5

48 72 30
                                    


Camila's POV

Hindi ko alam kung sino ang kinakausap ko ,,,alam ko hindi naman ganun si andrea, ang pagkakaalam ko dun mabait, malambing, at higit sa lahat kinakaibigan ang lahat ng taong nakikita niya

Feeling ko tuloy, nagiging mayabang na siya,pero tatandaan niya, may karma rin sila, at sa mga dulo dulo pa yun kasi nga diba nasa huli ang pagsisisi...

Habang nag iimpake ako ng mga damit ko, nakita ko sa kabinet ko na may picture kami ni andrea noong bata pa kami, bigla kong naaalala yung mga nene days namin

Minsan naglalaro kami ng saranggola sa palayan, at naglalaro kami ng halo-haluan pero gamit namin ay buhangin, tapos kapag may ulan naliligo kami ni andrea, ang saya lang talaga namin noon, pero noon yun ehh ito kami ngayon ni andrea magka galit,

Bago ako umalis gusto ko sana siyang tawagan, pero si yaya delia nalang...

Ring🔊

"Hellow, "

"O, camila bakit ka napatawag?"tanong sa akin ni yaya delia na nasa linya

"Gusto ko po kasing ,kausapin si andrea, aalis na po kasi ako ngayon, ngayon na po ang flight ko, pupunta po ako kina mommy sa ibang bansa"parang naririnig ko ang boses ni andrea ,impusibleng nagakakmali ako, ang tagal na naming mag bestfriend

"Ahhh ganun ba camila, pero pasensya na umalis siya e"umalis daw pero naririnig ko ang boses ni andrea

"Ahhh sige po salamat"edi kung ayaw niya akong kausapin, bahala siya

Hindi ko na ralaga alam kung anong nangyayari kay andrea, baliw na baliw sa mike na yan, tandaan niya kung hindi sa akin hindi siya magkakaroon ng lovelife, hayss basta first timer ganyan, sa una baliw na baliw siya sa'yo pero pag tumagal sa iba naman siya mahuhumaling, sus galawan ng mga lalaki ganyan, plastic sa aming mga babae, for short paasa

Kaya nga sa tuwing naglalakad ako, kapag may kumikindat sa aking lalaki, pinag tataasan ko ng kilay, kasi halos lahat ng lalaki para sa akin plastic mga paasa, pero sinubang tanga ang may sabing umasa diba babae, hayss ang gulo ng mundo kay god nalang may forever

Pero believe rin ako sa mga iniwan na naka survive ,natatakasan nila agad sakit ang hapdi, at ang mga bakas ng pagmamahalan nila na naging bunga ng paghihiwalayan,

Totoo ngang hindi madali ang mag move on, minsan mapapatanong ka nalang sa sarili mo na,may nagmamahal pa ba sa akin?,. Ewan ko nga minsan at natatanong ko iyan sa sarili ko, minsan nga gusto ko nang mag pakamatay ,pero naiisip ko yung mga taong nagmamahal sa akin,

Wala na akong pakielam kay stephen at sa jowa niya, naka move on na ako sa kanya, ang sakit sakit talaga, bawat luha na pumapatak sa mata mo parang bato,

Pero ang hindi pa ako maka move on ay ang sa amin ni andrea, hindi niya kasi alam kung gaano ko siya ka mahal, binabalaan ko lang naman siya e, kasi ayaw ko siyang makitang umiiyak at nasasaktan, bilang kaibigan gampanin ko na mahalin siya ng tunay at totoo at hindi plastic

Pero kung hindi niya talaga ako maiintindihan ,wala na akong magagawa , basta ang mahalaga nasabi ko na ang dapat kong sabihin...dahil lahat naman ng sinabi ko ay para rin sa kanya, dahil mahal ko siya bilang bestfriend.

Sumakay na ako sa kotse pa puntang airport, mamimiis ko lahat ng masasayang araw ko dito sa pilipinas, mamimiss ko yung mga kaibigan ko lalong lalo na si andrea, mahal na mahal ko siya, pero huwag lang magkakamaling maghiwalay sila ni mike, kung hindi, yari ka sa akin mike,,,Goodbye Philipines and goodbye my dear bestfriend, Andrea...

