0

80 3 0
                                    

"We need to find the heiress"walang agam-agam na sabi ng chairman sa conference room.

Kung saan nandoon ang mga board member ng kanyang kompanya.

Pinag-uusapan nila ang maaring pansamantalang hahalili sa pwesto ng chairman.

May karamdaman ang chairman kaya ng tatalo-talo sila kung sino ang nararapat.

Ngunit nag-anunsyo ang chairman na hindi siya baba sa posesyon niya hanggang di niya nahahanap ang kanyang apo.

Mabilis naman nagkaroon ng agrumento dahil sa sinabi ng chairman.

"How we dont have even any track track of her"sabi ng isang share holder ng kompanya.

"That true chairman we didnt even knew where she is " nagsang-ayonan naman ang iba

"I dont care we need to find my granddaughter , i dont give a damn"madiin sabi ng chairman bago tumayo at lumabas sa conference room.

" Fritz " tawag ng chairman sa kanyang secretary ,agad naman ito lumapit sa kanya.

"Yes Chairman"magalang na pagbati nito.

"Cancel all my appointment "nagulat ang sevretary dahil sa puno na ang schedule nito

"But chair-"

"No more but , just cancel do what i say, i have a special thing to do" at umalis na ang chairman

"Yes chairman" yumuko ito bilang paggalan

______________________________________

(Lorenzo memorial)

Sa harap ng chairman nakalagay ang huli hantungan ng kanyang pinakamamahal na asawa at anak.

Flerida Augustus Emperial
September 3,1949-December 31,2000

Leandro Augustus Emperial
February 8,1978-December 31,2000

Nagsindi ng kandila ang chairman at maimtim na nagdasal.

Isang masalimuot na gabi ang nagyari nun gabi iyon ang dapat na kasiyahan sa pag salubong sa bagong taon ay nauwi sa malagim na trahedya dahil dito nawala ang kanyang asawa at nag-iisang anak , kasunod din ay ang pagkawala ng kanyang nag-iisa tagapagmana kaya ganun na lang ang kagustuhan niyang mahanap ang apo na 17 taon na nawawala.

"Pangako ko hahanapin ko si Herchelle kahit na anong mangyari"

pangako ng chairman sa puntog ng kanyang mga mahal sa buhay din kasabay ng pagbuhos ng ulan na tila ba'y makikidalamhati sa chairman

Nagpatila ng ulan ang chairman nakatanaw lang siya sa labas ng may nakita siyang babae na may dalang payo na papalapit sa kanyang kinakatayuan

" tay nakita po kita kanina mukha po  kasing lalakas pa tong ulan,ito po payong "nakangiti sabi ng dalaga
Hindi alam ng chairman kung bakit pero magaan loob niya dito.

" kanina ko pa po kasi kayo nakita diyan , sino po dinalaw ninyo?"magalang na tanong ng dalaga
"Ang asawa at anak ko" sagot naman ng chairman dito

"Ganun po ba, mukha mahal na mahal po ninyo yung pamilya ninyo, madalas ko po kasi kayo makita dito"
nakangiting  sabi ng dalaga sa chairman , napatango na lang ang chairman bilang sagot sa dalaga.

" salamat iha ,anong nga pala pangalan mo?"tanong ng chairman sa butihing dalaga.

"Ako po si-" naputol ang sasabihin ng dalaga dahil may tumawag sa kanya

"Sorry po tay,tawag na po ko ng tatay ko" paumanhin ng dalaga at nagmamadaling umalis

Mapangiti ang chairman habang sinusundan ng tingin ang papalayong bulto ng dalaga sa tingin niya nakita na niya ang kanyang hinahanap kinuha niya ang kanyang telephono

"Hello fritz may gusto akong ipaimbestiga sayo"

Finding The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon