami ding nasasabing makabuluhan para sa buhay ko.

"Eh, paano naman ako makakakilala ng mga bagong tao? Magiging busy naman tayo ngayong sem for sure dahil sa requirements. Alam mo naman na wala akong type man lang sa schoolmates natin, ni wala ngang gwapo eh!"

"Sus, wala daw gwapo, kaya pala naging kayo ni Jeffrey." leche, ipaalala daw? "Kaya pala kayo ang Lakan at Lakambini 20**." Impakta talaga.

"Wow ha? Ipaalala daw ba? Tsaka gaga ka, 'di 'yon dito mag-aaral. Lumayas siya sa paningin ko, bwisit." oo nga pala lumaban kami sa pageant nung ex ko nung Grade 12 days. Napilitan lang talaga ako do'n. At dahil din sa pageant na 'yon kaya kami nagsimula. Bwisit talaga.

"So what do you say? Let's go shopping na? Then, let's eat! A sem starter ba?" g na g na naman 'tong gagang 'to.

"Shiz! Oo na. Besides, wala na akong masyadong damit. At gusto ko rin ng bagong haircut. Humaba na pala ang buhok ko nang 'di ko namamalayan."

"A'right! So tara na?" tumayo na kami at babalik na sana sa cashier's office para sa miscellaneous fee, nang may nakasalubong kaming 'di kanais-nais.

"C-Chr-Christina," si Jeffrey, with his sister. Tingnan mo nga naman ang kamalasan ng buhay ng sambayanan oh, nagdilang-demonyo 'tong kaibigan ko.

"Hi, ate Chris!" kinawayan ko naman siya pabalik. "Uhm, kuya ikot muna ako dun" turo nung kapatid n'ya sa isang spot na puro flowers dito sa campus. "Sunod ka na lang." at kinindatan s'ya nito. So...

"A-Are—"

"Uhm, excuse me, are you Christina Linarez?" may biglang sumulpot na lalaki. Sino naman kaya 'to? Pero kahit sino pa siya, maraming salamat!

"Yes?"

"Oo kuya siya si Christina. Anong kailangan mo?" ang sabaterang si Cindy. Sus kulang na lang lumuwa mata niya dito kay kuyang nasa harap namin. Ang cute kasi, malakas ang dating. "At ikaw, Jeff, ano din ang kailangan mo?" sabay tinarayan naman niya si Jeffrey.

"Ah wala. Sige, see you around," then he walked away and followed his sister.

"So?"

"Naiwan mo kasi 'to," sabay abot nung tumbler.

"Ohmygosh, thank you! This is so important to me. Thank you so much!" sabi ko kay kuya. Naiwan ko pala 'yung tumbler na binigay sa'kin ni daddy. This is so important kasi ito yung gift nila sa'kin nung Christmas at syempre, stay hydrated! Tsaka mahal talaga 'tong tumbler na 'to, isang set kasi siya na may kasamang bamboo straws, kitchenware and sariling brush & strawberry flavored liquid soap panlinis. Sa ibang bansa pa binili at pina-customize nila kaya may pangalan ko. Yes, nag-eendorse ako. Char. Medyo may fetish kasi ako sa mga gamit sa kusina kaya naman ito yung hiningi ko nung nag-out of the country sila.

"No problem. The tumbler looks important to you. Buti nalang may naka-engrave na name mo and nakita kong kayo yung huling nakapwesto do'n sa table"

"Yeah. Ah well. Thanks again. We better get going," I smiled at him.

"By the way, kuya, anong pangalan mo?" sumabat naman bigla 'tong si Cindy.

"I'm Jandrei," iniabot niya yung kamay niya sa'kin.

"Christina," inabot ko ang kamay ko. "And this is my best friend, Cindy," I introduced out of manners. Kinuha naman ni Cindy yung kamay ni Jandrei at sapilitang nakipagkamay. "Yes, I'm Cindy."

"Nice meeting you, girls," he smiled. Ang cute ng chinito eyes niya, infairness!

"I'm sorry but we should really go," ako na ang pumutol ng contact, nakakaattract yung eyes niya ha parang si Ken Chan.

"And I'm sorry for keeping you. See you around," then he left.

Kami din naglakad na pero di pa kami nakakalayo nang...

"OHMYGAAAAAASH! Ang gwapo niya!" grabe talagang kiligin sa gwapo 'tong bruha na 'to. "Did you see his looks? Gosh, pamatay!" sabi pa ni Cindy habang pinapaypayan ang sarili.

"Nakita ko, at cute nga siya."

"Gosh! Girl, I think he's attracted to you." eh? Ano daw sabi niya?

"Ha?"

"The way he looks at you kanina, grabe! Parang gusto ka tunawin eh."

"Hay nako. Ewan ko sa'yo. Magbayad na nga lang tayo!" bruhang 'to! Kung anu-anong pinagsasasabi.

"Oo na," sumunod na lang din siya sa'kin sa pila. Buti na lang walang masyadong tao sa pila. "Pero aminin, type mo si Jandrei 'no?" stop it, Cind.

"Pinagsasabi mo dyan? Ang sabi ko lang cute, pero 'di ko sinabing type ko."

"Hay nako, kawawang mga lalaki. Walang makapasa sa napakataas na standards ni Miss Christina."

"Ewan ko sa'yo!" buti na lang ako na ang next na magbabayad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BabalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon