Ako ay nas aisang madilim na lugar.
nag - iisa...
At napansin ko ang aking damit na may bahid ng dugo.
Napatayo ako sa gulat.
At dali dali akong naghanap ng daanan palabas sa loob ng kwartong ito.
Ngunit sa pagtalikod ko ay mas lalo lang akong natakot.
May nakita akong isang lalaki na nakatayo sa tapat ko at nakatitig saakin.
Ngunit mas natakot ako lao ng nginitian nya ako.
Tila bang may iba pang kahulugan ang ngiti nyang yon na mas lalo kong ikinatakot at ipinagtaka.
Sinubukan kong lumapit sa kanya na aking ipinagtataka.
Bakit ako lumalapit? Diba takot ako sa kanya? Saka para bang tila may nag - uudyok saakin na lumapit sa kanya.
Sinubukan kong labanan ang aking mga paa sa paglapit ko sa kanya, pero hindi ako nagtagumpay.
Nung nasa harapan ko na sya ay bigla bigla nalang sya bumulagta sa harapan ko.
Lumuhod ako at inabot ang kanyang mga kamay ngunit....
Akala ko itong nararamdaman kong takot ay hanggang dito na lamang pero pag - angat ko ng aking ulo.
Ay mas lalo lang akong natakot at kinilabutan pa.
May nakita pa akong isang lalaki na nakatingin saamin ng lalaking nakabulagta sa aking harapan. May hawak syang kutsilyo at duguan din at nanlilisik ang kanyang mga mata na tila bang galit na galit.
Sino sya?
Bakit sya duguan?
Bakit parang galit sya saakin?
At sya ba ang pumatay sa lalaking ito?
Dali - dali akong umatras papalayo sa lalaking iyon, pero tila parang mas lalo lang ako napapalapit...
Para akong hinihigop...
And just when i thought I could see the boy's face, instead nakita ko ang mukha ng mommy kong nagmamadaling gisingin ako.
" Yumi, baby! Why do you look so pale? Is there something wrong? What happened?" nag aalala nyang tanong saakin at di na mapakali sa kung anong nangyari.
Hayyyy kaya mahal ko to si mommy eh super sweet at caring pa wala na akong mahihiling pa sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/17888613-288-k246620.jpg)