Andrea's POV

May patawag tawag pa siya, aalis lang naman siya ,sigurado namang hindi niya ako ma mimiss ,napaka plastic niya, akala mo kung sino itong anghel, matapos niya akong pagsabi sabihan ng demonyo tapos ngayon,,,what the hell are you camila?

"Andrea, bakit naman hindi mo kinausap si camila?, at nag sinungaling pa tayo sa kanya na unalis ka at wala ka dito sa bahay"naku yaya, na aawa ka dun sa babaeng plastic na iyon?

"Yaya, plastic siya, dapat lang sa kanya yan, para na man ma feel niya na wala nang nagmamahal sa kanya!at pag sinabi ko na naandito ako pupunta at pupunta yun"sagot ko kay yaya habang nag aalmusal kami sa mesa

"Plastic na ba talaga ang tingin mo kay camila, halos nung mga bata kayo noon ,pagmay nang aaway sa isa ,aawayin niyo rin, at ayaw niyong masaktan ang isa't isa, pero ngayong malalaki na kayo, bakit na kayo nag kakaganyan?"sabi pa sa akin ni yaya, habang ako naman ay kumakain

"Yaya noon iyon, past is past, hindi na pwedeng balikan, at tinatanong mo yaya kung bakit ako nag kakaganito, dahil ito kay camila, dahil naging plastic siya magiging plastic na rin ako"anyways wala akong pakielam sa kanya, pero huwag na siyang umasa na kakausapin ko siya ,forever

"Past is past, anong past is past, iba iyon tungkol ito sa mag kaibigan at masasayang araw niyo noon ni camila, ano past is past ,pero kung gagawin mo yan patunayan mo sa akin, ni minsan ba hindi mo na isip ang masasayang araw niyo noon?alam ko naman hindi mo na iyon naiisip kasi ang laman nalang ng utak mo ay si mike,,puro si mike kaya naman yung tunay mong kaibigan, plinastic mo,.para lang ipagtanggol iyang mike mo"sa sobrang galit ko na sampal ko si yaya delia, bigla rin akong nagulat sa nangyari, nabigla talaga ako, umiyak si yaya

"Sorry yaya hindi ko sinasadya, talagang nabigla lang talaga ako, yaya patawarin mo ako"ang paghingi ko nang tawad kay yaya habang ako ay nakaluhod

"Anong , kababuyan ito, ano na batalagang nangyayari sa'yo andrea ,patawad hindi mo sinasadya, e nasampal mo na nga ako e, ano masaya ka na"sabi pa niyaya habang humahagulgul sa pag iyak

"Yaya pasensya na po, yaya pasensya na po,"ako ay nag mamakaawa kay yaya, dahil ayaw kong umuwi dito ang parents ko dahila ang stricto nila sa akin.

"Pasensya andrea, ubos na ang pasensya ko sa'yo andrea, ang hirap mo nang alagaan ang hirap mo nang mahalin, bayaan mo aalis na ako ngayon na rin dito sa pamamahay niyo, mukha namang kaya mo na dito sa bahay, at yayain mo dito si mike ha ,para may ka tulong ka, dahil ako hindi ko na kaya"sabay tumaas si yaya sa kuwarto niya at nag impake ng damit, wala na akong kaibigan, wala na rin akong yaya sino pa ang mawawala ?

Pumasok na rin ako sa kuwarto ko, kahit naman pigilan ko si yaya , wala namang mangyayari, umalis na rin siya sa bahay, kaya ito ang bahay namin, puno nang lungkot, nakakatakot, ako lang mag isa wala na si yaya na pag natatakot ako, palging nandyan sa tabi ko, at pag malamig niyayakap lang niya ako, namiss ko na agad si yaya, ang  bahay namin dati na puno ng saya ngayon ay siyang  naging malungkot at walang sigla....

*******

A/N: hi guyss thank you, for reading my story ,i hope you like it  ,but don't forget to follow me, Vote and comment if you want.
And if you like to comment use the hashtag
#IloveJmStories





Love Sick:<<#PrimoAwards2018#GAPH2018#TOA2018#DBC2018#TRPCLAwards#WWAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon