"Hi! I'm Channel Lauversen Fontisillio, from Santa Barbara Elementary school, I'm 13 years old my hobby is to read books all the time, Thank you" nakangiti akong pumunta sa aking upuan ng bigla ko nalang namalayan ang sarili kong nakaupo na sa sahig! What the heck? Ansaket! Nagtawanan ang lahat ng kaklase ko! nahihiya akong tumayo at tumingin sa likod upang malaman kung sino ang gumawa noon! Grrr! Habang papaupo ako inalis nya ang upuan ko para tuluyan akong maupo sa sahig! At ang sakit sa pwet non! Isa iyong lalaki at ngingisi ngisi akong pinagmamasdan! Napaka yabang nya tch! Nagulat siya ng bigla ko siyang sugurin at hilahin sa patilya pinagpatuloy ko ang paghila dito habang kinakaladkad sya papunta sa likod naririnig ko den ang pagsigaw ng aming guro pero di ko na toh pinansin pa patuloy kong hinihila habang daing sya ng daing na masakit daw " Araaaay!! Ara-araaaay ko! Ano baa! Get away from me!! Bitiwan mo ako! Im telling you pumapatol ako ng babae so you should stop before I get angry!!" Mayabang nyang pagbabanta pero di ako nagpatinag mas lalo kong hinila ang kanyang patilya at pinaikot ikot sya at ng makita kong nahihilo na sya ay saka ko sya binitawan at inintay siyang lumapit, naging pagewang gewang ang kanyang lakad ng makalapit siya sakin at pagweng gewang paden ng lakad ay gumilid ako ng bahagya at tinaas ang isang paa ko at pinatid sya kaya tuluyan syang natumba! Mas lalong lumakas ang tawanan nila at siyang kinagalit naman ng aking guro.
"Ms. Fontisillio!! And Mister.....what's your name?!" Galit na tanong ni Ma'am, di nakasagot yung hambog na lalaking un at patuloy na pinupukpok ang ulo para mawala ang pagkahilo ng medyo maayos na sya ay tumingin siya sa guro at makikita ang naghahalong takot at kaba sa mukha agad naman akong natawa sa kanyang itsura at nang makita nya ako ay sinamaan nya lang ako ng tingin at bumaling uli sa guro. " Hey! Stand up and tell me what's your name!!" Inis na sabi ng guro agad namang tumayo ang binata at napapahiyang pumunta sa kanyang upuan.
"My name is Dwayne Mattei and I believe that nobody can just hold my handsome face with dirty hands" sabay tingin nya sakin pagkatapos sabihin un tumitig lang ako sa kanya at naglaban kami ng masamang tinginan. Totoo naman ang sinasabi nya gwapo sya actually he is the most handsome in our class, di ko pa masabi na buong school dahil bago lang naman ako dito sa Martinez High School kaya di ko pa alam kung may mas gwagwapo pa sa tukneneng na toh! Tsk! Pero kahit gwapo sya sa paningin ng iba, Sa iba lang yon! Di saken! Dahil kapag tinitignan ko ang itsura nya para na akong masusuka tss!!
Siya ren ang sumuko sa masamang titigan namen nag iwas nalang siya bigla nang di na makayanan ang mga titig ko, wahahha wala pala toh saken eh! Biglang nagsalita ang guro namen na syang kinagulat naman nya muli akong natawa sa kanyang itsura para syang aso na bumabait lang kapag kaharap ang ibang tao tsk! Plastic amp! "Ok Mr. Mattei bakit mo ginawa yon kay Ms. Fontisillio?" Inis na tanong ni ma'am
"Eh kase ma'am di po sya tumitingin sa inuupuan nya eh bigla nlng po syang uupo ng di tinitignan ang uupuan niy--"
"What??!!" Galit kong tanong sa kanya "Un lang ung rason mo kaya mo ginawa saken yon!!" Naiiyak kong sabi ewan ko ba! Lagi nalang ganto kapag galit na galit na ako ay naiiyak nalang ako bigla ang babaw babaw ng luha ko! Minsan nga naisip kong mag artista nalang ako eh!
Mas lalo pa akong nag init ng makita syang tumatawa nung nakita nya akong umiyak! Sinugod ko sya at sinampal! Di sya agad na nakatingin sakin, nakatingin lang siya doon sa direksyon kung saan ko sya sinampal"Ms. Fontisillioo!!!" Rinig kong sabi ng guro ngunit di ako tumingin nanatili lang ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko! Gigil na gigil ako! Di ko inaasahan na sa simula palang ng klase ay mapapahiya na ako ng ganito!
"Both of you! Get out of my class kung wala kayong gagawin kundi manggulo at gumawa ng eksena nyo! Dun kayo sa labas!" Tumingin ako sa guro at mukhang seryoso sya sa sinasabi nya umiiyak akong lumabas ng kwartong yon. Sa buong buhay ko! Ngaun lang ako napalabas ng guro! "Hayop kang mattei ka!
Mamattei ka nang tukneneng ka!"Pabulong kong sabi ngunit ganon nalang ang gulat ko ng pagharap ko ay nakita ko ang taong pinaka iniinisan ko!
"What did you say??! Mamatay na ako?!"" Wala akong sinabe na mamatay ka na"
" Anong wala eh kakasabi mo pa nga lang ngaun oh!"
"Diba mattei ang pangalan mo?"
"Oo! Baket!"
"Ang sinabi ko lang ay mamattei ka na! Di ko sinabing mamatay ka na! Magkaiba un! Duh!"
"Pero narinig ko ren na sinabi mong hayop ako!"
Natigilan ako sa sinabi niya di ko alam ang sasabihin ko! Tsk!"Tsk! Bat kase kailangan mong makinig sa sinasabi ko?!"
" Malamang makikinig ako! Tungkol sakin un eh!
" Bakit kapag pinag usapan nyo ba ako kailangan ay makinig ako?"
"At bakit ka naman namin paguusapan? Ganon ka ba kaimportante para pagsayangan ko ng laway?"
Naiinis naa akooo!! Parang sa lahat ng bagay ay mababara lang ako ng isang toh! Anhirap talaga makipag-usap sa taong makitid ang utak.
" Wala akong pake kung pag usapan nyo man ako o hindi! Ang mahalaga ay ang punto ko! Di sa lahat ng oras ay kailangan nakikinig ka! Every person needs privacy!"
"What the-- privacy??" Ngumisi sya "Anong pake ko sa privacy mong yan kung ako naman ang pinaguusapan? Bat kailangan mo akong asarin sa pangalan ko?
Tss! Ngumisi den ako " Bakit? Naasar ka ba?" Sabi ko sabay tawa agad naman kumunot ang noo nya at biglang namula ang tenga.
Tumawa ako" hahaha nagiging kamatis ka pala kapag naasar hahaha pikon!" Bigla syang humakbang na para bang susuntokin na ako sa inis nya. Aahhaa!!
Pinigilan ko agad ang kamao nya hinawakan ko un at dahan dahan kong binaba agad na kumunot ang noo nya kaya inalis niya agad ang kamao nya sa pagkakahawak ko dun.
"Wag ka masyadong high blood ah! Baka lalo kang..." Nakatitig lang ako sa kanya
"Ano?!" Sigaw nya sa mukha ko kaya napaatras akong konti.
"Baka kase.... matuluyan kang...." Nakatitig lang sya at galit na ang mata kaya mas lalo akong natuwa" matuluyan kang MAMATTEI! Ahhahahaha" tumatawa ako habang tumatakbo palayo! Bwhahahah pikon amputa! Hahaha masyadong mayabang may kahinaan den naman pala masyadong mapang asar, pikon naman pala sya bwahahha.
YOU ARE READING
Because of you
Fiksi RemajaAng masayang relasyon nila ay napalitan ng paghihiganti at ang naging resulta ay ang habang buhay na pagkasira ng puso, buhay at pagkatao nila.