I can still remember my best friend saying na "beh, basahin mo 'yong I Love You Since 1892. Maganda siya, pramis! Historical Fiction."
Sobrang na shock ako kasi himala at naligaw siya ng genre ng story. Maka-action kasi siya at mystery, minsan lang nakakabasa ng mga story na may love-love chuchu. Tas, sobrang halata naman sa title diba na may romance.
So, inadd ko siya sa library ko pero 'di ko muna binasa. Until one day, pinag-uusapan 'yan ng lower grades. Intense DAW. Siyempre, naintriga ako kaya binasa ko siya, wala naman kasing nakalinyang babasahin sa library ko.
GRABE! The story made me tear up sooooooooooo bad 😭! 'Yong tipong umiiyak ka kahit tapos na 'yong chapter na 'yon pero nando'n parin 'yong effect niya? Lalo na ang chappie 23 at 44! As in, mugto to da highest level ang mata ko.
Sheeeeems, hang-over parin ako sa tula ni Juanito para kay Carmela. Dami ko rin natutunan 😄
Tapos, alam mo 'yong feeling na parang ikaw 'yong nasasaktan kahit wala ka namang role sa story? 'Yong tipong ramdam mo 'yong bawat batuhan ng linya? Bawat emotions na pinapakita nila, bawat scene talagang nakakaspeechless.
Imagine, pinanganak si Juanito Alfonso noong 1871 tapos si Carmela Isabella 19. Pero dahil sa kahilingan ni Carmelita Montecarlos (great great grandma ni Carmela, hahaha) napunta si Carmela sa taong 1891 hanggang 1892 kung saan binata na si Juanito Alfonso at dalaga naman si Carmelita Montecarlos para baguhin 'yong tadhana. Nabuhay kasi si Carmela sa panahon na 'yon as Carmelita. As in, una palang talaga, nabago na lahat. Tapos yung- spoiler alert 😂😂
Lakas nila maka#mayforever.
Grabe, nawindang ako sa twist niya. Kung sino 'yong mga kalaban at 'yong kakampi. Grabe si Author, hawud kaayo'g imagination 😁
Grabe din 'talaga si Author, 'yong History, wow.
I tried listening to Moira Dela Torre's Tagpuan while reading the chappie 44 and wakas and gosh, it fits!
I hope I can find a man like Juanito 😍
Ganda talaga. Try to read it, sure akong magugustuhan mo rin 😁
Tsaka share lang, kahit may chicken pox ako at sobrang katiiii nila, 'hindi ko 'yon inalintana kasi sobrang ganda ng story. Ayokong mastop ang pagbasa kasi baka may mamiss akong part, ganern. Nadagdagan din ang basag ng screen ng tab ko kasi natapon ko no'ng biglang nag-off, di naman low bat.
Lots of Love ❤❤❤
YOU ARE READING
Best Books I've Read
RandomBest books I've read. Mga nagpaiyak sa 'kin at nagpawindang ng todo. Try adding this to your library, you will surely love this.