Mga salitang binitawan mo
Na akala ko'y totoo
Ngunit nagkamali ako
Ako'y niloko mo.Sa bawat pagbigkas mo ng mga salitang ito
Kaya ang ngiti ko'y abo't todo
Na halos magmukhang tanga at siraulo.Sa bawat pagpatak ng mga luha
Dahil sa mga alaalang ating ginawa
Hindi malaman kung ayos pa ba
Dahil sa sobrang sakit na nadarama.Oo ang tanga ko
Dahil nagpaloko ako sa isang tulad mo
Na akala ko'y totoo
Ngunit nagawang saktan ako.Mahal kita, pero tama na
Tama nang tumigil sa pagiging tanga
Sana'y makuntento ka
Sa kung anong meron ka
At isipin kung may nasasaktan na.Itigil ang pagiging manhid at mahalin nalang siya
Dahil alam kong sakanya ka mas sasaya
Kakayanin ko kahit masakit na
Dahil MAHAL KITA.