Jana
Agad akong bumaba sa kama nang marinig ang sigaw ni mama mula sa baba. Tinungo ko ang banyo upang maghilamos at mabilis na bumaba ng hagdanan. Naabutan ko doon si Mama at Papa na kausap ngayon ang pinsan kong malapit na ikakasal.
Ngumiti si ate Daine at niyakap ako. Bigla naman akong nahiya nang mapansing amoy laway pa pala ang pantulog kong damit. Hindi na kasi ako nakapagpalit dahil mukhang importante ang pinunta ng pinsan ko rito.
"Naparito ka po, Ate Daine?" umupo ako sa couch na kaharap nya. Napatingin ako sa wedding invitation na nasa mesa. Dinampot ko yun at binasa ang mga nakasulat.
Ilang araw nalang at mangyayari na ang pinakahihintay na kasal ni Ate Daine. Bakas sa mukha nya ngayon ang ligaya. Hindi na ata yun nawala simula nung magpropose sa kanya si Kuya Neon. At masasabi kong isa sila sa mga couple na maswerte sa mundong ito.
Karamihan sa lahat ay hindi nakukuha ang tunay na Happy Ending. May ibang naiiwang magisa at hindi nakapag-move sa mga jowa nila. May ibang natatakot magmahal dahil nangingibabaw yung expectation nilang masasaktan parin sila sa huli. May ibang gustong magpakasaya muna sa buhay at isantabi ang love life.
Ako? Hindi ko pinangarap na ikakasal ako. Ni hindi ako nagkaroon ng crush ngayon simula noong mareject ako ni Xian.
"May napili na kasi akong magiging partner mo sa kasal namin ni Neon. Isa sa mga pinsan nya at nabalitaan kong mabait pala yun. " nakangiting usal nya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ate at saka ngumiwi. Tumawa nalang ako at hindi na pinakinggan ang pinagsasabi nya sa mga magulang ko. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa letter at napatitig sa picture na nasa unahang bahagi nito.
Dalawang singsing ang nakadikit.
Bigla akong napatigil at nagtataka kung bakit nacurious ako sa lalaking tinutukoy ni ate Daine. Isa ako na magiging brides maid sa kasal nya at dapat hindi isa sa mga pinsan o kilala mo ang magiging partner na maglalakad sa altar. Yung mga pinsan ni Kuya Neon ay nasa Cagayan kaya kailangan pa nilang bumyahe patungo rito para sa kasal.
So..yung partner ko ay hindi rin magtatagal sa Bohol?
"Kailan nga pala darating ang mga kamag anak ng iyong mapapangasawa, hija?" nakangiting tanong ni papa habang umiinom ng kape.
Umayos ako ng upo at naghintay sa isasagot ni ate Daine.
"Bukas na po. Kasi sa susunod na bukas na yung kasal eh. " saad nya. Tumingin sya sakin at kinindatan ako na naging dahilan kung bakit bigla akong nagduda.
"Ahh. Hindi ba sila magtatagal dito? " muling pagtatanong ni Papa. Napatingin ako sa kanya dahil nagkatugma-tugma yung mga tanong ko sa isipan ko sa tanong nya ngayon.
Muling lumingon sakin si ate Daine at ngumisi ng nakakaloko. Naningkit bigla ang mata ko.
"Bakasyon naman po kasi, Tito. Kaya mukhang mananatili sila ng isang buwan rito. "aniya. "Balak ko po sanang ipapakilala si Jana sa mga pinsan ni Neon eh. "
Napanguso ako nang mapagtantong may gustong ipareto saking lalaki si Ate Daine. Ngunit may kutob akong hindi eepekto ang mga charms na ipapakilala nya sakin. Kahit kakasimula lang ng bakasyon ko ay study first muna ako. Kailangan kong mag advance reading para marami na akong alam pagkapasok ko sa susunod na pasukan.
"Ipapakilala? Mga lalaki ba, Daine?" napangiwi ako nang makita ang reaksyon ni papa. Tumawa ang pinsan ko saka sumenyas kay papa na mali sya.
"Naku! Hindi po,tito. Masyado naman po kayong over protective sa nagiisa nyong anak. Matanda na po sya at baka hindi nyo po alam na may sekreto na syang hindi sinasabi sa inyo. " isang masakit sa tenga na halakhak ang lumabas sa bibig nya.