#33
BUHAY NG ARTISTA
Mga Tauhan:
Kimpoy Feliciano (Pao): 20. Online heartthrob at baguhang artista
Alegna: 18, isang fan ni Kimpoy at laging nasa event na nandoon si Kimpoy
Yhang: 16, tahimik sa personal pero masayang katext fan from Pampanga
Amie: 21, singkit, petite, chubby
Jelo: 21, nagtratrabaho sa maynila, maganda at mabait
Andrea: 18, taga-las pinas city, palakaibigan at makulit
Ellen T.: 17, mataba malit, education student
Tita Nene: nanay ni Kimpoy Feliciano
Iba pang Tauhan:
Candz
Aidane
Ellyssa
Aivan
Tagpuan:
Sa event center sa Sm Pampanga. March 27
(Magliliwanag ang entablado. Makikita ang maraming fan na naghihintay para sa mallshow ni Kimpoy Feliciano. Habang papasok naman ang magbabarkada na nagkakilala lamang dahil kay Kimpoy.)
Alegna: Mga beb tara na pasok na tayo. Hanap tayo ng pwesto yung kita agad tayo ni Pao para naman kota agad. Alam niyo naman yan hilig tumuro habang kumakanta.
Andrea: Naku beb ikaw talaga ha, kelan mo pa plinano yan? Sige ka pag ikaw na hopia (hoping, umaasa sa wala).
Yhang: Oo nga naman beb, alam mo yan hilig niyan mamigay ng hopia. Lalo na sa twitter.
Alegna: Oo naman noh lagi nga ako hopia diyan, buti na lang may no. na niya ako para kahit papaano may contact sa kanya kahit hopia ako online.
Jelo: Sige na nga beb Alegna ikaw na nga may no. niya. Lagi mo siya tinetext noh? Txtmate?
Alegna: Ako na talaga mga beb. Joke lang. Happy nga ako na binigay niya nung nasa FEU kami, siya pa nagtype sa phone ko. Hindi naman textmate noh pag may guesting lang siya sa tv, cinocongrats lang siya at sa kabutihang palad hindi nahohopia.
Ellen: Tama na nga yan, pag nabulunan si Pao kanina niyo pa pinaguusapan oh. Nasaan na ba kasi si ate Amie?
Amie: I’m here na mga beb. Sorry ha busy ang ate niyo eh ayaw pa nga ako paalisin sa school, may group project pa kami eh.
Ellen: Ganyan tayo ate eh, basta para kay superman natin magsasakripisyo tayo eh.
Amie: Alam mo yan beb syempre kailangan natin ng magiinspire satin noh at wala nang iba yun kundi si Kimpoy my loves.
Alegna: Gusto niyo ng ispirasyon. Eto yung akin.
(Kukunin ang cellphone niya sa bag. Ipaparinig ang recorded na boses ni Kimpoy.)
Kimpoy: Hello Alegna. Ingat ka lagi. I love you. Tulog ka na. Goodnight. Babye
Andrea: Naku beb ha ikaw na talaga. Nakapagsalita ka ba naman ng maayos pagkatapos niyan o pinakita mo na KV (kilig vibes) yung ginawa niya?