Mahal Kita

230 2 0
                                    

"Mahal kita"

Mga katagang ayaw kong paniwalaan
Mga katagang kahit anong gawin ko'y hindi naiiwasan
Palaging nakasunod na para bang takot na maiwan
Kahit anong takbo ang gawin ko'y palagi akong nasusundan

Sa pagmulat ng mata, ikaw ang unang nakikita
Ayaw ko man aminin, pero ako'y natutuwa
Palagi man ako tumatakbo, tinatanaw parin kita
Gusto kong makita kung ako'y sinusundan mo ba

Palagi kang nakabuntot sa akin
Na para bang ako lang yung nakakabuhay sa iyo na hangin
Naaasar man ay natutuwa parin
Sapagkat nandiyan ka parin kahit anong tulak ang aking gawin

Alam ko, ako'y sobrang gulo
Na kahit ako'y hindi rin maintindihan ang sarili ko
Tinutulak, hinahabol tapos kung nahabol, itutulak na naman
Ganyan ako, pero hindi ka napagod kailanman

Pero mali ako

Siguro sa sobrang kumpiyansa kaya ka nawala
Nabulag ako sa katotohanang tao ka rin pala
Akala ko hindi ka napapagod kakahabol sa akin, pero hindi pala
Marami nga'ng namamatay sa maling akala

Hindi man sabihin pero ako'y nasasaktan
Nakangiti man sa labas, pero sa loob ay parang namatayan
Sana.
Sana sinabi ko na lang ang matagal mo nang gusto marinig sa akin
Ang "Mahal din Kita" na matiyaga mong hinintay pero hindi dumating

Kung pwede lang ibalik ang oras gagawin ko
Masabi ko lang ang matagal ko ng gustong sabihin sayo
Pasensya na dahil naunahan ako ng takot at kaba
Pero uulitin ko, Mahal kita. Matagal na.

Mga Tula Ni ErzaWhere stories live. Discover now