(Feeling ko kailangan kong isingit to since mga may beginner out there na nagbabasa din kahit papano. So yeah, isisingit ko lang sya. Pasensya na. Sana maintindihan nyo.)
First:
So ito ang unang bubungad sayo pag open mo ng picsart. Sa picture, makikita na may tatlong choices. (Edit photo, create collage at draw something) Syempre unang una, sa edit photos, pag ito ang pinili mo, pwedeng maglagay ka na lang ng effects sa photo mo. Mga kung anu-ano na pwede mong idagdag. Susunod ay ang CREATE COLLAGE, sa choice na to pwede mong pagsama-samahin ang mga nagawa mo o pictures mo. Halimbawa ay sa book covers at ipopost mo. Syempre hindi mo naman gugustuhin na iupload ng isa-isa ang mga samples mo, sa pamamagita ng collage na to maaari mo silang pagsama-samahin ng sa gayon ay isang picture na lang ang iuupload mo. At huli ay ang DRAW SOMETHING. Pamilyar ka naman sa lugar na to dahil dito talaga tayo nag eedit at gumagawa ng book cover.
May mga pagkakataon na hindi mo makikita ang tatlong yan lalo na kapag nakaconnect ka sa internet. So ang kailangan mo lang pindutin ay ang pink na icon sa baba na may ➕ sign at lalabas na ang edit photo, create collage at draw something don.
Second:
Pag tinap mo ang draw something lalabas ang ganito. Hindi naman sya talaga agad nakasunod sa 540x960 pero ang kailangan mo lang gawin ay iswipe ang finger mo from left to right at makikita mo dun ang CUSTOM. Itap mo yun at iset mo ang canvass mo ng 512X800.
YOU ARE READING
Picsart Tips & Tutorials
RandomDagdag kaalaman sa paggawa ng book cover gamit ang picsart.