Dapat pa ba umasa o hindi na?

11 0 0
                                    

Kapag tinatanong ako kung ano pangarap ko ang sabi ko noon pangarap Kong makapag tayo ng paaralan o clinic para sa mahihirap. Kaya nag architecture ako. Pero ng Matigil ako, Malabo na ata matupad pa yun. Kaya sabi ko gusto ko na lang maging doctor sa Pag iisip. Since gustong gusto ko naman makinig at tumulong sa mga may problema sa buhay. Kaso naka graduate nga ko pero Ibang course naman. Kapag naiisip ko ano na ang pangarap ko Hindi ko na masagot. Dahil hindi ko na Alam.

Hanggang sa nakilala ko siya. Hindi lang isang girl friend ang tingin ko sakanya. Siya ang pangarap ko. Siya ang mundo ko. Siya lang ang nakikita Kong makakasama ko sa Pag tanda ko. Magkakaroon kami ng dalawang Pusa at dalawang aso. Isang kambal na anak isang Babae at isang lalake. Magtatayo kami ng Bahay na malapit lang ang father nya saka parents ko. Mag exercise kami together at nag promise na susundin ang heathy lifestyle. Mabubuhay kami ng masaya.

Kaso isang araw, bigla siyang napagod. Akala ko katulad lang Ng dati, na kapag nag sasawa na siya sakin o kapag napapagod na siya, nag papahinga lang siya. Pero never siya nag give up. Bumabalik at bumabalik siya after. Pero nung araw na yun.. Hindi ko akalain na tuluyan niya na Kong sinuko. Tuluyan niya ng binitawan ang kamay ko. Hindi na siya bumalik. Wala na.. Iniwan niya na talaga ako. Yung 7 years na Pag sasama namin pinag palit niya sa 1-2months naka relasyon. Hindi ko Alam. Wala Kong idea. Kung matagal na siya na may iba o ano.

Hindi niya na ko nahintay. Akala ko binibigyan nya lang ako ng time para makapag isip, para ayusin mga sarili namin. Para makapag isip kami ng maayos sa mga gusto talaga namin. Akala ko lang pala. Umaasa lang pala ko sa wala. Habang umiiyak ako oras oras, gabi-gabi, siya nman tumawatawa at nakikipag palitan ng iloveyou sa katabi, at Habang nakikipag palitan nman ako ng bakit sa kawalan.

Ang sabi ko noon Mas ok Pag ako ang iwanan, kesa ako ang mang iwan. Pero hindi ko Alam na ganito pala kasakit. Sobrang sakit. Akala ko kasi kakayanin ko. Pero napaka hirap pala. Kahit saan na lang umiiyak ako. Kahit na napaka busy ko at ang dami ko ginagawa, sa kalagitnaan ng pagkain ko o panonood ng TV, kahit pa habang nakikipag kwentuhan o nasa sasakyan. Kahit saan na lang, di mapigilan, bigla na lang talaga tumutulo luha ko, walang pinipiling lugar ang Pag iyak ko. Mahilig umeksena, parang siya sa isip ko, na kahit di naman na dapat.

Ano ng gagawin ko ngayon? Ayan ang paulit-ulit na tanong ko. Ganito ba talaga Pag broken hearted. Prang back to zero. Dahil lahat ng binuo mo pangarap o future siya yung palaging andun. Tapos ngayon biglang change plans, change dreams, at ang masakit change feelings o partner. Na sana ganun lang kadali katulad ng ganun kadali na mapalitan niya ako. Talent ba nila yun? Mag move on ng ganun kabilis? Magpalit ng ganun kadali? At worst magmahal at makalimot just a snap? Napaka unfair lang kasi.

Pero kung saan naman siya masaya doon ako. Kahit na hindi na ako yung dahilan. Ganun naman talaga eh. Sa relasyon may maiiwanan at may mang iiwan. Nagkataon lang na ako yung iniwanan. Hindi talaga maiiwasan yan. Sana lang mahanap at makita niya sa bago nya mga bagay o katangian na wala ako na gusto niya ganun ako. At sana punan ng bago nya mga naging pagkukulang ko sakanya.

Dapat pa ba ako umasa?
Part of me nagsasabi 'wag na. Bakit pa? Binitawan ka na at meron na ngang iba diba? Okay lang kung wala na. Kung meron na wag ka na umeksena ibig sabihan lang HINDI KA NA NIYA MAHAL OK? pero apart of me kahit na tuldok umaasa pa rin, nababalik siya, Babalikan nya ulit ako tulad ng Dati. Hindi nya pa rin ako kaya tiisin, na ako lang ang mahal niya, babalik siya.. Babalikan niya ulit ako... Ramdam ko tunay yung pagmamahal niya sakin, walang katulad at katumbas yun, hindi ako naniniwala na bigla na lang yun mawawala at hindi kayang palitan ng bago niya na sa internet lang.

T-A-N-G-A!
Yan ang tawag sa isang part ng pagkatao mo. Tingin mo worth it pa ba if ever bumalik siya?. Ganun ka lang niya kadali iwanan at ipagpalit tapos umaasa ka pa rin? Sarili lang niya iniisip niya. Hindi niya inisip ano mararamdaman mo sa ginawa nyang yon. Pinaiyak ka nya, ang dami mo ng sinayang na luha at araw na dapat nilalaan mo sa makabuluhang bagay pero nasasayang lang kakamukmok mo at kakaisip sakanya. Sa tingin mo pa rin ba still worth to wait ha?!, mag isip ka !, hindi puro puso!,

Pero at the end of the day. Kahit naman Anong sabihin ko mahal mo pa rin eh. Mahal pa rin natin siya. Tanga tanga natin. Nagmamahal, nasasaktan.. Pero nagmamahal pa rin. Magiging ok ka din.. Magiging okay din tayo.. Sa ngayon sakin ka muna mag focus, ako naman muna mahalin mo, ako naman sana pansinin mo. Tayo na muna ulit? Kasi sa huli wala ka naman talaga iba aasahan eh. Kundi SARILI mo lang. Lalo na kung wala ng kayo. IKAW na lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Puso vs. Isip (Moving on stage) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon