Isang napakaaliwalas at nakakasilaw ang unang bumungad sa pagkagising ni Ursula. Agad nilibot ng kanyang paningin ang buong lugar kung saan siya naroroon. Napagtanto niyang nakahiga siya sa isang malambot at malaking kutson higaan na tila yari sa mamahaling muwibles. Kitang-kita niya ang mga larawan na nakapaskil sa mga dingding at napag-alaman niyang mga paintings iyon.
Mga larawang ipininta ng iba't ibang mga kilalang tao na nasa libro lang nakikilala katulad ni Juan Luna. May mga kagamitang metal na nanggaling pa sa ibang bansa. Tumingin siya sa ibabaw'ng parte kung saan ang kisame na sa gitna nito'y ilaw o kung tawagin ay chandelier. Kumikintab lalo na't nasisinagan ito ng araw. Sa sahig naman ay tila parang madudulas ka sa sobrang kintab nito dahil sa alagang-alaga sa paglilinis. Yari ang sahig sa matitigas na puno.
Manghang-mangha ang babaeng naligaw na si Ursula. Napatigil ang pagtingin niya nang biglang may nagsalita.
"Kasama, gising na ang babae!" sumbong nito sa kasamahang kawal at agad na tiningnan si Ursula.
"Bantayan mo iyan. Ako'y magtutungo kay Heneral Aguinaldo upang ipaalam ito." Pagkatapos sabihin iyon ng lalaki ay agad itong umalis at nilisan ang silid. Nagtungo ito sa labas upang puntahan ang Heneral.
Nakita niya ito sa balkonahe na nagpapahangin kasama ang kanang kamay na kawal nitong si Romualdo De Jesus. Isang binatang kawal na matikas at tapat na naninilbihan kay Heneral Aguinaldo. Maagang naging kawal sapagkat nangangailangan ng maraming kawal ang hukbo ni Aguinaldo sa paparating na pananakop ng mga Espanyol. Kusa siyang sumapi sa samahan at dahil sa pagiging tapat ay naging kanang kamay ito ni Aguinaldo.
"Magandang Umaga, Heneral! Paumanhin kung ako'y naging sagabal sa'yong pagpapahinga ngunit may mahalaga akong sasabihin." Matikas na sabi ng kawal sabay saludo.
"Maraming salamat! Ako'y agad pupunta roon." Pagkatapos ay iniligay niya ang tasang ininuman ng tsaa at agad na nagtungo sa silid kung saan naroroon si Ursula.
Agad na nagulat si Ursula sa papasok na tao. Pamilyar ang mukha ng taong nasa gitna sa kanya. Alam niyang namumukaan niya ito. Kung hindi siya nagkamali ay si Heneral Emilio Aguinaldo ito. Ang unang pangulo ng Pilipinas.
"Mas pogi pala siya sa personal"
Landing sabi nito sa kanyang isipan. Akalain niyang ang bayaning nasa libro na noon niya nakikita ay kaharap na niya ngayon. Wow magic!
"Binibini, ano ang iyong pangalan?"
Mahina ngunit buo at matikas ang boses nito. Kay sarap pakinggan ngunit kasindak-sindak. Lalaking-lalaki at nakakalusaw ng puso.
Mesherep pekinggen! Hehehe!
"Ako po si Ursula Manabat. 18 years of age from Manila, Philippines. Maldita, matalino at napadpad sa lugar na ito. And I thank you!"
"Ibig mong sabihin, hindi ka taga-rito? Ngunit papaanong napadpad ka sa lugar na ito? Taga-saan ka ba?"
"Mahabang kwento at kung ikukuwento ko man, mas mahaba pa 'to sa MMK. Alam mo 'yon, I'm sure hindi dahil nakalipas na panahon ito 'di ba? Galing ako sa kasalukuyan. Sa taong 2017 na lintek na napadpad at nakulong panahong ito."
