Teardrops On My Guitar

11 1 0
                                    

-THE START-


*Drew looks at me

I fake a smile so he won't see

That I want and I'm needing

Everything that we should be...*

"Din..." Bakit kaya ang gwapo ni Drew ngayon?

"Din! Hoy!" Pati ang ngiti niyang makalaglag-panga...

"DINA MARIE!" Ay, palaka!

"Huh?" Kinakausap niya pala ako?

"Anong 'huh'? Kanina pa kaya kita tinatawag." Sabi nito na bahagya nang nakakunot ang noo.

"Eh, Bakit ba?!" Kunwari'y inis na tanong ko dito. "E kasi may itatanong ako sayo." Bigla itong umayos ng tayo sa harapan ko.

"Ano naman 'yon?" tanong ko dito bago ibinaling ang tingin sa gitarang hawak ko.
I was about to strum the strings when, "Gwapo ba ako?" tanong nito.

Nabalik ang tingin ko dito. "Bakit mo naman natanong?" tanong ko pabalik sa kanya.

Hindi naman sa ayokong sagutin. Baka lang kasi makita niya sa mata ko kapag sinagot ko agad ang tanong niya.

"Basta! Sagutin mo na lang. Ano? Gwapo ba ako?" tanong ulit nito. Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa gitara ko bago sumagot.

"Oo naman." Simpleng sagot ko at nag-strum na ng gitara. "Sa tingin mo, kapag ba nanligaw ako, sasagutin ako?" tanong ulit nito dahilan para mamali ako ng pagkapa sa gitara ko.

Napatigil ulit ako pero hindi ko na nagawang tumingin sa kanya.

"B-Bakit? May liligawan ka na ba?" tanong ko dito. Pinilit ko na lang ulit kumapa kahit na ang atensyon ko naman ay nasa iba.

"Oo eh." Sagot nito. Tiningnan ko ito at nakita ko kung paano mamula ang tenga nito, tanda na nahihiya siya.
Nakatungo siya kaya nang tumunghay siya at tumingin sa akin ay nginitian ko.
Kahit na ang kabaliktaran naman talaga nito ang gusto kong gawin.

"Binata na ang best friend ko ah! Sino naman ang lucky girl?" tanong ko. Ngumiti naman ito at tumabi sa akin.

*I'll bet she's beautiful,

That girl he talks about.

And she's got everything that I have to live without...*

"Si Lisa. Yung taga kabilang section. Bago lang siya sa school pero, marami na agad ang nakapansin sa kanya..." marami pa itong sinabi pero nanatili lang ang mata ko sa mukha nito.

Sa mukha niyang masaya.

Masaya pero hindi ako ang dahilan.

Hindi ako kung hindi iba.

*Drew talks to me

I laugh 'cause it's so damn funny

That I can't even see

Anyone when he's with me...*

"Din, pa'no ba manligaw?" tanong nito pagkatapos mag-kwento.

Ngumisi ako. "Aba anong malay ko. Hindi naman ako lalaki. Kaya mo na 'yan." Sagot ko dito at nagsimula nang itabi ang gitara ko sa case nito. Hindi na rin kasi siguro ako makakatugtog ng maayos.

"Tsk. E, basta, kapag nagsimula na akong manligaw, 'wag mo kong iiwan hah? Mas kailangan ko ng best friend e. Hah, Din?" tanong nito at tinulungan nya akong bitbitin ang gitara ko.

Teardrops on My GuitarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon