Sorry naman po kung gan'to. Nirequest lang ito sa akin personally. Wala akong sama ng loob sa inyo boys ha. Cool tayo 👌
-
Hinalikan mo ako no'ng araw na ang landas natin ay muling nagtagpo
Tinanong mo ako kung pwede pa bang ibalik ang dating tayo
Humindi ako kasi wala na akong nararamdaman sayo
At humindi ako kasi nalaman kong pinatos mo rin ang kaibigan koGusto kitang murahin at bugbugin ng bigla mo akong hinatak
Dinala mo ako sa hindi mataong lugar at nag-umpisa kang pumutak
Sinabi mo ang mga salitang bumebenta sa iba
Pero sorry, hindi kasi ako katulad nilaMas lumala ang galit ko sayo nang may nalaman ulit ako
Pagkatapos akong humindi ay may agad kang bago
Pinapatunayan mo lang talaga na isa kang ganap na gago
Isang gago, pero hindi naman bagay sa 'yo kasi hindi ka ganon kagwapoIlang araw ang lumipas ay may mga larawan kang pinadala
Mga larawan ng dati nating ala-ala
Nag-effort ka pang iblack and white lahat ha
Tapos may message doon na ang nakalagay ay "Mahal kita"Naawa ako sa girlfriend mo dahil isa kang palikero
May bago ka na nga pero naghahanap ka pa ng bago
Gusto mo ata lahat ng babae mapasayo
Hoy lalaki paalala lang! hindi ka si James Reid kaya tigilan mo na ang kahibangan moNalaman namin ulit na may iba ka
Pinaiyak mo na naman ang isa kong kabarkada
Kaya nag-usap-usap kami at nagplano
Gusto nga pala kitang iinform na may pwesto ka na sa sementeryoPaalala lang na minsan lang matraffic si karma
Kaya humanda-handa ka na kasi malapit na raw siya
Huwag kang mag-alala, kung hindi siya gano'n kalupit sayo
Meron pa naman kami na handa kang ibaon hanggang umabot ka sa impyerno
YOU ARE READING
Mga Tula Ni Erza
PoetryMga tulang naayon sa nararamdaman ko. I'm not (much) of a talker kasi kaya nadadaan sa sulat. It's better to express my feelings this way, though.