NAKAKAINIS ITONG STORY NA ITO. Hindi siya mawala-wala sa utak ko. Grabe, hindi ko ineexpect na magtatagal siya ng almost two years sa buhay ko. Hanggang ngayon, hang-over parin ako sa ZADREAU couple.
'Yong mga batuhan ng lines? grabe, sagad sa buto. Lakas maka #friendshiptorelationshipgoals at solid as diamond
Bakit siya number one sa list ko?
Kasi pre, iba talaga impact niya sa akin. Actually at first, hesitant pa ako na basahin siya kasi, mej mahaba yung bawat chapters taps imagine 57 chaps yun lahat. Tapos noong sinimulan ko, I just found myself being addicted to the story. Sobrang attached ako to the point na naiibabato ko yung gadget ko kapag nalolowbat.
Tsaka iba din talaga ang mga galawang Andreau (name ng bida na boy), eh. The pasimple styles. Galawang hokage na hindi napapansin ni Scheherazade or Zade (si ategirl) kasi nakaregister sa utak niya na platonic silang dalawa at sobrang nag-agree yung universe para magmeet sila at maging magkaibigan. Ang kyut-kyut talaga nilang dalawa kasi kahit ako na nagbabasa ay naiinlab sa kanilang dalawa. AS IN! SOBRANG WORTH IT BASAHIN!
Hindi kasi siya tulad sa iba na paulit-ulit nalang ang plot. Iba siya (para sa akin) kasi habang kinikilig ka, natututo ka rin. Nakalist nga ako ng more or less than 10 weird words kasi mahilig magbrain sex si Zade (natatawa ako sa term).
Ang cool din kasi talaga nilang dalawa kahit saang anggulo tingnan.
(Naiimagine ko na naman yung mukha ni Andreau everytime na sinasabi ni Zades yong '"brain sex")
Ah basta! Ang ganda. See it for yourself nalang. Pramis! Hindi ka magsisisi. Tsaka pupusta ko Ate ko kapag 'di mo nagustuhan. Charrot 😂❤❤
YOU ARE READING
Best Books I've Read
RandomBest books I've read. Mga nagpaiyak sa 'kin at nagpawindang ng todo. Try adding this to your library, you will surely love this.