Prologue
Nagising si Kiem sa lakas ng ingay ng kanyang alarm clock, nayayamot niyang pinatay iyon at muling bumalik sa pagkakatulog. Ngayon lang siya nakadama ng matinding pagod, naniniwala siya sa Diyos, mahika, himala, resurrection at dyablo. Kaya alam niya na sa kahit sa mga naunang buhay niya ay ngayon lang siya napagod na halos ayaw ng bumangon. Napagod siya sa matinding training na ginawa niya noong nakaraang tatlong buwan nagtratraining siya bilang isang vampire hunter iyon ang isa sa mga trabaho niya isa siyang guro sa umaga at mangagaso ng halimaw sa gabi, buti na lamang at walang pasok ngayon at may laya siyang humilata.
Makaraan ang ilang sandali muling tumong ang kanyang alarm clock at ng siaptin niya ang oras ay nagkukumahog siyang bumangon. Alas dyes na umaga, tiyak niyang sasabunin na naman siya ng kanyang superior. Sa kanyabng pagmamadali ay hindi na niya nagawang magsepilyo nagmumoig na lamang siya at sinukbit ang kanyang jacket sa kanyang balikat at agad na nag abang ng masasakyan.
Mula ng mabuksan ang daan patungo sa daan ng mga mortal ay hindi na ligtas sumakay ng jeep iyon ay dahil mas napapadali ang mga paghuhunting ng mga bampira mas nagkakaroon silang laya para makakain ng tao. Kaya pahirapan na ngayon ang pagsakay di nagtagal at may pumarang taxi ang silver dash isa iyon sa mga kompanyang gumagamit ng pilak sa kanilang mga produkto.
"sasakay kaba miss?" tanong ng may matandang driver
"oo" tinapat ni Kiem ang kanyang mukha sa side mirror. Isa iyon sa mga paraan para malaman ng driver na tao siya. Isa iyon sa paraan para makatiyak na tao ang kausap wala kasing reflection ang mga bampira. Pagkatapos makatiyak ay agad na pinagbuksan ng driver si Kiem
"Manong sa Angels Funeral po tayo" magalang na sabi ni Kiem pagkatapos ay inihilig niya ang kanyang ulo sa may bintana gawi na niya iyon. Mas nakakapagisip kasi siya kapag may sinasandalan, habang binbaybay nila ang lansangan ay naagaw ng mga nakadikit na larawan ang kanyang atensyon.
"makakauwi pa ba ang mga taong nawawala?"-tanong ng driver.
"hindi ko po alam" , tiyak ni Kiem na hindi na makakauwi sa pamilya ang mga taong nawawala. Tiyak niyang kinain na ang mga iyon ng mga bampira. Nagtagis bigla ang kanyang mga bagang naalala niyang muli kung paanong namatay ang kanyang pamilya dahil sa mga bampira.
"ang Cornelia ko" malungkot na sabi ng matanda, ang sinabing niyang iyon ang nagpabalik sa huwesyo niya. Nagsimulang magkuwento ang matanda tungkol sa kanyang pitong taong gulang na anak. ayon sa kanya ay dinukot daw ito ng mga halimaw. Mapuputla ang balat na animoy walang dugo. Malalaki at mapupulang mata at may matatalim na kuko at pangil.
Nakakatiyak si Kiem na bampira nga ang kumuha dito, pero ang nakakapagtaka ay kung bakit hindi pinatay agad ng mga bampira ang anak ng matanda. ang pagtatakang iyon ang baon niya hanggang sa makarating siya sa angels funeral. pansamantalang nakalimutan ni kiem ang alalahaning yaon ng makita niya ang oras, pasado alas dyes na ng umaga. Nagmamadali siy makapasang umakyat sa ikalawang palapag ng makapasok siya sa tanggapan ni Gen. Mac Cuorter ay nagsisimula na itong magbigay ng instruction sa kasamahan niyang si Rein.
Pansamantalang naputol ang pagsasalita ni general sa pagpasok ni Keim. "late ka na naman!" naghuhumindig na sigaw ni general. muling ipinagapatuloy nito ang pagsasalita, ipinaliwanag nito sa kanila tungkol sa pag kidnapped ng mga bampira sa dalagang anak ng mag asawang Blancaflor.
"katulad nga ng sinasabi ko, magka partner kayong pupunta sa bodega patra iligtas ang kawawang dalaga"
"Matanaong ko lang po, ang sabi nyo po ay bampira ang dumakip kay Stephanie" tukoy ni Kiem sa dalaga "at sinabi nyo rin po na magiisang linggo ng hindi mula ng makuha siya ng mga bampira tiyak kong hindi maghihintay ang mga bampira at matagal ng nilapa ang dalaga." napatinggin siya kay Rein nanatili pa rin itong walang imik sa pagtataasan nila ng boses ng kanilang general.
"basta nakatanggap tayo ng update na buhay pa rin si Stephanie at gusto ko napuntahan ninyo ang bodega."
Sumingit bigla sa usapan si Rein "Kung iisipin mag iisadng buwan na rin na wala tayong narinig tungkol sa mga bampira nakakpagtaka naman pong bigla silang nagbago at pinatagal nila ang buhay ng isang dalaga."
"mahirap ipaliwanag basta pumunta na kayo." utos nito at ipinadala na sa kanila ang kanilang mga gamit.
Nagtataka ay sumunod na lang sila ng matiwasay sa utos nito lalo pat nahalata nilang balisa ito at may kung anong iniindang sakit. namumutla rin ang balat. pansamantalang nawaglit ang sa isipan ni Kiem ang kanyang General ng makita niya ang sasakyan ni Rein hindi siya magaling sa sakyan pero napahanga siya saauto nito hindi kasi niya maisip na mayuming dalaga tulad ni Rein ay kayang pumasok sa ganitong trabaho at may maganda pang sasakyan na kulay itim.
Ikaw ang mag da drive? nagtatakang tanong ni Kiem na sinagot naman ng tango ni Rein.