DAHILAN

1 0 0
                                        

Dahilan...

Dahilan ng ating pagkasira
Na ako rin ang may gawa
Hindi ko sinasadya ang aking nagawa
Dala lamang ng pagkabalisa

Na baka ika'y bigla na lamang mawala
Mawala sa aking tabi't mamalayang may iba na
Sino bang matutuwa
Kasintahang maligaya
Hindi sa aking piling ngunit sa piling ng iba

Nagtatawanang magkasama
Tinalo pa ang mag asawa
Magkayakap at magkasama
Naglalandian pa sila

Ngunit nang ako'y lumapit na
Bakas sa iyo ang pangamba
Pangamba na baka bigla
Sunggaban ang iyong kasama

Ako'y agad pinandiliman
Agad ko syang sinunggaban
Ika'y naging tuliro
At nagtatakbong palayo
Habang ako'y naiwan mag-isang nakatayo...

Changing Whats NextWhere stories live. Discover now