Ilang araw na ang nagdaan
Mula nung iniwan akong luhaan
Gabi-gabi naiisip ka, pati na rin
Ang ating masasayang ala-ala
Tulala,nalilito,nagtatanong
kung bakit sa hiwalayan humantong
Ang pag-iibigan puno ng pagmamahalan
Ang pangakong hindi magbibitawan
Heto ako, nakatingin sa kalawakan
Naghihintay ng bulalakaw
Nagbabakasakaling ika'y makapukaw
sa mga ala-alang ating pinagsamahan
Masakit sa pakiramdam
Na ako'y wala lang
Pinipilit ko na lang tumawa
kahit alam kong di ko na kaya
Ako'y lubos na nahihirapan
Dapat na nga ba kitang sukuan?
Dapat na nga ba kitang bitawan?
O kailangan pa kitang ipaglaban
Hanggang kailan ba kitang ipaglalaban?
Kung ako mismo ay iyong hinayaan
Ito na nga ang masakit ang malaman ang katotohanan
Na lahat ay may hangganan
Kakapit pa ba? O bibitaw na
Sambit ng puso ko'y iba iba
Ngunit ngayon isip ang pakikinggan
Dahil alam kong puso ay talunan
Darating ang araw
malilimutan ko din ang lahat
Lahat ng sakit na ipinadama mo sakin
Darating ang tamang tao
Taong magmamahal sakin ng totoo
Ngayon ay akin ng napagtanto
Na puso ko'y hindi para sayo
Sisimulan ng kalimutan ka
Dahil alam kong di ko na kaya
Paalam na at sabi ng puso
"BITAW NA"