Chapter1

2 0 0
                                    

Faye's Point of view
Nakatingin lang ako sa labas habang pinagmamasdan ang magaganda at nakakasilaw na ilaw ng syudad.
*Haaaayyyyy*
lumuwas kasi ako ng manila para dito na mag aral sa kolehiyo. pinapanalangin ko na sana maging maayos ang buhay ko dito na kahit dito magkaroon manlang ng kunting pagbabago. naninibago ako sa mga nakikita ko madaming tao na akala mo dilis dahil nagkukumpulan at madaming sasakyam kompara sa probinsiya namin halatang halata din ang maduming usok na nangagaling sa mga sasakyan.
Ano ba naman to? Sana maging maayos na ang lahat. sana dito mahanap ko kung ano ako
"Oh Faye! Andito na tayo ihanda mo na ang gamit mo! " Tawag pansin sakin ng tita ko inihatid niya kasi ako sa manila baka mawala pa ako ng wala sa oras haller! bumaba na ako ng kotse at tumingala sa napakataas at malaking condominium na magiging tirahan ko, andito din kasi ang pinsan ko wala naman daw siyang kasama kaya okay lang saknya na dun ako tumuloy.

"Oh Aalis na ako Faye ha, mag iingat kayo ni Carla dito, tumawag lang kayo kung may problema ha, kaya niyo na yan mauna na ako " pagpapaalam ng tita ko,
"Sige po tita magiingat din po kayo"
May kaunting kirot akong naramadaman kasi siya ang nagpalaki sakin simula ng bata pa mamimiss ko sila, lalo na ang lolo at lola ko. nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni muni ng may tumawag sakin.

"BEBSSSSSSSS!!! OMGGGGGGGG I MISSS YOU BAKLAAA KA!!! " Pagkalingon ko si Carla pala ang aking pinsan slash Best friend yinakap ako nito ng mahigpit at binatukan grabe sobrang sweet ng loka lokang to!

"HEH LECHE KA! PAPATAYIN MO AKO AHAHHAAHHAHA I MISS YOU TOO BAKLA!!! " Tili ko tapos nagyakapan kami habang tumatalaon talon nagtitinginan tuloy ang mga tao samin, pero pakialam ko? namiss ko pinsan ko eh !!!

"Tara na Bebs! punta na tayo sa room natin" aya niya sumakay kami sa elevator at wala kaming ibang gunawa kundi ang magdaldalan ng daldalan. Hanggang sa Umabot na kami sa room 704 swinipe na ni carla ang card niya at binigyan dun niya ako ng duplicate key, Sobrang luwag ng condominium na ito, May apat na kwarto dalawa sa Master's Bedroom at dalawa para sa Guest room
"Oh bebs!! Sa kanan ang kwarto ko mag ayos ka na ng gamit para makapag enroll na tayo mamaya ha!! hikhik " Hagihik nito sakin. Pumasok na ako sa kwarto ko, air-conditioned ito samantalang dati sa kwarto ko sa probinsiya wala akong ganito iba talaga pag mayaman yung kamag anak mo lahat nagagawa.Inaayos ko na ang gamit ko at naglinis ng kwarto, pagkatapos ay dumiretso na ako sa banyo at nag shower, naliligo ako ng biglang kumatok si carla
"bebs!!! Nasa kusina lang me magluluto lang ako breakfast natin! ha dalian mo diyan loka!! " Sabi nito at bahagya naman akong natawa dahil sa napakabungangera talaga ng pinsan ko matapos ang ilang minuto ay natapos na din ako, Nagsuot lang ako ng kulay red na croptop, high-waisted jeans at paired ng white shoes, tapos sling bag , linugay ko rin ng mahaba kong buhok na kumukurba sa dulo naglagay ako ng kunti lip balm, then tadaaaa mukha na ata akong tao, lumabas na ako at nakahanda na ang breakfast.

"Wao panes bebs!! parang di halata na taga probinsiya ka ha! " Sigaw nanaman nito inirapan ko lang siya at nagkunwaring galit.
"Charot lang leche ka!! " sabay bawi nito hahahaha kumuha ako ng isang Bacon at tinapay
"Uy carla malaki ba talaga ang university na papasukan natin? " Tanong ko dito curious kasi ako eh dati kasi yung pinag aralan ko ng highschool eh maliit lang kasi probinsiya naman..

"Ah oo Bebs baka mawala ka dun ha! nakoooooo magka iba pa naman ang building ng highschool at ng college! pano ka na bebs" Sabi nito at nag hysterical pa ang gaga

"Heh! ano akala mo sakin bes bata malaki na ako no! keri ko na yan" sabi ko dito at nagpatuloy na kaming kumain hanggang sa sunakay na kami ng kotse niya papuntang "Clark University " Taray ng name kaloka

"Besss!? nakakahiya naman bat dito pa kasi ako pinag'aral nila tita sa clark university eh halata namng elite school to" Sabi ko natataranta na din ako di kasi ako sanay sa maraming tao. This anxiety is killing me again for the second time

"Ano ka ba bes probinsiyana ka nga pero just wow!! look at yourself di halata na probinsiyana ka!! " Pag cocomfort nito sakin but still I feel nervous because for the first time madaming studyante ang makakaharap ko. Pinark na ni carpa ang kotse niya saka nagpaalam saakin

"Uy bebs ha!! Kita nalang tayo tommorow sa condo unit pagkatapos kasi ng enrollment eh didiretso ako kela ate jeng may Emergency daw dun sorry bebs ha bawi ako next time" At nagmamadali siyang umalis sa harapan ko grabi yun ha
nagsimula ako maglakad patungong main gate ng unibersidad.

"Excuse me po? saan po dito ang admissions office? " Tanong ko sa guard pero tila wala itong marining teka? di kaya tulog ito?? kasi naka shades eh baka nga. sa kagagahan ko linapit ko ang mykha ko at akmang itataas yyng salamin niya ngunit bigla itong nagising at sinigawan ako

"ANO BA GINAGAWA MONG BATA KA!! HAHALAYIN PA AKO JUSMEYO!! GANITO NA BA MGA BATA NGAYON!??? " OMG grabe siya ha mukha ba akong papatol saknya grabe tong guard na to eh. !! nagtinginan tuloy yung mga studyante sakin

"Sorry po magtatanong lang po sana ako" Paghingi ko dito ng paumanhin. Inirapan ako nito ke sungit sungit naman!! pangit naman hay k bad na ako tuloy. nagpalakad lakad nalang ako sa university hanggang nakita ko ang admissions office at nag enroll na ako medicine ang kinuha kong kurso at pang night shift ako grabe. pagkatapos kong mag enroll pumunta ako sa bench kung saan makikita mo ang kabuuan ng field sa cladk university natatanaw ko dito ang mga naglalaro ng baseball hmm dami palang kyaaaah dito hihi charut ang landi ko bago palang ako dito tapis ganito na ako I need to remain calm ehem! Pinagmamasadan ko pang ang kulay bughaw na kalangitan at ang malawak na field dito sa university hindi ko lubos akalain na makakatapak ako sa ganitong kalaki na university. maya maya pa naramdaman ko na kumukulo yung tiyan ko sign na nagugutom na ako huhu. tatayo na sana ako ng bigla akong mapatid sa isang malakung sanga na nasa gilid ng bench ng di ko manlang namamalayan. So ayun sumalampak ako sa bermuda grass huhu grabe bat ba nangyayari sakun to bwiset.
"Hey! Miss Okay ka lang??" Nanlaki ang mga mata ko at napa angat ng tingin usnag lalaji na nakalagad ang mga kamay sakin at nakangiti. Shems!!
"Hey miss???" tawag dito dahilan para matauhan ako
"A-ahh! Oo ok-okay lang ako!!" Sabi ko at dalu daling tumakbo papalayo sa lalaking yun. Ewan ko pero di ko maintindihan ang nararamdaman l, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at nanginginig ang mga tuhod ko. Hala. Pagkatapos ng nangyari napag desisyonan ko ng umuwi ng bahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretly Admiring The Campus Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon