HINDI aaminin ni Crystal kahit kanino pero four years ago, noong twelve years old pa lamang siya, isa yydin siya sa mga teenager na patay na patay kay Kian Remulla.
Sa mura niyang edad ay pinangarap niya rin itong maging boyfriend.
Sino ba namang hindi?
Galing sa mahabang linya ng mga sikat na aktor at performer ang mga Remulla. Ang great-great-great-grandfather nito, Si Juan Remulla, ay isang Espanyol na ang ikinabubuhay ay ang pagtatanghal sa theatro.
Naimbitahan ito sa Pilipinas upang magtanghal sa isang pagdiriwang na idinaos para sa kaarawan ng isang mataas na opisyal ng Espanya. Noon ay sakop pa ng mga ito ang bansa.
Nabighani ito sa isang Pilipina kaya't napagpasyahan nitong dito na mamalagi. Nagtayo ito ng theatro kung saan paminsan-minsan ay nagtatanghal pa rin ito.
Early 1900's nang mapagpasyahan ng panganay na anak ni Juan na gawing movie theater ang naiwang theatro ng ama nito.
Nagsimula silang magpalabas ng mga silent movies.
Nang mamatay ito ay ipinagpatuloy ng naiwang anak ang pagpapatakbo ng movie theater.
As the Philippine movie industry evolved, so did the theater.
Ang lolo naman ni Kian, ang fourth generation ng mga Remulla, ay hindi naging interesado sa pagpapatakbo ng movie theater. Ang nais nito ay ito mismo ang bibida sa mga pelikula.
He sold the theater and became an action star. Wala naman itong pagsisisi dahil kahit hanggang sa kamatayan nito ay minahal ito ng mga tao.
Nagkaroon ito ng dalawang anak na pinasok din ang mundo ng entertainment. Si Daisy na isang Broadway actress sa New York, at si Henry na daddy ni Kian.
Henry also made a name for himself, and was called the 'King of Philippine Showbiz.'
Dahil sa lahat ng achievement ng pamilya nila pagdating sa pagtatanghal, binansagan sila ng media na 'The Philippine Showbiz Royalty.' Dumadaloy na raw sa mga ugat nila ang pagiging performer.
Kaya naman inabangan talaga ng lahat nang isilang si Kian.
Lahat ay nananabik na makita ang sanggol na tiyak na magmamana ng trono sa mga puso ng mga manonood.
Simula pa lamang three-month-old si Kian ay may commercials na ito. At such a young age, he became an endorser of milk, diaper, and baby oil products.
Noong mag-apat na taon si Kian ay bumida ito sa isang pelikula na kinagiliwan ng maraming manonood. Sunod-sunod ang naging movies nito.
Pero saglit itong namahinga noong mag seven years old ito hanggang sixteen years old para makapag-concentrate sa pag-aaral. Gayunpaman ay gumagawa pa rin ito ng commercial paminsan-minsan.
Hindi makakalimutan ni Crystal noong twelve years old siya. Isinama siya ng mommy niya sa party ng amiga nito. Doon niya unang nakita si Kian sa personal.
Fifteen years old noon ang lalaki at mula sa pagiging cute, ay lumutang ang kaguwapuhan nito nang magbinata.
Moreno ito, matangkad, may matangos na ilong at mapupungay na mga mata.
Noong mga panahong iyon ay bago pa lang nagdalaga si Crystal, at dulot ng biglang pagbago ng hormones niya ay maraming tumubong pimples sa mukha niya. Sinabayan pa iyon ng pagkakaroon niya ng braces sa ngipin.
Naging mahiyain siya at gustong laging mapag-isa.Tuwing kasama niya ang mommy niya at may makasalubong silang kakilala nito, halata niya sa mata ng mga ito ang disappointment tuwing nalalaman na siya ang anak ni Avelina Crucillo.
BINABASA MO ANG
A Showbiz Love Story
RomanceParehong anak ng mga dating sikat na artista sina Kian at Crystal. They are considered as part of the Showbiz Royalties in the Philippines. Ngunit may lamat ang dalawang pamilya dahil sa nangyari sa mga magulang nila noon, kaya't nang sumali sila sa...