Ang unti unting pagdampi sa aking katawan
Ang papalakas na pagpatak ng ulan
Ang syang patuloy na nag papa alala sa akin
Sa kauna- unahang beses ng pagkikita natin.
Sa gitna ng ulan
Sa ilalim ng payong nagsimula ang pagmamahalan.
____________________
Ysabel POV's
Alas otso na ng gabi, di pa ako nakakauwi sa bahay, ang masaklap pa na stranded ako sa isang waiting shed. Dahil sa lakas ng ulan di ko na maaninag ang kalsada kaya hindi pa din ako maka alis dito. At kung may dumaan man na kotse o public vehicle ay laging puno. Gusto ko ng umiyak kasabay ng malakas na ulan. Bakit kasi napunta ako sa ganitong sitwasyon.
Lahat na ata ng kamalasan ngayong araw ay nasa akin na. Una, umuulan at wala akong payong. Pangalawa dead battery na ang Cellphone ko at higit sa lahat ako lang ang nasa waiting shed, magisa at basang basa ng ulan dahil kanina ay tumakbo ako dito para sumilong. Nilalamig na ako. Tatlong bagay lang ang ginagawa ko habang naghihintay. Tatayo, uupo at maglalakad sa kabuuan ng waiting shed na yun.
"Ah walang mangyayare sa akin dito kung maghihintay ako sa pagtila ng ulan, I have to go" nagpasya na akong sumuong sa lakas ng ulan. Basa na din naman ako eh. Kahit medyo di ko maaninag ang kabuuan ng paligid ay magpapatuloy ako. Lakad takbo, parang naglalakad ako sa kawalan na hindi mo makita kung ano ang nasa dulo ng kalsada na iyon. Hanggang sa madapa ako dahil sa bato. Nakakaiyak ang sitwasyon ko. Para akong basang sisiw na walang mapuntahan. At mukhang napuruhan pa ang paa ko. Di ako makatayo.
"Ano ba namang kamalasan ito!" sigaw ko nakisabay din sa pag sigaw ko ang malakas na kulog na dahilan para makaramdam ako ng takot. Tinakpan ko na lang ang aking dalawang tenga at yumuko. Basang basa na nga ng ulan napilayan pa ako. Maya-maya hindi ko na nararamdaman ang mga patak ng ulan pero patuloy ko pa din naman naririnig ito. Nagtaka ako kaya ini angat ko ang aking ulo. Isang payong, Isang payong na sumasalo sa lahat ng kamalasan ko.
"Miss Halika na, tutulungan kita dyan" sabi ng lalaki na may hawak ng payong.
"Di ako makatayo" nauutal kong sagot dahil na rin sa lamig.
"Sige bubuhatin na lang kita, kung ayos lang naman sayo." sabay ngiti nito.
"Oo kaso basa na ako" kasabay nito ang pagtango ko. Mag iinarte pa ba ako sa sitwasyong ito.
"Ok lang" Ipinahawak nya muna sa akin yung payong at saka nya ako binuhat. Para akong sanggol na nangangailangan ng aruga. kahit naiilang ay kumapit ako sa kanyang leeg habang hawak hawak ko ang payong na pakiramdam ko nagsalba sa akin at inahon ako mula sa kamalasan. Kung sino man ang lalaking ito, Salamat.
Ngayon ko lang napansin na may sasakyan ito na nakapark sa di kalayuan. Ibinaba nya ako at binuksan ang pinto at inalalayang makapasok. Pagkatapos ay umikot sya sa kabila at pumasok na din. Inilagay sa upuan sa likuran ang payong at nag seatbelt, ganun din ako at saka pinaandar ang kotse.
"Oh suotin mo muna ito" ibinigay nya sa akin ang jacket nya na nasa kotse at pinatay ang aircon.
"Salamat"
"Dadalhin kita sa clinic para maagapan yang pilay mo sa paa." Usap nito habang nag d-drive.
"Sige"
"Teka anong pangalan mo? Okay lang ba kung malaman ko?"
"Ha! Ah Ysabel, Sabel na lang ang itawag mo sa akin."
BINABASA MO ANG
Payong (One shot)
Short StoryTheir Love unexpected started in one umbrella. For them It's symbolizes hope. This is where they started to build a better relationship. They both found Love and hope in the same umbrella. But what if another unexpected situation comes in their l...