Simula

9 1 0
                                    

"Channel Lauversen Fontisillio!!!" Rinig kong tawag ni mommy sa baba. Maya maya ay bigla ng may malakas na galabog galing sa pinto agad kong naimulat ang aking mga mata sa pagkagulat.

"Channel ano ba?! Kanina ka pa tinatawag ng kapatid mong si jamire bakit ayaw mo pang bumangon dyan! Anong petsa na! at tulog ka pa dyan! Wla ka ng ginawa kundi ang humilata!" Galit na sabi ni mommy habang tuloy tuloy ang malakas na katok sa pintuan.

"Eto na po my!! Bababa na ako maghihilamos lng muna susunod nlng po ako" pasigaw kong sabi habang nakahiga at kinukusot ang mata.

"Bilisan mo!! At naghihintay ang bisita mo sa ibaba kanina pa! Kaya kumilos ka na at baka mainip pa un at umalis!" Narinig kong bumaba ng hagdan si mommy. Agad den akong tumayo para pumuntang banyo at magbihis.
Sino naman kaya yun? Tsk kay aga-aga may bibisita habang ansarap sarap ng tulog ko! Istorbo! Sabi ko sa isip ko habang nagsisipilyo, naghilamos na den ako umaasang maalis ang namumugtong mata ko pero nabigo ako dahil halatang halata paren yon. Nagbihis na ako ng ayos para presentable akong haharap saaking bisita kung sino man yon tsk!

Lumabas na ako ng kwarto at agad kong nakita ang aking nanay na ansama sama na ng tingin sakin na para bang sya pa ang mas nainip kesa sa bisita, agad kong ginala ang aking mata para hanapin ang aking bisita pero wala akong nakita maski anino niya. Nagmadali akong bumaba ng hagdan para tanongin si mommy
"My asan na ung bisita??" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Wala na! Kakaalis lang may pupuntahan pa daw sya at siningit niya lang daw talaga ito dahil may importante lang daw siyang sasabihin sayo pero dahil antagal tagal mo! Wla na umalis na ang gwapo mong manliligaw!"

Nanlaki ang mata ko! Manliligaw? Tama ba ang hinala ko? Tsk
Totoong simula palang na sabihin ni mommy na may bisita ako may hula na ako kung sino yon pero ayokong paniwalaan na siya yon dahil baka hindi naman at umasa lang ako, pero ngaung sa bibig na mismo ni mommy nagmula ay agad akong kumaripas ng takbo papalabas umaasang maabutan ko pa sya pero ganun nalang ang panlulumo ko ng di ko na siya nakita doon. Naupo ako sa sahig at ipinatong ang dalawang braso sa tuhod at nagsimulang umiyak.

Ang sakit! Ang sakit sakit! Bat kailangan mangyare saken ito? Ano bang kasalanan ko sa letcheng mundo na toh! Bat ako sinasaktan ng ganito? Kung ano man ang dahilan kung bakit sya nagpunta dito ay di ko na alam ang alam ko lang ay masasaktan lang ako kapag inalam ko pa. Buti nalang ay di ko sya naabutan dahil masasaktan lang ako sa mga sasabihin nya, pero may kung ano paren sa isip ko na sana naabutan ko sya kahit masaktan ako makita ko lang sya ay kontento na ako.

Mahal kita! Mahal na mahal! Sana mapatawad mo ako! Di ko sinasadya mahal, di ko sinasadya! Umiiyak kong sabi sa utak ko.

Maya maya lang ay nagdesisyon naren akong pumasok sa bahay pero ng makatayo ako ay may naaninag akong tao sa gilid ng mata ko ng tumingin ako dun ay wala na ito pero ng ibalik ko ang tingin ko sa harap ay ganun nalang ang gulat ko ng makita ang taong yon! Ang taong mahal ko, ang taong iniintay ko! Ang taong nasaktan ko! Si Dwayne ang taong may kakayahan para tumibok o tumigil ang puso ko

"D-dwa..Dwayne" Nauutal na sabi ko habang nakatitig sa walang emosyon nyang mata agad akong kinabahan dahil alam ko na ang ibig sabihin non.

"I came here to talk to you...But I guess you dont want to see me kase ayaw mo pa daw bumaba sabi ng mommy mo." Walang expression nyang sabi. "I just want to talk about us, about everything I also wanted to make this clear."

"Wag mo na ituloy Dwayne alam ko na kahit di mo sabihin ay alam ko na kaya mas maganda siguro na wag mo nalang sabihin pa sa harap ko para di masyadong masakit. Ok na yung alam ko na sa sarili ko kahit walang nagsasabi kesa sa magmula pa sa bibig mo. Kaya wag mo na ituloy."

Natigilan siya at tumingin ng matagal sa akin bago muling nagsalita. "So I think mali ang nasa isip mo" Natigilan den ako sa sinabi nya at napaawang ang bibig na parang di maintindihan ang ibig nyang sabihin
"Di ito tulad ng iniisip mo mahal" agad na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ng sabihin nya ang huling salitang binitawan nya mabilis na umagos ang mga luha na kanina pa naiipon saking mata maikli ngunit may ibang ibig sabihin ang sinabi niya ngaun kaya nagawa nitong gawin akong emosyonal sa harap niya na para bang ngaun ko lang narinig ang salitang yon sa kanya.

Nanatili akong nakatingin sa sahig habang umaagos ang luha papunta sa aking pisngi ng magsalita sya uli ay dahan dahan nyang inangat ang baba ko na naging dahilan para mapatingin ako sa nagwagwapuhan nyang mukha at nangingilid na luha sa kanyang mga mata " I don't really want this fucking feelings but I can't help it, Ayoko neto dahil sa kabila ng nagawa mo ay mahal paren kita at di yon nabawasan at kailanman di mababawasan iyon Channel mahal na mahal kta eh! Im sorry sa lahat ng masasakit na salita na sinabi ko mahal I'm so sorry mahal na mahal kita di ko lang talaga maiwasan magalit sa ginawa mo mahal pero di ko magawang makipagbreak sayo dahil di ko ren naman kayang mawala ka di ko talaga kaya mahal."

Nagulat ako sobrang nagugulat ako bagamat masaya den pero mas nangingibabaw ang gulat at di ako makapaniwala sa mga sinabe nya kahapon lang ay galit na galit sya sa ginawa ko pero eto ngayon at biglang nag iba nalang ang ihip ng hangin? Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil para bang ang mga sinasabi nya ay di ko magawang paniwalaan at parang may mali sa mga sinasabi nya malakas ang kutob ko at nag iisip ng sasabihin habang nakatitig sa kanya. Channel wake up! Di ba't eto ang gusto mo! Ang magkabalikan kayong dalawa? Bat parang ayaw mo pa syang paniwalaan! Tulad ng sinabi ko sa isip ko ay kinalimutan ko nalang talaga ang aking naiisip at bigla ko nalang syang niyakap at halos di sya makahinga sa sobrang higpit non!

"Im so sorry mahal binabawi ko na ang lahat ng mga nasabi ko kahapon at di ko naren itutuloy na makipagbreak sayo, Mahal na mahal kita channel ko."

Mahal na mahal den kita dwayne sobrang mahal patawarin mo ako sa nagawa ko patawad dwaynie ko! Humahagugol kong sabi isinantabi ko ang aking naisip kanina sa sobrang pagmamahal ko sa kanya at kadesperada kong mahalin nya ako ulit.

Because of youWhere stories live. Discover now