Relasyon

1 0 0
                                    

Mga pagkakataon na itinatakda ng panahon
Mga pagkakataon na hindi natin malaman kung kelan isasang-ayon,
Ang Mga problema na palaging tumataon
Sa pagitan ng masaya nating relasyon

Sanay pakinggan mo ang saloobin, aking minamahal
Di ko naman sinasadyang damdamin ay saktan,
Di pagkakaintindian natin sanay wag tagalan
Dahil ikay mahal ko at ayaw malisan

Oo hinawakan ko ang kaniyang kamay
Ngunit paniwalaan mo ako na ikaw parin ang andyan
Ang andyan at sumasakop sa puso at isipan,
Ang pagmamahal na sanay wag kalimutan

Hindi man maiwasan ang ganitong sitwasyon
Ngunit maniwala ka na ikaw lang at hindi na magbabago yon.
Kaya sana akoy laanan ng iyong pagaaruga at pasensya
Dahil pagsinabi ko sayong mahal kita, ito'y totoo at walang hakahaka

Self written poemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon