"So.. uhmm... Psyche? Tulungan mo naman ako! Gusto ko talagang maging kagaya mo eh!" Pag pupumilit ni Psi.
Masyado syang namangha sa ginawa ng kanyang bestfriend kaya hindi sya mapakali. Paikot ikot sya sa bench kung saan nakaupo at kumakain ng burger si Psyche.
"Psycheeeeeeeeeeeeeee!!"
Gulat na gulat si Psyche sa ginawa ni Psi, sobrang tahimik kasi sa playground na kanilang tinatambayan, at umalulong ang boses ni Psi. Nagliparan ang mga ibon dahil sa napakalas nitong boses.
"Bestfriend naman kasi." Pag mamaka awa nito. "Tulungan mo naman ako."
"Kiss muna!" Sabay nguso ni Psyche kay Psi.
"What the?!" Napatayo si Psi sa ginawa ni Psyche.
"Pag di moko iki kiss, hindi kita tuturuan!" Sabi pa ni Psyche.
"Ang daya mo naman eh! Bakit ba lagi ka na lang hindi fair saken?" Sabi ni Psi sabay lingon palayo.
"Joke lang! Ikaw naman masyado kang tampuhin." Sabay yakap kay Psi habang tumatawa. "Love na love kita Psi, pero syempre, mag bestfriend tayo. Alam ko namang wala kang hilig sa mga girls." Dugtong pa nito.
"Wag kang mag alala Psi tutulungan kitang maging magaling na detective, wag mong aalisin sa isip mo yan." Bumitaw na sa pagkakayakap si Psyche at kinuha ang bag na nakapatong sa bench. "Sa ngayon eh magbasa ka lang ng magbasa para lumawak ang kaalaman mo. Ako na ang bahala sa mga bagay bagay."
"Haays mukang wala na akong magagawa." Nakayukong kinuha ni Psi ang kanyang cellphone sa loob ng bag at nagsimulang mag basa. "Sa tingin mo ba Psyche..."
Napatingin na naman sa kanya si Psyche na ngayon ay nagbubukas na naman ng Piattos.
"Sa tingin mo ba maaabot ko ang mga pangarap ko? Katulad ng pagiging isang detective?" Nakatingin parin si Psi sa kanyang cellphone at hinahanap ang kanyang binabasa. "Kaya ko kaya?"
"Wag ka ng madrama jan!" Sigaw ni Psyche habang punong puno ng Piattos ang bibig. "Ikaw nga ang pinakaunang detective na nakilala ko eh."
"Naalala mo pa ba Psi? Nung tinulungan mokong hanapin yung mga gamit ko na pinagtatago ng mga bully kong kaklase?" Masiglang sabi ni Psyche. "Napahanga mo nga ako noon eh, tapos yun din ang dahilan kung bakit naging mag bestfriend tayo... Dito din yun sa playground na ito."
"Naalala pa nga kita non eh, sinabi mo sakin na gusto mong maging detective, kaso masyado ka pang bata non kaya sa tingin ko wala ka pa sa isip para magsimula."
"uhmm.. P-Psi???"
"Psiiii!!"
___________________________________________
"Psi anak kamusta ka na? Maayos na ba pakiramdam mo? May iba ka pa bang nararamdaman? Nagulat ako ng tumawag sakin ang guard ng playground, ang sabi nakita ka daw nilang nahimatay kaya dinala ka nila dito sa ospital. Buti na lang talaga may number ko yang ID mo kaya natawagan nila ako."
"Ma nasan si Psyche? Hindi ba sya ang nagdala sakin dito? Hindi sya ang tumawag? Nasan siya?" nagpipilit na bigkasin ni Psi ang mga gusto niyang sabihin.
"Anak hindi sya ang nagdala sayo, hindi din sya ang tumawag samin. Akala ko din magkasama kayo kaya tinawagan ko si Manong Tolits, sabi nya wala pa daw si Psyche, hindi pa daw umuuwi." Paliwanag ni Aling Teresita. "Nako nako, saan na kaya napapunta ang batang yon?" Dugtong pa niya.
"Nga pala nasakin yung sulat na hawak mo kanina, para sa math niyo ba yun?" Tanong ni Aling Teresita.
"Sulat? Ano ma? Wala kaming math subject ngayong araw. Patingin nga?" Napaayos ng upo si Psi sa kamang kanyang pinagpapahingahan, nakakunot ang noo at nag iisip ng mabuti.
11-8-2-24-19-22-26-20-12-12-23-13-26-14-22-19-6-19-26-13-23-8-6-24-19-26-2-12-6-13-20-11-9-22-7-7-2-19-18-20-19-8-24-19-12-12-15-20-18-9-15-13-26-16-26-16-26-15-6-13-20-16-12-7-15-26-13-20-4-26-15-26-16-26-13-20-14-26-15-26-2-13-20-26-2-12-13-26-7-19-18-13-23-18-14-12-13-26-16-18-16-18-7-26-16-6-13-20-11-26-13-12-16-12-8-18-2-26-19-18-13-26-19-26-4-26-16-26-13-8-26-14-20-26-11-26-9-7-22-13-20-16-26-7-26-4-26-13-13-18-2-26-25-7-4-19-18-13-23-18-16-12-11-26-11-26-7-26-2-18-13-26-13-20-20-18-9-15-21-9-18-22-13-23-14-12-11-22-9-12-18-15-15-20-18-5-22-2-12-6-7-18-14-22-26-13-23-18-4-26-13-13-26-11-15-26-2-8-12-14-22-20-26-14-22-4-18-7-19-26-23-22-7-22-24-7-18-5-22-24-12-15-15-22-24-7-14-2-11-18-22-24-22-8
"Woah! Ang sakit naman sa mata nito." naniningkit ang mga mata ni Psi habang pinapag aralan ang mga numero. "It doesn't make sense! Ano ba tong mga to? Para saan?" Napayuko na lamang si Psi habang hawak hawak padin ang papel na may mga nakasulat.
___________________________________________
"So it's confirmed, nawawala nga ang iyong bestfriend." Sabi ng isang hindi masyadong pamilyar na boses sa likod ni Psi. Lumingon siya at nakita ang isang babae. Isang babaeng mahaba ang buhok, naka salamin na para bang isang nerd, dala dala ang backpack na punong puno ng mga libro, dagdag mo pa ang mga papeles na hawak hawak nya.
"I'm Aze." Ini abot nito ang kanyang kamay kay Psi. "Nice to meet you!" Pagka kamay ay agad itong umupo sa tabi ni Psi para makipag kwentuhan.
"Kwentuhan muna tayo Psi, mamaya pa naman ang klase nyo eh. Alam mo bang matagal na kitang gustong kausapin? Kaso dahil lang don sa bestfriend mo kaya hindi kita makausap." Tuloy tuloy na sabi nito.
"So..."
"Nope! Syempre nalulungkot ako dahil sa pagkawala ng bestfriend mo, at hindi ko naman yon pinagdasal syempre. Pero masama ba kung kunin ko yung opportunity para makasama ka at makausap?" Dugtong nito.
"Isa lang ang maitatanong ko sayo." sagot ni Psi na nakatingin na naman sa sahig.
"Well, kaya nga ako nandito diba? Para tulungan ka. I know may motives well, at kung gusto mong isa-isahin ko sayo, walang problema. Pero dahil papasok ka na, hindi ko na muna sasabihin ngayon."
"Teka, pano mo nalamang?" Bakas na naman ang pagtataka sa muka ni Psi. "Una yung pangalan ko, pangalawa na wala pa kaming klase, pati yung itatanong ko nalaman mo din, tapos ngayon alam mo din na may klase na ako? Pano?"
"I see, so wala ka pang kaalam alam sa Deductions? Pano ka magiging detective nan?" Sagot ni Aze sa kanya.
"Baguhan pa lang ako, kaya nga ako nagpapaturo sa bestfriend ko eh... kaso..."
"Nandito naman ako ah? Hindi ba ako sapat? I can teach you all the things that I know, all you have to do is be my partner." Sagot nito.
"No! Ayoko! Ayoko! Ayoko!" Tumayo bigla si Psi at kinuha ang kanyang mga gamit. "Kaylangan kong mahanap si Psyche. Siya ang kaylangan ko! Gagawin ko lahat maibalik ko lang ang bestfriend ko."
"But knowing the fact na nawawala sya, mataas ang chance na..."
"Stop it! Mahahanap ko pa siya. This time magiging magaling na Detective na talaga ako, gagawin ko lahat ng sinabi nya, magbasa ng magbasa, at pag-aralan ang mga bagay bagay!"
"Well first you should control your emotions." Tawa ni Aze, "Psi, I should call you 'Hysterical Detective'." Tawang tawa si Aze na naglalakad palayo kay Psi.
YOU ARE READING
Make me a Detective
Mystery / ThrillerSi Psi ay katulad mo na nangangarap din maging detective. Pero paano nga ba? Ano nga ba ang mga hakbang na dapat nyang gawin para maabot ang pangarap na ito?