Mahabang lintana ni Ursula na kasabay niyon ay unti-unting nagsibagsakan na ang luha niya. Nakaramdam siya ng kawalan ng pag-asa sa oras na 'yon. Pakiramdam niya kahit anong pilit na gawin niya, walang ibang paraan upang makatakas sa panahong iyon. Kahit ilang milya pa ang lakarin at lakbayin niya ay tila wala itong katapusan at patutunguhan.
Napadpad naman siya sa isang hukbo ni Heneral Aguinaldo ay alam niyang may gulo na namang mangyayari dahil sa pananakop. Nawalan na siya ng pag-asa na makabalik sa panahon niya na kung siya roon ay nararapat.
"Papaanong nakarating ka sa panahong ito kung gayon na galing sa kasalukuyan?" Dagdag na tanong ng Heneral na ngayon ay kumunot ang noo nito.
" Iyon ang hindi ko alam. Ang naalala ko lang ay pumasok ako sa paaralan nang oras na 'yon tapos biglang napunta ako rito. Hindi ko alam kung paano at bakit napunta ako rito. Ang alam ko lang ay hindi ako masamang tao. Ang gusto ko lang ay makauwi na sa'min kaya nakikiusap akong tulungan niyo ako na makabalik."
"Paano mo masisiguro na mabuti kang tao? Paano mo patutunayan na tunay at totoo 'yang mga sinasabi mo?" Usisang tanong ni Heneral sa paninigurado nitong walang intensyon na masama ang babaeng kausap nito.
"Ikaw si Heneral Emilio Aguinaldo na unang pangulo ng Pilipinas. Sikat at nakatatak ang pangalan at kwento mo sa mga librong makakasaysayan sa panahon namin."
"Kung gayon ay pinapatnugutan kitang makituloy pansamantala rito at susubukan kitang tulungan sa paghahanap upang makabalik sa iyong panahon."
"Ngunit heneral, paano natin tutulungan ang babaeng ito kung gayong hindi natin alam kung papaano natin siya tutulungan. Marami pa tayong gagawing paghahanda sa pananakop ng mga Amerikano kaysa sa pagtulong sa babaeng iyan na hindi naman natin kilala." Saad ng kanang kawal ni Aguinaldo na si Romualdo.
Tiningnan at tinitigan ni Ursula ang kawal na nagsasalita at nagpapaliwanag kay Heneral. Pamilyar din ang mukha nito. Nakatagilid ito dahil sa kausap nito ang Heneral. Alam ni Ursula na sagabal siya sa hukbo na 'yon ngunit wala siyang magagawa kundi manahimik at tanggapin ang sinabi ng kawal.
Agad na napapatitig at tila tumigil ang mundo ni Ursula ng makita nito ang buong mukha. Mula buhok, kilay, mata, ilong at bibig. Kilalang-kilala niya ang taong kaharap nito. Medyo nag-iba ang gupit nito ngunit hinding-hindi iyon nakapagbabago sa pagmumukha ng lalaki. Ang tindig at tikas nito ay tandang-tanda niya at naaalala pa niya. Ngunit isang palaisipan ang gumugulo sa isip niya.
Imposibleng siya ito. Bakit at papaanong napadpad din siya sa panahon at lugar na ito?
May rason at dahilan ba ang lahat na nangyayari sa'kin? Kung bakit napunta ako sa nakalipas na panahon?
Para na akong mababaliw sa kakaisip. Bakit parang pinaglalaruan ako ng tadhana?
Gustong gusto niya itong kausapin ngunit hindi niya maibigkas ang gusto niyang sabihin. Pilit niya itong sinubukan at sa pagkakataon iyon ay naiwika niya ang gusto niyang sabihin sa lalaki.
"Rex Dela Vega?"
BINABASA MO ANG
Ursula's Quest (Completed)
Historical FictionAfter knowing that her classmate are willing to dethrone her, Ursula Manabat will find a way to proved that she is the ultimate unbeatable campus queen even it means to run and back in the past. Ursula's Quest Isinulat ni Zurichian Date Started: Aug...