CHAPTER ONE "Question"

46 4 1
                                    

Tony's POV

Si Dad, wasn't really close to him, naghiwalay sila ni mama because of Dad's obsession with his work, not really sure what it is. Nagawa nyang iiwan kami para sa kanyang project, I was just 4 years old but we keep in touch, nag uusap sa chat, pinapadalan ako ng kung ano-ano, but still not enough to say that I had a dad, so masasabi nyo di maganda tingin ko sa kanya. He died in April 6, 2016, drowned in Vortex Lake I didin't even  get to see his body, not even sure if I wanna see it.

Now papunta ako sa Vortex Point a small town kung saan si Dad nagtratrabaho para sa kanyang project, nandun lang ako para kunin yung mga gamit niya.

Hininto ko na ang white van ko at bumaba, sa harap ko ay ang bahay na tinitiran ni Dad. Puro alikabok at makikita mo pa ang mga Spider web sa sulok sulok, wait? Anlaki nmn nung gagamba nayun!

"Creepy huh?"

Nanlaki ang mata ko at bumilis tibok ng puso ko sa gulat dahil biglaan sumulpot tong lalaki nato.

"Uugghh yeah" awkwardly kong sinabi.

"Ako nga pala si Blaze, bago ka rito sa VP?"

"Ah hindi aayusin ko lang yung gamit ng tatay ko."

Tinuro niya yung bahay ni Dad. "Dito? Dito nakatira Dad mo?" Tanong ni Blaze.

"Oo, bakit?"

"Anak ka pala ni Mr.Winston, sorry for your loss."

"Salamat.. sige tuloy nako sa bahay, madami pako kukunin."

Umalis siya na parang weird na weird sakin, para bang ni-regret niya na kinausap niya ako, samantalang siya yung sumulpot nalang basta basta tsk!

Kinuha ko na ang mga kahon na paglalagyan ko ng gamit ni Dad at pumasok sa bahay. Medyo maingay ang lapag dahil ito'y gawa sa kahoy lamang, parang hindi na nga ata ako kaya supportahan nito. Pagpasok na pagpasok ko magulo, puro papel sa lapag, sa sofa ay balat ng chit-chirya at mga bote ng energy drinks tapos sa dinning table ay puro maruruming damit. Jusko! Anong kukunin ko dito, tumuloy ako sa kwarto ni dad nakita ko may isang board na puro picture ng kung ano-ano, pero isang picture ang nag-agaw ng pansin ko, picture ko to nung ako'y bata pa pero may tali na pula nakatusok dito na kumukonektado  sa isang picture na punit, ano bang project to Dad at dinamay mo pako. Wala akong makita na walis, dustpan, o ano man panlinis kaya naisipan kong bumili saglit dahil may natatandaan akong nadaanan na store baka sakali meron doong walis o ano man ma panlinis sa bahay na ito.

Sumakay na ako ng van ko at pinuntahan ang isang maliit na store at baka sakali na may walis doon.

"Good Morning sir!" Binati ako ng isang babae na nasa cashier.

Nilapitan ko siya para magtanong..

"Uuhm miss, may walis tsaka dustpan po ba kayo dito?"

"Opo.. nasa staff room.."

"Ay! Ibig-sabihin ko po binebenta, Hehe."

"Seryoso ka kuya?, seven eleven tong pinasukan mo."

WAIT WHAT?! SEVEN ELEVEN? bakit parang tae kulay ng stripes sa labas at walang logo?

"Seven eleven? Sure ka miss? Parang hindi naman."

Tinignan niya ako ng parang naiirita.

"Hindi porket Seven eleven ang pangalan ay yung susyal na nakikita mo, magkapangalan lang tsk! Tsaka sino ka ba parang di naman kita nakikita rito?"

Abah bastos toh ah! Hindi niya ba alam na kostomer nyako?

"Grabe ka magsalita ah, bakit ikaw! Sino kaba!?"

"Ako si Diana Sanchez, ang cashier dito at magpapalayas sayo! Alis!"

"Wes! Ako si Tony Winston! Ang lala-"

"Wi-winston?.." takot na takot niyang sinabi..

"Oo.. bakit? Okay ka lang?"

Dalian siya pumunta sa staff room at binigay ang walis at dustpan sakin

"Uugghh, magka-"

"Umalis kana please..."

"Huh?? Wait? Baki-"

Tinulak nyako palabas at nilock ang pintuan. Tinignan ko siya through the glass door.

"Sorry for your lose.."

Sabi ng babae...

Sumakay ako sa van at napapaisip sa reaksyon ng lalake na nakausap ko sa umaga at yung babae sa seven eleven.. natanaw ko bigla ang isang maliit na fast food o dining area. Hininto ko ang Van at pumasok, nakita ko si Blaze, yung lalaki nung umaga, nilapitan ko siya...

"Pwede ba kita makausap?"

Tinignan nanaman niya ako ng weirdly...

"S-sige lang."

Umupo ako at tinignan ko siya sa mata, pero iniwas niya agad ang mga mata niya sa akin.

"Pre.. anong meron kay papa?"

Biglaan siya lumingon sakin at tumahimik ng ilang sigundo..

"Kakaiba tatay mo sa totoo lang.. kakaiba.. pero sa hindi magandang way.. gabi gabi naririnig sa bahay niya na nagsasalita siya mag-isa, tapos lalabas siya pre na parang hindi nakakakita ng araw at madalas iba tingin niya sa tao.. nakakatakot.. no offense.."

Nagulat ako sa mga narinig ko kay Blaze.. kasi parang baliw si papa sa mga description niya...

"Okay lang pre.. kaya pala ganun kayo mag react sakin.. di naman ako katulad ni papa.. di ko nga alam kung anong klaseng tao siya eh, iniwan niya kami nung 4 years old palang ako.."

"Sorry kung medyo OA reaksyon ko sayo.. medyo gulat lang, may anak pala si Mr.Winston.."

"Ahh ginagabi na.. uuwi nako.. gusto mo sumabay?"

"Ahh sige.. salamat."

Sinabay ko na pauwi si Blaze dahil magkatabi lang naman sila ng bahay ni papa..

"Pre salamat sa pagsabay sakin."

"No problem Blaze... Blaze, lahat ba ng tao ganun tingin kay papa?"

"Siguro pre, kilala nga siya sa buong Vortex Point."

"Ahh.. sige pre, kailangan ko pa mag ayos sa bahay ni papa."

Kumaway na siya at pumasok sa bahay niya..

Nagsimula nako maglinis sa bahay ni papa at naiisip ko na din na wag na magtagal dito... pero bigla ako may nakita sa sulok ng kama ni papa, isang papel na nakaipit, kinuha koto at nagulat ako sa nakita ko, isang punit na papel na galing sa diyaryo pero yung title lang ng isang isyu.

"Anthony Winston Showed Vortex Point Greatest Treasure? Wait what? Anong Greatest Treasure? At tsaka... si papa nagpakita neto? Wait what?"

Naguguluhan ako nung nakita koto.. si papa sinasabi na isang baliw na Town nato, napunta sa isang news paper? I mean sa news paper siguro to galing sa itsura palang...

Anong meron sayo Papa?


                                    -End Of Chapter 1-



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Vortex PointWhere stories live. Discover now