BIG BOY PRETTY BOY

20 0 0
                                    


One week before Christmas. Taong 2013.

MAY NAG-TEXT. Si Sherwin. Ang textmate kong magta-tatlong buwan na pero hindi pa kami nagkikita in flesh. Pinapapunta niya ako sa bahay nila para mag-shots. Bigla akong na-excite kasi pwedeng humantong ang inuman sa mas magandang posibilidad. Ilan kaya ang magiging katagay ko dun. Pag may alak, may balak!

Tinanong ko kung paano pumunta sa kanila. Baba daw ako ng Commonwealth Market at sakay lang ng tricycle sa may likod lang ng Jollibee-Commonwealth Market. I decided to go kasi mababaliw na rin ako sa boredom sa bahay. 10PM na kaya naisip ko mabilis na lang ang byahe along Commonwealth Avenue.

Mabilis nga ako nakarating sa meeting place namin. Inabangan ako ni Sherwin Textmate sa isang kanto. Hindi siya katangkaran, mas bata sa personal. Mukhang 19 years old lang pero 23 na daw siya. Pilyong tingnan. Nanghuhubad kung makatingin.

- II -

NAGULAT AKO nang huminto kami sa paglalakad at ang sabi niya pumasok na daw kami sa isang gate. Parang hindi bahay. At maliit lang ang space. Pagpasok ko, sala na agad. Nakita kong may tatlong lalaki nang nag-iinuman kaharap ang isang long neck na Emperador Lights. Walang gaanong ilaw, Christmas lights lang ang nakasindi pero maliwanag naman. Tama lang ang liwanag.

Ipinakilala ako ni Sherwin Textmate sa tatlo. Si Domeng Parlorista, na siya palang may-ari ng place. At hindi pala talaga bahay ito kundi isang maliit na beauty parlor. Si Chuck Cutie Chubby, early twenties, maputi, medyo chubby pero tama lang (tipong huggable lang), gwapo, at inglesero kasi call center agent pala ang mokong. At si Big Boy Pretty Boy, early twenties din, matangkad (mga tipong 5'10"), swimmer body, medyo moreno, maganda ang linya ng ngipin, sobrang lakas ng dating, at Med student pala ang lolo.

Clockwise in circle. Ako, si Sherwin Textmate, si Chuck Cutie Chubby, si Big Boy Pretty Boy, at si Domeng Parlorista. Yan ang naging seating arrangement namin.

Tahimik lang ako sa una kasi parang ako lang ang bago sa grupo. Pinapakiramdaman ko muna ang lahat at inaalam kung papaano ako magko-connect sa mga kainuman ko. I try to be observant. Pinag-aaralan ko ang personality ng bawat isa.

Si Sherwin Textmate ang pinakamalutong magmura at mang-alaska. Palengkera kumbaga. Siya ang runner ng grupo. In short, siya tagabili ng commodities sa inuman. Collector na rin ng ambagan.

Si Domeng Parlorista ang umaaktong donya. Medyo masungit magsalita, maraming kwento. Mga nasa mid-40s na siya. Pero di nagtagal, nag-connect din kami kasi nakuha ko kiliti niya. Kesyo dati na daw nalugi na siya sa parlor kasi sobrang mapagbigay siya. Nilugi ng mga boylets niya.

Si Chuck Cutie Chubby naman ang pinakamadaldal kasi andami niyang kwento bilang isang call center agent. Medyo pa-sosyal at pa-demure. Manly siya pero dahil may alcohol na sa katawan, lumalambot na rin. Mukha siyang mabango at malinis.

Si Big Boy Pretty Boy naman ang pinaka-refined sa kanila. Makikita mo ang intellectuality sa kilos at ngawa niya. Very behaved. Very tamed. High-end tingnan. Lalaking-lalaki. Walang bahid. Ni katiting. Mukha siyang basketball varsity player. Kaya di kataka-takang siya ang center of attraction sa drinking session namin. Mabait at humble.

Minsan lang ako sumingit sa usapan nila. Most of the time, nakikinig lang at nagmamasid. I love playing to be mysterious.

At sa aking pagmamasid, nakita kong binabakuranan ni Chuck Cutie Chubby si Big Boy Pretty Boy. Aura maria ang mokong. Lalo pa't magkatabi sila. Lockdown mode na sila, ika nga. Si Sherwin Textmate ang parating nai-ignore kasi mura lang ang kaya niyang i-contribute sa usapan. Yun ang niche niya. Halos si Domeng Parlorista lang ang kinakausap ko kasi ayaw kong umepal sa pag-a-aura maria ni Chuck Cutie Chubby kay Big Boy Pretty Boy. At kesa namang mabato at maulanan pa ako ng mura ni Sherwin Textmate pag dinaldal ko siya.

BIG BOY PRETTY BOYWhere stories live. Discover now