Stage 3
Ako si Naomi Alfred Yllan. Babae ako, swear. Panglalaki lang talaga yung second name ko. May best friend ako, si Kevin Lionel Perez. Cool ng name nya, right? Anak siya ng teacher. Ako? Anak din ako ng teacher, di lang halata. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi tumatanggap ng special treatment kaya parang normal na estudyante lang ako.
"Angela!" Pagtawag ko kay Kevin. Bakit, Angela? Kasi si Angela Leonelle Aguillera ang katangi-tanging babae na inaasar ng buong klase kay Kevin. Anak din siya ng teacher. Magkapareho lang sila ni Kevin ng subdivision na tinitirhan kaya madalas magkasabay sila umuwi. That's the point kaya inaasar ng buong klase sina Kevin at Angela. Habang ako tumatawa't ngumingiti na lang habang sila nagpapakasaya kasi mahal ko best friend ko. Kailangan kong magparaya.
"Huy! Alpredo!" nagulat ako ng tawagin nya 'ko. Problema nya ba? Kita niyang nagsasagot ako ng test namin sa Business Math eh! Ang hirap kaya. Sa sobrang hirap, ang sarap iyakan na lang. "Oh? Ano nanaman? At saka wag mo nga 'kong tatawagin 'Alpredo', nakakarindi!"
"Kita mo 'to! Tatawag-tawagin mo 'ko kanina tapos ikaw pala 'tong di mamamansin."
"Huh? Tinawag ba kita kanina?"
"Aish. Oo! Sabi mo pa nga 'Angela'-"
"Di naman ikaw si Angela ah? Ikaw ah! Nakakahalata na 'ko."
"Eh? Lagi ka namang ganyan eh. Kapag tinawag mo 'kong Angela tapos di ako lumingon, kukuwestiyunin mo naman ang hindi 'ko paglingon ta-"
"Okay, enough. I've heard enough." Rineady ko muna ang sarili ko sa tatanungin ko sa kanya. Kaunti lang kaming nandito sa room kasi yung iba naming mga kaklase nasa mga kanya-kanya pang curricular activities. Tutal, katabi ko lang naman siya kaya di ko na kailangang hinaan yung boses ko.
"Kevin, ano ang love para sa'yo?"
"Love? Si Angela."
"Sabi ko ano ang love para sayo, hindi kung sino ang love mo- OMG! May gusto ka kay Angela? Kyaaaah!" Magkunwari ka pa, Naomi. Maganda yan.
"Huwag ka ngang maingay! Baka pagalitan pa tayo ni sir! Pero, oo na. May gusto na 'ko sa kanya. Happy?" Ayun.
"Yay! Sabi ko na nga ba eh! In-denial ka lang! Mag papaparty na 'ko mamaya sa bahay. Punta ka ah?" Sabi ko sabay ngiti ng kay laki pero alam nyo deep inside, masakit.
"Seryoso ka?"
"Hindi. Wala pa 'kong pera eh. Haha!" Tawa pa. Ganyan ang tunay na nag paparaya, nakangiti sa labas, nakasimangot sa loob.
"Sssshhh!" sabi nung isa naming kaklase habang nakalagay ang kanyang index finger sa kanyang mga labi. "Okay. Peace." sabi ko ng pabulong habang naka-peace sign. Bumalik naman sa pagsasagot yung kaklase namin habang ako kinukulit si Kevin kung paano niya nakilala si Angela.
"Okay. Okay. Chill. Ganito kasi yun, una ko siyang nakita nung gumawa tayo ng first project sa English. Naaalala mo?" Umiling naman ako. "Okay fine. It doesn't matter naman. So yun nga, nung nakita ko siya parang may *dug dug dug* na ganung effects akong naramdaman." Sa akin kaya, meron? O kay Angela lang talaga? Hay. Ang sakit. Feeling ko kasi wala sa akin eh.
"Hay. I'm so happy for you. Paano kung may gusto din pala sayo si Angela?"
"Edi, mas maganda. Pwede ko na siyang ligawan." Nagtutubig na yung mata ko kaya kinusot ko para kunwari napuwing lang ako. "Ayos ka lang?"
"Oo. Sana. Uh, nga pala, dun sa 'ligaw thingy' tutulungan kita." sabi ko sabay ngiti. Aish. Wrong timing naman, sumisikip nanaman yung dibdib ko, nahihirapan nanaman ako huminga. Kaya nama'y uminom ako ng tubig agad, lumabas dala ang inhaler ko.
***
Ilang araw na 'ko dito sa ospital. Ang boring. Hindi ko alam gagawin ko. Ang tanging nagpapaaliw sa akin ay yung TV. Walang Kevin na nangungulit.
Ang hirap magkasakit lalo na kung Stage 3 na. Madalas, feeling ko mamamatay na 'ko dahil sa sakit na 'to pero sa awa naman ng Diyos, hindi pa. Pero ang sabi sa akin, wala na daw lunas sa sakit ko kaya pwedeng anytime, mawala na ako sa mundong ibabaw. Naiintindihan ko naman eh.
"'Nak, ang dry nanaman ng lips mo lag-"
"Ma, ganyan na talaga yan hanggang sa mamatay ako. Lame ang kulay kaya wag mo na pagtiyagaang lagyan ng lipstick ang mga labi ko oras-oras."
"Kasi sabi ko naman sayo, wag ka mong ii-stressin sarili mo, alam mo namang mahina ka eh."
"Basta ma, tibayan nyo lang loob nyo. Nandiyan pa naman sila Ate't Kuya, di lang ako nag-iisang anak nyo."
"Pero 'nak, ikaw lang ang bunso namin at ang princess namin-"
"Whatever you say, Ma. Basta, tibayan nyo lang ang loob nyo and someday I'll be your guardian angel at hinding-hindi ko kayo pababayaan, swear. Mahal na mahal po kita, Ma at ang buong pamilya."
"Mahal na mahal ka din namin, anak." Yinakap ako ni Mama. Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa si Kevin. "Maiwan ko muna kayo, anak." Sabi ni Mama at lumabas ng kuwarto.
"Naomi.."
"Kevin! Oh, kamusta na?" Sabi ko sabay ngiti kahit na may pumapatak nang mga luha galing sa mga mata ko.
"Ayos lang pero mas aayos sana kung kasama kita."
"Kasama mo naman ako ah?"
"Naomi, sabihin mo nga sa akin, paano ako aayos kung nakikita kitang nakahiga diyan sa lecheng kama na yan at hindi ko alam na may sakit ka? Mabuti na lang sinabi sa akin ng kuya mo tungkol dito!" Patuloy ang pag-iyak ko pero siya, umiiyak din pero halong emosyon yun, alam ko.
"Masaya ka naman ngayon, di ba? Kasi may Angela ka na! Kaya kung may Angela ka na, hindi mo na kailangan ng Naomi! Di ba ganun yun? At saka dumistansya na nga ako sayo para masanay ka na wala nang Naomi sa tabi mo habang buhay!" Pinilit kong kumalma kasi medyo nahihirapan na ako huminga.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"May Lung Cancer ako. Stage 3. Wala nang magagawa ang chemotheraphy sa akin, wala nang lunas sa sakit ko! Pero pinipilit kong mabuhay para sa pamilya ko, para sayo kasi mahal ko kayo! Kaso sa pagmamahal na iyon, ikaw lang ang di nakakapansin nun! Kevin, simula't sapul, mahal na kita pero ang hindi ko alam, may mahal ka palang iba. At ang ibig sabihin lang nun, sa kuwentong 'to, ako ang nagmumukhang tanga." Nangangapa na ko sa hininga. Hindi ko na kaya. "Kevin, tawagin mo sila." Hindi ko na talaga kaya, napapikit na lang ako sa sakit at bago iyon ay may narinig akong tunog ng diretsong tinis.
**********
N/A: Hihi. First One shot ko 'to! Woooh! Haha! Guys, vote, comment and share naman jan oh! Pagbigyan nyo na 'ko! Haha! Thanks for reading this! Kung may request/s or suggestion/s kayo about the one shot, just comment! :)
Kei_Supergirl ♥
BINABASA MO ANG
Stage 3 (One Shot)
Teen Fiction#ST || Naomi Alfred Yllan. In-love sa best friend niya. Yung best friend niya, in-love sa iba. Paano na siya?