"So ahh, Psyche... Ano bang pagkakaintindi mo dito?" Inilapit ni Psi ang kanyang cellphone sa muka ni Psyche upang ipabasa ang isang kataga. Mula iyon sa isang librong kanyang bago palang na binabasa.
Tinignang mabuti ni Psyche ang nakasulat at saka nilunok ang nginunguyang burger. "The art of good observation is interpretation huh..." Sabay kagat na muli sa kanyang burger.
Tinignan ng muli ni Psi ang kataga at napapakunot na ang noo nito, naniningkit ang mata sa kaiisip. "Ano ba kasi talaga? Kaylangan ko to para maging isang magaling na Detective!" Sigaw ni Psi with matching taas pa ng kamay na parang isang superhero. Natatawa si Psyche sa ginagawa ng kanyang bestfriend. College na ito pero pagdating sa pagiging detective, nag mimistula siyang bata na gustong gustong maging superhero.
"Simple lang naman yan Psi!" Sigaw ni Psyche na naniningkit din ang mata habang nakangiti. Agad sa kanyang napatingin si Psi na parang gulat na gulat.
Hinawakan nito si Psyche sa dalawang balikat saka inalog ng inalog na parang nangunguha ng salagubang sa puno ng mangga.
"TALAGA!?" Sigaw ni Psi sa muka ni Psyche habang patuloy ang pag alog nito. "Sabihin mo sakin!" Dagdag nya.
"Simple lang pero mahirap gawin." Seryosong sabi ni Psyche na naging dahilan ng pagka tulala ni Psi.
"Kala ko simple lang!" Maktol niya. "Niloloko mo naman ako eh! Pinapaasa moko Psyche ha!"
"Lahat naman ng bagay mahirap sa simula!" Sabi ni Psyche habang patuloy ang pagtawa at pag ngisi.
Napatigil si Psi at napaisip. "Sabagay tama ka... Pero teka hindi yan ang tanong ko!" Tawang tawa si Psyche habang pinapanuod ang pag busangot ni Psi. "Hindi ko naman tinatanong kung mahirap eh! Ang sabi ko, ano ang pagkakaintindi mo." Wala pading tigil ng pagtawa si Psyche. Itinapon nya ang balat ng burger sa basurahan sa gilid ng inuupuan nila.
"The art of good observation is interpretation..." seryosong sabi ni Psyche. Bakas sa muka niya na malalim ang kanyang iniisip.
"Ang isang trait kasi ng isang detective ay kaya nyang bigyan ng paliwanag ang mga bagay bagay." Tahimik lang na nakikinig si Psi sa kanya. Parang may dumadaan na anghel sa tuwing tumitigil sa pagsasalita si Psyche.
"Halimbawa..." Dugtong nya.
"Kung nakita mo ang isang studyante na naka uniform, masasabi mo na agad na pupunta sya sa school para pumasok." Napapatango si Psi habang nakikinig sa sinasabi ni Psyche.
"Pero kung isa kang magaling na detective, maaari mo ding masabi kung saang school siya pumapasok, anong level nya, anong klaseng studyante siya." Paliwanag ni Psyche.
"Wooahh! Lalo akong nae excite!" Sagot ni Psi. "Pero teka, kaya ba talagang malaman kung anong personality nya based lang sa kanyang uniform?" Tanong niya.
"Oo naman. Pero hindi yun basta basta. Lahat ng yon ay napagdaanan na ng isang detective at subok na, kaya masasabi nating accurate na ang kanyang mga deductions. Ngunit sa isang nagsisimula pa lang na katulad mo, maaari nating sabihin na... 'Magaling ka lang manghula'" Sabay hagalpak ng tawa ni Psyche.
Bakas sa muka ni Psi ang pagka mangha at pagka pahiya dahil sa sinabi ni Psyche pero dahil sa mag bestfriend sila, kuha na nila ang kilos ng bawat isa.
"Kaylangan kong maging detective Psyche!" Sigaw ni Psi, para syang nabuhayan ng loob ngunit hindi mo alam kung san sya kumukuha ng inspirasyon. "Matutulungan mo ba ako?" Tanong niya sa bestfriend nyang nagbubukas ng Piattos.
YOU ARE READING
Make me a Detective
Mystery / ThrillerSi Psi ay katulad mo na nangangarap din maging detective. Pero paano nga ba? Ano nga ba ang mga hakbang na dapat nyang gawin para maabot ang pangarap na ito?