Porket ba magkaibigan, bawal na magmahalan na parang magkasintahan?!? Nakakainis lang isipin na ang daming mga taon sobrang mapanghusga...
Alam mo ba yung feeling na sa tuwing makikita mo yung taong gusto mo o yun taong mahal mo na may kasamang iba nakakaramdam ka ng biglaang pagkairita?! Kadamutan sa pakiramdam no? pero an sakit, e. sobrang sakit.. Bakit nga ba? sa totoo lang wala naman talagang ktauturan 'yang nararamdaman mo eh. ka wala namang "kayo"...Sadyang KAIBIGAN lang talaga... Pero, HINDI ... hindi mo matanggap kaya patuloy kang umaasa.. umaasa na mapapansin ka niya bilang isang babaeng bagay din sakanya... Lalong lumala yung feeling na 'to nung naghiwalay sila nung walang kwenta niyang girlfriend. yun tipong pinag mukha siyang tanga! ganda niya mashado eh, kahiya naman.. So yun na nga yung nangyari, naghiwalay sila nung girlfriend niya, andami naman mga lintang agad agad na lumandi sakanya.. WOW diba? Masaklap pa nito, nakalimutan niya ko... bihira yung communication, bihira na din makita.. siguro, parehas din kaming busy... pero ni "HI" o "kamusta" na dati lagi niyang ginagawa, ayun!! nawala ng parang bula... Di ko lubos na maisip na aabot sa ganito yun nararamdaman ko.. biglaan eh,di ko na din mapigilan..
Haay! ano namang laban ko sa mga nanlalandi sakanya.. una, sila magaganda, pangalawa , sila sexy.. O' san naman ako dun at pangatlo MAGKAIBIGAN NGA LANG kasi kami.. NOTHING MORE, NOTHING LESS... umabot yung point na nagsinungaling siya... yung akala mo talaga na totoo.. yun pala pinaasa ka lang..dahil dun an laki ng tampo ko sakanya.. kaso, MANHID siya ehh.. di manlang niya naramdaman na ganun na yung mga nararamdaman n mga tao sa paligid niya... lalo na ako.. yung kaibigan niya.. Lakas tama ko sakanya, langya. BAKIT? kasi kung ako yung tatanungin mo tungkol sa mga 'yan sasabihin ko na siya na talaa yung "PERFECT ONE". lahat ng mga katangiang gusto ko sa lalaki ay nasakanya.. matalino, marunong tumugtog..gentleman.. at respetado.. IDOL ko din yun.. kasi lahat lahat ng bagay alam niya at nababalanse niya.. di naman siya gwapo, di din naman siya mayaman, pero bakit nga ba nagustuhan ko talaga siya? siguro, kasi naging sobrang malapit namin sa isa't-isa..
Grabe, lahat ng mga nakalagay jan, sinasabi na hanggang kaibigan lang talaa kami.. saklap.. pero gets mo ba talaga yun? Anyways, we're still friends.. ako lang ton madalas na laging napapapansin sa kanya.. busy kasi.. :)) pero, OKAY na din yun.. at least, di pa din siya nawawala sa tabi ko.. nanjan 'pa kailangan ko.. kaagapay ko nung mga panahong kailangan ko ng karamay... ganito na kami siguro habangbuhay... per, malay naman din natin diba.. magbao ang ihip ng hangin at mapunta siya sa'kin bilang isang lalaking tunay kong mamahalin..
MASARAP MAGING KAIBIGAN.. KAHIT MAY SAKIT KANG MARAMDAMAN... MANGINGIBABAW PA RIN TALAGA ANG INYONG MGA PINAGSAMAHAN. :)
--111..