Extra

380 18 5
                                    

Hindi ko na naman mapigilan ang lapad ng ngiti ko ng makita ang gwapong gwapo nyang mukha!!!. Walang hiya sya na ang gwapo.

Nanunuod ako ng isang talk-show sa TV, at mukha nya agad ang bumungad sa akin. Isa sya sa tinitilian ng mga kababaihan ngayon, ini-idolo, hinahangaan, sinusundan, at higit sa lahat para syang bituin na mahirap na abutin ng isang katulad ko.

“Ano ‘tong naririnig namin, that there is something ‘special’ between you and Shammie? Is that true, Kysler?”

Ayan ang tanong ng host sa kanya. Malamang yan na naman ang topic nila, palagi naman. Buhay artista. Hay.

“That’s not true, we’re just friend.” Paglilinaw nya sa host ng tv show at saka naman nagkaroon ng vilolent reaction galing sa mga audience.

“Really? Pero madaming nakakakita sa sweetness  nyo?”

“Haha, baka namimiss-interpret lang. We enjoy each other’s company, and we’re really good friends.”

Pinatay ko ang tv kahit na gusto ko pang tingnan ang mukha nya. Kakainis! Naiinis ako sa tuwing  naririnig ko ang mga chismis na kumakalat tungkol sa kanila ni Shammie. Nagseselos ako eh!

Alam ko na wala ako sa lugar. Sino ba ako diba? Hindi ako fan pero bakit ako nagkakaganito? Simple lang.

I’m crazy in love with the star, sa  isang artista, sa isang taong hindi mapapansin ang katulad ko.

Nakakatawa lang isipin na ang isang bigating ‘Kysler’ ngayon ay dati ko lang kalaro sa kalye, kahabulan, kaaway minsan, pero madalas kong kakampi  sa mga batang nang-aaway sa akin. Halos di kami nun mapaghiwalay, para kaming may glue dahil sa sobrang close naming dalawa. Nagbago lang lahat nung kailangan na nyang  mag-aral sa ibang bansa, third year high shool na kami nun, sabi pa nya na mabilis lang daw naman sila at babalik din, pero lumipas na ang ilang taon at kahit hanggang ngayon ay wala parin. Simula lang ng lumipat sila ng lugar ay nawalan na kami ng communication sa isat isa, hanggang sa lumipat na din kami ng tirahan.  Nagulat na lang ako ng makita ko ang litrato nya sa isang magazine, tapos biglang lumabas na sa tv, sa mga ibat ibang show. At ngayon nga, isa sa mga tinitilian. Hindi ko din akalain na magiging ganyan sya kagwapo! Naknang ang gwapo nya talaga kainis!

Maaalala pa kaya nya ako?

Hindi na ako umaasa na mapapansin nya ako. Siguro makikilala pa nya ang mukha ko, pero sa dami na nyang nakasalamuhang tao at yung iba pa sa kanila ay mga katulad din nyang artista at ako? Isa lang ordinaryong babae.

Ang masama lang siguro ay ang nararamdaman ko, dahil simula mga bata pa kami ay gusto ko na sya, bago pa sya maging ‘kung sino man sya ngayon’ ay gusto ko na sya, para na syang bituin namahirap abutin, kahit gusting gusto ko.

~*~

“Girls! Girls! Narinig nyo ba na dito daw gaganapin yung ibang scene sa bagong movie ni Kysler at Shammie??!! Kyaaah!! Mag-aapply akong extra!”

“Talaga??? Gosh!! Paghahandaan ko yan!”

ExtraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon