Kabanata X

95 18 0
                                    

Ang taong matagal na niyang hinahanap ay muling natagpuan na ni Ursula. Ang taong minahal niya ng lubusan ngunit iniwan siya nito't biglang naglahong parang bula.

Imposible man na mangyari ngunit pilit na pinaniwala ni Ursula sa kanyang isipan na si Rex Dela Vega ang kaharap niya ngayon. Ang taong matagal na niyang hinahanap. Nang maibalik lahat ng pakiramdam ni Ursula galing sa nakakagulat na nangyari kani-kanina lang.

Paalis na ang Heneral at ang kanang-kamay nitong si Romualdo De Jesus nang biglang tumayo at sinundan sila ni Ursula.

"Rex! Hintayin mo'ko. Rex!" Buong sigaw ang pinakawalan ni Ursula sa taong sinundan nito. Hindi siya nabigo dahil humarap ito sa kanya maging ang Heneral.

"Heneral Aguinaldo, sandali lang po! Nais ko pong kausapin si Rex."

Agad na nagtaka si Heneral sa winika ni Ursula sapagkat iba ang pangalang sinabi nito.

"Binibini, bakit Rex ang tawag mo sa aking kanang-kamay na kawal na si Romualdo De Jesus?"

"Si Rex po siya heneral. Ang dating kasintahan ko sa kasalukuyang panahon. Matagal ko siyang hinanap ngunit bigla na lamang siyang nawala na parang bula." Paliwanag ni Ursula na tila buong kakayahan niya ay ginawa upang mapaniwala siya nito. Alam ni Ursula na ang isip ng mga tao roon ay nasisiraan na siya ng bait ngunit iyon ang totoo. Ang totoong nakita niya muli ang nawalang kasintahan.

" Paumanhin binibini, ngunit papaanong kasintahan kita kung hindi naman kita kilala? Ngayon lang tayo nagharap sa isa't isa at hindi pa tayo lubos na magkakilala?" Sagot na pahayag ni Romualdo na kunot noo.

"Ako 'to si Ursula Manabat. Kasintahan mo sa taong 2017. Panahon ng kasalukuyan at doon ka rin nararapat."

"Ursula? Wala akong kilalang Ursula. At kailanman hindi ako galing sa kasalukuyan. Imposible at mahirap paniwalaan iyang mga pinagsasabi mo." Giit ni Romualdo.

"Imposible? Ganon ba talagang madaling kalimutan ang lahat ng pinagsamahan natin? Mula ikalabin-siyam hanggang ikalabin-dalawang baitang tayong magkasintahan at nagmamahalan. Saksi ang sumpaan natin noon na hindi tayo maghihiwalay ngunit bakit kay bilis mong kinalimutan?"

Sa pagpapaliwanag ni Ursula ay namumuo ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Naalala niya lahat ang nakaraan nila ni Rex. Noong unang pagkikita nila, unang sayaw, pagsagot ng matamis na "oo", tamis ng unang halik at ang unang mahigpit at mainit na yakap.

"Patawad ngunit wala akong maalala sa mga sinabi mo. Pasensya na ngunit kailangan na naming humayo." Wika ni Romualdo ay kasabay niyon ay tinalikuran nito si Ursula.

Walang nagawa si Ursula kundi ang umiyak at tanggapin ang katotohanang kinalimutan siya ang taong mahal niya. Naiwang luhaan siya sa muling pag-uusap nila ni Rex o mas kilala sa nakalipas na panahon na si Romualdo. Nang makita niya ang kasintahan ay muling sumaya at nabuhayan ng pag-asa ang puso niya ngunit agad iyong naglaho ng malamang hindi siya kilala nito. Parang kutsilyong paulit-ulit bumabaon at naaalala niya ang salitang "Wala akong kilalang Ursula". Pilit niyang pinapatahan ang sarili mula sa masakit na nangyari. Namalagi siya pansamantala sa mansyon ni Heneral Aguinaldo upang pag-isipan ang gagawin niyang paghahanap kung paano makakabalik sa kasalukuyang panahon.

---------------------------------------

HINDI lumaon ay naganap ang isang digmaan. Sinakop ng mga Amerikano ang bansang Pilipinas. Dahil sa naganap na pananakop ay napilitang umalis si Ursula. Umalis siyang masaya  dahil kasama niya ang lalaking kasintahan niya. Alam nitong maaalala niya rin ang mga ala-ala noon. Hindi man ngayon pero alam niyang darating ito.

Maraming nasawi at binawian ng buhay sa pananakop. Maging ang Heneral ay nasawi rin. Kaya ang huling pakiusap nito kay Romualdo ay dalhin at tuparin ang pangakong tulungan ang babaeng naligaw. Dahil sa ugaling tapat ay sinunod ni Romualdo ang utos ng Heneral. Itinakas ni Romualdo si Ursula upang hindi madamay sa labanan ng Amerikano at Pilipino.

Sinamahan niya si Ursula sa paglalakbay at paghahanap kung paano makakabalik sa panahon nito. Dala ang mapa ni Romualdo ay nagtungo sila Maynila. Sa kanilang paglalakbay ay muling nabuhay at humigit ang pagmamahal ni Ursula kay Rex.

Taong 1946 nang dumating sa Maynila. Naging saksi sila sa pagpupulong ng mga wikang opisyal sa bansa. Nagtago sila at pinakinggan ang pagpupulong. Nalaman nila ang pagpupulong na iyon ay ang pagpapatibay ng wikang opisyal na Tagalog at Ingles salik sa probisyon Batas Komonwelt 570.

Taong 1959 ay pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog ito ay naging Filipino salik sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 7.

"Ito pala ang unang ginawa upang maging opisyal ang wika. Maraming pagbabago, parang sa pag-ibig, matamis sa una ngunit kalaunan ito'y napapalitan." Mahinang wika ni Ursula kay Rex. At pagkatapos niyon ay umalis sila upang maghanap. Naging matiwasay ang Pilipinas pagdating nila sa Maynila. Ito na ang panahon kung saan naging sentralisado at unti-unti naging moderno ang bansa pagkatapos ng pananakop ng Espanyol at Amerikano.

Umabot sila sa tapat ng Intramuros. Isang lugar na makasaysayan sa bansa. Biglang may naalala si Romualdo at agad niyang hinawakan ang kamay ni Ursula.

"Sandali lang!"

"Bakit, Rex? Naalala mo na ba?"

"May naaalala akong kaunti. Usong-uso 'yong sinabi mo kanina sa panahon natin. Ano nga'ng tawag do'n?"

"Hugot. Hugot ang tawag do'n." sagot ni Ursula at nagpatuloy sa paglalakad.

"Sinubukan kung aalalahin lahat ngunit  tanging naalala ko lang ay nung nagbabasa ako ng aklat sa silid-aklatan sa oras na iyon at pagkatapos ay napunta ako sa panahong nakalipas."

Agad na natigilan si Ursula sa sinabi ni Rex. Inalala niya rin ang posibleng nangyari sa kanya. Parehong-pareho ito kay Rex na naganap sa silid-aklatan na nagbabasa ng aklat. Alam na niya kung bakit sila napadpad sa nakalipas na panahon.

"Alam ko na! Napunta tayo sa dahil sa librong nabasa natin. Pero imposibleng dahil sa libro lang. Siguro may malalim na dahilan kung bakit tayo narito."

"Hindi kaya may nabasa tayong kakaiba na nag-udyok sa'tin na pumunta sa nakalipas na panahon?" Palaisipan ni Rex na namumuo sa kanyang isipan.

"Kung gayon kailangan nating hanapin ang aklat na 'yon. Teka, ano bang aklat ang binasa mo?" Tanong ni Ursula at pilit inaalala rin ang aklat na binasa niya noon.

"Filipino: Ang Wikang Pambansa" sabay na sagot nilang dalawa at kasabay niyon ay nakatinginan sila.

"Tiwala lang, Ursula. Makakabalik din tayo sa panahon kung saan tayo nararapat." Ngiting tugon ni Rex kasabay niyon ay mahigpit niyang niyakap si Ursula.

Ursula's Quest (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon