Introduction

55 1 0
                                    

Hi! Bago lang ako sa ganitong site, oo, pinaglumaan na ako ng panahon dahil ngayon ko lang nasubukan ko to. Sana magustuhan niyo yung story at Happy Reading :)

So yun, lahat naman tayo siguro ay may sari-sariling hanap sa buhay. Yung gusto mo maging, yung gusto mong gawin. At ang story na ito ay tungkol sa kung paano ko nakilala ang dream girl ko. Kung ikaw din naman siguro may Mr. Right Guy or Ms. RIght Girl hindi ba? Minsan kasi nagco-conclude agad tayo na yung taong to yung para sa atin, pero nabubulag lang tayo sa mga magagandang katangian dahil sa kagandahan o kung ano mang meron ito. 

At ngayon, nahanap mo na nga ba siya? O baka andiyan lang siya na kasama mo kaso di mo napapansin? 

~

" Matthew, dali mo na. Punta tayo dun sa Ferris Wheel tapos mag wish tayo sa taas habang nakasakay tayo", mahinhin na sinabi ng magandang dalaga sa akin. Sinagot ko naman ng "Osiya, bibili lang ako ng ice cream at makakain natin bago tayo sumakay". Pagkaabot ko sa kanya ng ice cream ay biglang hinampas sa mukha ko at sinigawan ako ng "Taksyapo ka! Kakain ka pa at magaayos para pumasok", at doon ako nagising sa pag hilik ko para mag ayos sa pagpasok. Ang malas nga naman, bakit tuwing malapit na ko sa sweet na part dun saktong nagigising ako. 

Unang araw ko sa University na papasukan ko ay medyo naninibago at kinakabahan pa ako. At dahil nga napasarap ng tulog kaya di nakapag ayos masyado. Nakakahiya kayang pinagtitinginan ng mga tao sa hallway papunta sa room mo. At pagpasok ko ng room pinagtinginan ako, yung parang may ginawa akong masama sa kanila. Ay, oo nga pala, bagong transfer kasi ako sa University namin, di kasi namin kakayanin yung tuition sa naunang College School ko. "Okay, class, direct your attention towards me", sabi ng matangkad at malusog na lalaking professor sa klase. "Siya ang inyong magiging bagong bolckmate simula ngayong araw na ito" sabay sinabi ng Prof ng "Magpakilala ka na sa harap ng bagong mga kaklase". Sabay tumango ako at sinabing "Ha?"

Biglang ngitian at nagingay ang klase, napahiya tuloy ako. Kinakabahan kasi talaga ako, tyaka mahiyain ako sa maraming tao kaya ganun na lang ako magreact. So yun, nung nahimasmasan ako nagpakilala na ako. "Uhm, Ako nga pala si Matthew. 18 years old. Inaasahan ko na magiging kasundo ko kayong lahat." Pag tapos nun ay umupo na ako sa gitnang upuan ng klase. Nakayuko ako madalas dahil nakatingin sa akin ang iba. Nahihiya akong kausapin sila kasi bago lang ako sa University. 

Lumipas ang ilang oras, kala ko isang araw na yung dumaan dahil ang boring ng unang subject sa umaga. Papalabas na ako magisa sa klase ng biglang may nagsalita sa likuran at kinalabit ako.

"Uy", sabi niya sa akin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Not So Perfect Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon