Ayoko na

3 0 0
                                    

An idea for spoken      
Naitatanong sa sarili,
"Nagkamali ba ako? Nagkulang  ba ako? Bakit niyo ako sinaktan ng ganito?"
naiiyak, namamatay, nawawalan ng saysay
Araw-araw nararamdaman ng taong matagal nang nasasaktan,
Mga taong matagal nang nakahimlay sa kabaong pero pilit paring nabubuhay

Nababaliw ka sa paghahanap ng sagot,
Mga sagot sa bagay na hindi maintindihan
Mga sagot na di mo alam kung magbibigay hilom sa pusong nasasaktan
O ipapakita lang sayo ang masakit na katotohanan

Sugat dito sugat doon
Sakit dito sakit doon
Away dito away doon

Kelan ba matitigil ang masalimuot na pagkakataon?
Kelan ba maasam ang sayang ipinagkait noon?
Kelan ba?! Kelan ba maibabalik ang dating kinagisnan ko
Kelan ba ako sasaya ng totoo?

Pagod na pagod na ako
Patawad dahil sa sakit na naidulot ko sainyo
Patawad dahil nagkulang ako
Patawad dahil masyado ng durog ang puso ko
Patawad dahil sa huling pagkakataon, sumusuko parin ako

Mahina! Tanga! Bobo!"
Mga katagang sinasabi sa isang katulad ko,
Katulad ko lang naman na nasasaktan at nagdurusa sa buhay na ito.
Titingin ka nalang sa kawalan at magtatanong sasarili
"Kaya ko pa ba?"
Makikiusap ka sakanila
"Pwede bang itigil niyo na?"
At iiyak ka nalang sa pagtulog mo at hihiling ka na
"sana hindi na ako magising pa"

Self written poemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon