Pakiramdam

11 0 0
                                    

Sabi ko sa sarili ko, ayokong magmahal. Nakakabagsak yan ng grades, aral muna bago landi. Nakakasayang yan ng oras, inaaksayahan mo lang ang oras mo sa kanyan tapos alam mo naman palang sa huli ay maghihiwalay din kayo. Iiyak ka. Bibili ka ng mga alcoholic drinks at  magpapakalunod ka dyan. Magmumokmok ka sa kwarto mo. Pagkatapos ng lahat ay sasabihin mo sa sarili mo na: Magmomove-on na ako. Pero iniliko mo ang byahe ng tadhana. Iniba mo ang landas ng Tadhana. Nagmessage ka uli sa kanya, dahil sobrang mahal mo pa rin ang taong minsan nang nanakit sa puso mo. Taong minsan mo nang pinagkatiwalaan pero sinira niya. Taong minahal mo ng labis pero iniwan ka niya. At gigising ka nalang na nagtataka sa nangyari.

Sinubukan ng utak mo na pigilan ang nararamdaman pero hindi na ito napigilan ng iyong puso. Mapapatitig ka nalang sa mga bituin. Hihilingin mong sana magkatotoo yung sign na hiningi mo. Pero kinabukasan nakita mo ang taong mahal mo na may ibang kasama. Pero sasabihin naman ng puso mo na: Magkaano ba kayo niyan? Kayo ba? Diba hindi?. Masaklap diba? Yung tuloy tuloy na sana yung swerte mo dahil nililibre ka niya halos araw araw at palagi din kayong magkasama. Yung taong minahal mo ng labis ay nasa harapan mo na ngayon? Anong gagawin mo? Nalilito ka. Hindi mo alam ang gagawin. Nagkakagulo ang utak mo na parang mga wires ng poste. At nabigla ka nang nagsalita na siya. "Meet my girlfriend" 

Biglang gumuho ang mundo mo. Maraming mga kataningang nagsilitawan sa isaipan mo. Pano tayo? Mahal mo ba ako? Minahal mo ba ako? Sino ba ako sayo? Pinapaasa mo lang ba ako? Anong nangyari? Diba close naman tayo? Diba friends naman tayo? Hindi mo namalayan na yang mga tanong na nagsilitawan sa isipan mo ay nasabi mo sa kanya. Ng malakas. Ng madiin. Pero yung huling tanong lang ang sinagot niya. "Oo magkaibigan nga, hanggang diyan lang. Hindi naman kita minahal e" sabay silang umalis ng girlfriend niya... na magkahawak ang kamay. Naiwan kang mag-isa. Walang lokasyon. Hanggang sa umulan ng malakas. Nagpakabasa ka lang sa ulan at hinayaan mo lang ding umagos ang mga luha mo mula sa iyong mga malungkot na mata.

Naka-uwi ka na sa bahay niyo. Na basang basa. Alas sais na ng gabi. Ginabihan ka pala. Hinintay mo lang namang huminto ang ulan. Pagkabukas mo ng pintuan ay nakita mo ang iyong ina at ama na nag-aalala kanina pa. At sa hindi malamang dahilan ay bigla kang nahimatay.

What Is Love?Where stories live. Discover now