Chapter- 1

11 2 0
                                    


Criiinnngggggg~

Napabalikwas ako ng bangon ng biglang tumonog ng malakas ang alarm clock ko. Bigla akong ngumiti ng pagkalakilaki. Ayeee magkikita nanaman kami hahaha.

Agad akong umalis sa kama at pumasok sa banyo at nagbihis. Kakanta-kanta pa ako habang nagliligo.

"Nanananananana kotnorayga nayodaga nado molaye. Nanananaanan I love you so much. Nananaannanana nanana hey~"-kakanta kanta pa ako kahit Hindi ko alam ang lyrics. Muntanga ako hanggang sa nakalabas na ako ng kwarto tapos kung magbihis.

"Good morninggg"-bati ko ni mama na naghahanda ng pagkain. Nakangiti nya akong hinarap.

"Ang ganda ng gising ng anak ko ah anong meron?"-nakangising tanong ni mama pero nginitian ko lang sya.

"Bakit ma, kailangang may dahilan talaga para maging masaya di pwedeng natutuwa lang ako kasi humihinga pa ako ngayon?"-pabirong sagot ko Kay mama na sya namang ginantihan nya ng ngiti.

Umupo na ako at nilagyan naman nya ng pagkain ng Plato ko. Nakita kong pababa na si papa ngumiti sya at hinalikan Kami sa pisngi bago umupo.

"Mukhang maganda ang gising ng mag-ina ko ah"

"Hahaha ikaw din naman ah"-Sabi ko napailing nalang sya at nagsimulang Kumain. Maya-maya ay tumayo na ako at nag-ayon ng gamit.

"Nak ihahatid na--"

"Wag na pa magpapahatid lang ako kay manong maaga pa naman eh"-hindi ko na sya hinintay na sumngot at lumabas ng bahay at tska sumakay sa kotse si manong nalang ang maghahatid sakin ayoko kasing maabala si papa. Kanina pa pala ako nagsasalita pero hindi papala ako nakapagpakilala ng maayos. Sowee po wedews hehehe. Ako pala si Zhopiah Penelope Morgan. I'm 17 years old. Senior high School student grade-11 in WIU (Willer International University).

Nagpaalam na ako kay manong at agad na bumaba pagkapark ng sasakyan at dumeritso sa court umaasa na baka nandon sya heheh. Ng nakarating ako Hindi talaga ako nagkakamali nandon nga sila. Ngitingiti ko silang pinagmasdan ang aga-aga pinapapawisan na sya. Tinatanong nyo ba kung sino itong masweteng lalaking nagpapatibok ng puso ko? Walang iba kundi si XAVIER WILLER . Tuwing nakikita ko sya parang huminto ang mundo ko at kapag nakatitig sya sa mga mata ko parang feeling ko kaming dalawa lang ang tao sa mundo. Heheh englendi ng ateng nyo. Sumulyap pa ulit ako sa kanya at aalis na sana.

"Ahhhh"-nagitla ako ng may taong nakikisilip din sa gym at nasa likod ko pa talaga sya hanip ah.

Napatingin ako sa kanya st inis na tinulak. Salubong ang kilay nya akong tiningnan.

"Anong ginawa mo?"-tanong ko sa kanya. Nakatitig lang sya sa mata ko saka nagsalita.

"Nagtaka lang ako kung anong nasa loob kasi ngiting-ngiti ka dyan na halos mapunit na ang mukha mo tss Baka kasi matutuwa rin ako kapag nakita ko"-kalmadong sagot nya. Mukhang seryoso naman sya sa sagot nya.

Hindi ko sya kilala at ngayon ko lang sya nakita. Magsasalita na sana ako ng bigla nya akong tinalikuran at naglakad paalis.

Bastos'

Sisilip na sana ulit ako ng narinig ko ang mga boses nila. Lalabas na ata kaya agad akong kumaripas ng takbo.

"Ngiting-ngiti ang lola nyo ah. Anong meron? Hahaha"

Love me back please. (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon