Anna Maybelyn Sojor

5 0 0
                                    

Nagtatawanan kaming lima. Kami nina Jash, Enelyn, Sheila, Diala at ako. Si Diala ang may pinaka-malakas na halakhak sa amin.

"Tigilan niyo na nga ang pag-away diyan." Mahinang sabi ni Enelyn, ang pinakamahinhin sa amin.

Nakita kong napa-ikot ang mata ni Sheila sa sobrang kaplastikan ni Enelyn, nasa loob naman ang kulo. Ang akala niya, walang nakakaalam sa sikreto niya. Well, alam ko.

"Shut up, Enelyn. Ginagantihan lang namin 'to!" Ani Jash. Ang pinakamataray sa amin at pinakamayaman. Siya ang may hawak ng cellphone dahil binabash nila online ang nakaaway namin.

Agad namang nakipag-apir si Diala sa kanya. Bukod sa malakas tumawa, gold digger pa. Dikit ng dikit kay Jashrine para malibre. Such a loser!

Halos mawala ang itim ng mata ni Sheila ng umikot na naman 'to. Siya ang pinakapalaban sa aming lima. Pero, ngayon tahimik siya, nakakapanibago.

Humalukipkip ako at tinignan siya ng nakataas ang isang kilay. "Bakit ang tahimik mo ngayon, Sheila?"

Halatang nagulat siya pero hindi niya pinakita. "Anong ibig mong sabihin?"

"Dati, ikaw ang nangunguna sa pakikipag-away. Ngayon..." hindi ko na itinuloy dahil alam na niya ang ibig kong sabihin.

"W-Wala lang."

Ngumisi ako at tumango. Hindi ka makakalusot sa akin, Sheila. You know me.

"Ano? Hindi paba tayo kakain? Gutom na ako!" Sabi ni Diala na nakahawak pa sa tyan niya at nakanguso. Ang sarap niyang hampasin ng bato, nakakagigil.

Ibinaba ni Jash ang cellphone niya at nagtaas ng kamay para maagaw ang atensyon niya ng waiter.

"Anong gusto niyo? Libre ko!"

"I can pay for myself, Jashrine." Sabi ko at tumingin kay Diala.

Sumipol si Sheila at lumunok si Enelyn. Tumaas ang kilay ni Diala na parang hinahamon ako.

"Ayos lang, May! Haler, we're friends kaya!"

Para naman hindi mahalata si Diala, tumango nalang ako at sumenyas ng kahit ano.

Tinaas ni Enelyn ang camera niya at, "Bago tayo kumain, let's take a groufie! Say, love you, girls!"

"Love you, girls!"

Pag-uwi ko sa bahay, in-open ko agad ang Facebook ko dahil siguradong naka-tag na sa akin ang picture namin kanina.

'The best Girls in the world! ♡'

"Napaplastik. 'Wag kang magbait-baitan, hindi bagay sayo."

Jash:

Hey, May! May chika ako sayo.

Ano na naman kaya ang sasabihin nito?

Ako:

Ano?

Jash:

Si Enelyn! May scandal!

Napangisi ako dahil huli na siya sa balita. I knew it, alam ko na 'yan last month pa. Ako mismo nag-video. Pero, kailangan kong magpanggap na nagulat para hindi mahalata.

Ako:

What? Really?

Jash:

Yes, with Marcus! Yung gwapo sa school! Like, omg! Napanood ko sa confession page ng School natin. Grabe, nakakahiya siya!

Hindi na ako nagreply at tinext si Enelyn 'Mahinhin' Alegre.

Ako:

Hey, you okay? I saw your scandal.

Enelyn:

Hindi ko na alam kung paano ako haharap sa mga magulang ko! Alam mo namang pareho nilang inaalagaan ang mga pangalan nila at ako lang ang nag-iisa nilang anak. What should I do?

Ako:

Magpakamatay ka. Kidding..

Enelyn:

May, I'm serious! God!

Hindi ko na siya nireplyan dahil papanoorin ko ulit ang sex scandal ni Enelyn.

Para siyang hayok na hayok habang naghahalikan sila ni Marcus. Pigil na pigil ang tawa ko habang vini-video-han sila, nilagyan ko nalang ng tela ang bunganga ko.

"You're such a bitch, Enelyn."

Pero ang ipinagtataka ko, ako nga ang nag-video, inaamin ko 'yon. Pero hindi ako ang nag-upload nun! May galit ako kay Enelyn pero hindi ko naman kayang gawin 'yon!

Pero, alam ko isa lang sa aming lima ang may kasalanan.

FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon