Part#4-Dragons Pt. 2

9.5K 261 9
                                    

(Revised )

- Sapphire POV -

Nang makarating ako sa cave ay sumalubong na naman sa akin ang isang apoy pero dahil mayroon akong enhance reflexes ay madali ko itong naramdaman at naiwasan.

"Sino ka at ang lakas naman ng loob mo na pumasok sa aking teritoryo" Isang malalim na boses ang narinig ko kaya napaangat ako ng tingin at doon ko nakita ang isang napakalaking dragon.

Kung normal lang talaga ako ay tiyak na naghihisterical na ako ngayon pero sa lagay ko ay hindi na ako magugulat tss.

"Ako si Sapphire at nandito ako para kumbinsihin na ka sumama at maki-alyansa sa akin para sa darating na digmaan." Mahabang sabi ko dito.

Saglit siyang napatigil at tiningnan ako na parang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko at matapos nun ay nagsalita siya ulit.

"Kung ganon, Ikaw na pala ang pinadala nila. Sasama ako sayo ngunit patunayan mo muna na karapat dapat ka para maging aking kakampi." Sabi niya at nag-iba ng anyo bilang isang tao.

"Labanan mo ako" Dugtong pa niya.

"Kung yan ang gusto mo." Maikling sabi ko at ngumisi.

Wala ni isa sa amin ang naunang sumugod at sa halip ay nagtitinginan lang kami na para bang inaalam na niya kung ano ang mga gagawin ko.

Nang magtagal ay naglabas ito ng isang espada at nilagyan ito ng apoy. As expected may kapangyarihan din itong apoy tss.

Wala na akong planong magtagal sa misyon na ito kaya nagsummon na ako ngayon ng water phoenix at eagle para guluhin siya. 

Habang nilalabanan niya ang mga iyon ay nagconcentrate naman ako para alisin ang hangin sa katawan niya hindi nagtagal ay kita kong nahihirapan na ito at unti unting napaluhod.

"Can't you just come with me? You're just making yourself stupid" Sabi ko dito at binalik na ang oxygen sa katawan niya. Wala naman kasi akong balak patayin yan.

"Hindi ko akalain na ganun kadali mo akong matatalo, pero kahit ganon ay ramdam ko parin ang lakas na dumadaloy sayo. Isang karangalan ang mapasama sa inyo" Sabi niya at nagulat nalang ako nang nawala ito at nakita ko nalang na may tatoo na ako sa aking kamay.

--------------------

Ngayon naman ay nandito ako sa himpapawid, parang ewan na lumilipad at hinahanap kung nasaan ang lugar ng Air Dragon.

Mahirap na ring makakita ngayon dahil maggagabi na pero desidido na talaga ako na tapusin ng maaga ang misyon ko.

"Fuck" Bigla kong daing nang matamaan ng mga lumilipad na air spikes papunta sa direksyon ko.

Agad akong gumawa ng barrier upang di ako matamaan at masamang tiningnan ang babaeng may dahilan nito na sa tingin ko ay kanina ko pa hinahanap.

"Alam kong ako ang hinahanap mo binibini ngunit hindi ako basta basta sumasama at nakiki-alyansa sa mga naman na mages." Diretsa nitong sagot. As expected again.

"Okay then, what do you want me to do to make you be our ally?" Tanong ko dito.

Tumigil na ito sa pag-atake sa akin at seryoso akong tiningnan.

"I want you to have one on one combat with me. No powers allowed." Sabi niya kaya sumang-ayon nalang ako.

Agad akong lumayo sa kanya at ganon din ang ginawa niya. Nakatingin lang ako sa kanya ng seryoso at ganon din ang ginawa niya. Nanatili kami sa ganong sitwasyon ng ilang segundo hanggang sa kinuha niya ang espada sa beywang siya ay agad na sumugod sa akin.

Dahil doon ay kinuha ko rin ang espada na nakasabit sa likod ko at sinasangga ang bawat atake niya. Paulit-ulit lang ako sa pagsangga hanggang sa kita kong pagod na siya kaya nag take advantage ako at ako naman ngayon ang umatake at hindi naman ako nabigo dahil kahit papaano ay nasugatan ko siya sa tagiliran.

Hingal na napaatras ako sa ginawa niyang pag-atake sa likod ko. Halos isang oras na rin kami ditong naglalaban, parehas na sugatan at pagod na pero wala ni isa sa amin ang gustong magpatalo. 

Hindi maipagkakaila na malakas siya. Magaling siyang humawak ng espada, mabilis at maliksi rin ito kung kumilos kaya kahit papaano ay nakahanap na ako ng katapat.

Sa huling pagkakataon ay mabilis akong lumipad pasugod sa kanya sa pagkakataong ito mas mabilis na ang bawat atake na ginawa ko.

Habang patagal ng patagal ay kita ko na ang hirap at panghihina sa kanya dahilan para mas lalo akong ganahan sa pakikipaglaban. Sa huling pagkakataon ay muli ko siyang nasugatan sa kanyang tagiliran at pisnge kasabay nito ang pagsenyas siya ng 'Tama na'.

Huminto na ako sa pag-atake at inabot ang kamay ko sa ngayo'y nakahiga na na air dragon. Hindi ko napansin na sa tindi ng nangyaring laban namin kanina ay nandito na pala kami ngayon sa lupa at wala na sa himpapawid.

"Tunay na nakabibilib ang iyong ipinakita ngayon. Totoo naman pala ang mga naririnig kong balita tungkol sayo, ikinalulugod kong maging kakampi ninyo " Sabi niya at yumuko pa

"Ako nga pala si Mary pasensya na at ngayon lang ako nakapag pakilala" sabi niya pa na tinanguan ko lang tsaka siya nawala katulad ng nangyari kanina sa Fire dragon at napansin ko nalang ang isa pang tattoo sa balikat ko.

Pagkatapos nun ay tsaka ko nalang maramdaman ang pagod kaya wala sa sariling napabagsak ako sa damuhan na inaapakan ko.

Fire ☑
Air ☑
Nature ✖
Water ✖
Lightning ✖
Elemental ✖

Aish 2 down 4 to go.

Pinikit ko muna sandali ang mata ko tsaka tumayo para maghanap ng lagsamantalang tutulugan, Hindi naman ako pwedeng diyan lang sa damo matulog tss.

Habang naglalakad ay tanaw ko mila dito ang isang kweba kaya agad akong napatakbo doon para tingnan kung pwede iyong tulugan pansamantala at hindi naman napunta sa wala ang ginawa kong pagtakbo dahil mukhang walang hayop na nakatira dito hmm maliban nalang siguro kung mayroon mga paniki pero tingin ko wala naman kaya nilapag ko ang mga gamit ko at naglabas ng pagkain na baon ko.

Pagkatapos kong kumain ay humiga na ako sa isang flat na bato at pinipilit na makatulog para bukas.

*Sigh* Ngayon ko lang napagtanto, totoo pala ang sinabi sa akin ng isang gangmate ko na "The more power you have the higher the responsibility you handle".

Nakakainis pa dahil hindi ko alam kung bakit ba ako may kapangyarihan kung wala edi sana ay natutulog lang ako ngayon sa bahay at walang ibang pinoproblema pero andito na eh wala na rin akong nagagawa kaya go nalang tsk.

┻━┻┻━┻┻━┻┻━┻┻━┻┻━┻┻━┻┻━┻┻━┻

Chapter 4 done

(Sorry for the typographical errors)

Please

Vote

Comment

And follow me :)

Mystic Flame Kingdom:The Long Lost Powerful PrincessWhere stories live. Discover now