Chapter 34
DJ’s Pov
pagkatapos kong magluto ay tinawag ko na sila….
“Kainan na!!!”
Hinanda ko na yung uupuan ni Kath…
Syempre dapat ipakita ko na sincere ako sa kanya….
“Kath, dito ka na…”
“Salamat!!” sabay ngiti
Ngayon ko lang siya nakita na ngumiti ulit….
“Ano gusto mo? Eto ba??” ang paglalambing ko
“Sige, yan na lang…”
Linagyan ko ng kanin at ulam ang plato niya…
at tsaka umupo sa tabi niya…
Pero napansin ko…
“Ayaw mong kumain??” ang tanong ko kay Barbie na nakatayo pa rin…
“Gusto, kaya lang…”
“Kaya lang ano??” ang tanong ko ulit…
“Umuwi lang tayo, nakalimutan mo na yung nangyariiii….”
Nangyari??
Ano bang nangyari sa amin ni Barbie??
Wala naman akong naaalala…
“Anong nangyari??” ang gulat na tanong ni Kath…
Napatingin ako sa kay Barbie??
sabay tanong…
“anong nangyari??”
“Hindi mo na ba naaalala?? Yung nagyari lang kanina…”
nangyari kanina??
Wala naman akong naalala..
may ginawa ba kami kanina??
Biglang tumayo si Kath….
“Kath” sinubukan ko siyang pigilan pero nakaalis pa rin siya…
kaya sinundan ko na lang siya sa kwarto…
“Ba’t andito ka? Hindi ba dapat sinasamahan mo si Barbie ha?!…..”
“Kath, wala talagang nangyari sa amin ni Barbie….”
“Eh anong sinasabi niya? Sige nga magpaliwanag ka….”
“Hindi ko rin alam kung anong sinasabi niya. Teka lang muna, nagseselos ka ba??”
“Ako? Magseselos? Hindi ah!!?!”
“Eh ba’t galit na galit ka??”
“Diyan ka na nga…”
Lumabas siya sa kubo…
hindi ko na siya pinigilan…
Alam ko naman na nagseselos lang siya…
Pero ano ba kasi ang nagyari sa amin ni Barbie??
Pumunta ako sa tabi ni Barbie…
Balak ko sana siyang kausapin….
Kasooo…
Bigla siyang nagsalita…
“May problema ba babe??”
Nagulat ako sa sinabi niya…
Tinawag niya akong babe?!
Eh hindi ko pa nga siya masyadong kilala…
SIguro narinig ni Kath yung sinabi ni Barbie…
“Babe?? Kaya naman pala. Ba’t hindi mo pa inamin kanina DJ ha?!”
Hindi ako nakapagsalita…
Balak ko sanang mag0explain…
Kaya lang mainit ang ulo ni Kath…
Pumasok siya at dumiretso sa kwarto….
Napatingin tuloy ako kay Barbie…
“Anong babe ba ang sinasabi mo??”
“ang bilis mo namang makalimot, ikaw kay tong tumawag ng babe sa akin kanina….”
Narinig ko na lang na umiyak si Kath…
Kaya pumasok ako ng kwarto para tignan siya…
“Kath, magpapaliwanag akoo…”
Hay Nakuuuu!!
Ano bang nagawa ko at parang pinag-aagawan ako ng babae ngayon??
“Ano pa bang ipapaliwanag mo ha?!”
“Teka lang, anong gagawin mo sa mga damit mo??”
“Eh ano pa? Mas mabuti na lang na umalis ako dito, baka ma-istorbo ko pa kayo…”
“Kath, huwag mong gawin yan” Hinawakan ko ang mga damit na liniligpit niya
“DJ please, huwag mo nang dagdagan pa ang problema ko….”
“Kath, ano ka ba?”
Galit talaga sa’kin si Kath
Mapipigilan ko pa ba siya??
Magbabago pa ba ang isip niya???
BINABASA MO ANG
50 Days With You (KathNiel) [COMPLETE]
Teen FictionSa bawat pag-agos ng ilog, sa bawat pagkanta ng hangin, sa bawat pagsayaw ng mga puno't halaman, sa bawat paglubog ng araw at sa bawat pagdaan ng panahon MAKAYANAN KAYANG LAMPASAN NINA KATHRYN AT DANIEL ANG MGA PAGSUBOK NA KANILANG HAHARAPIN?..MAGSU...