Pag-ibig. Isang salita lamang pero grabe kapag natamaan ka talaga. Isang salita pero grabe makapanakit ng puso. Isang salita na kaya kang paglaruan. Isang salita na kaya kang mahalin pero kaya rin nitong biyakin ang puso mo.
Hindi naman natin kasalanan ang magmahal diba? Hindi rin natin kasalanan ang umasa, at kapag nasa dulo kana tatanungin mo ang sarili mo na "Hindi naman natin kasalanan ang masaktan diba?"
Iba naman kasi ang paghanga sa pagmamahal. Ang paghanga kasi dun yun nagsisimula lahat. Sa paghanga ka magsisimula, tapos aasa ka na sana magkakagusto rin yung taong gusto mo sayo. Masayang masaya ka naman kasi napasaiyo na siya. Susunod ay ang magmahal. Siyempre mamahalin mo yung taong gusto mo. Pero hindi 'yan ang dulo, kundi ang masaktan.
Pag-Ibig. Kapag nagmahal ka parang wala nang katapusan, na parang walang hanggan. Kapag umasa ka parang merong kayo, yun pala walang kayo. Grabe kung maselos, wala ka namang karapatan kasi hindi naman kayo. At kapag nakita mong meron siyang ibang kasama, magagalit ka, para bang guguhobna ang mundo mo kaso hindi naman kayo. Pero kung masaktan grabe din ang tagal ng pagmove-on, parang nag aantay ka lang naman sa EDSA kung kailan aabante ang mga sasakyan.
Ilan nga ba kayo sa buhay niya? Este pang ilan ka kaya? Este mahal ka ba niya? Ay este meron nga bang kayo? Sorry. Sorry lang ang salitang lumabas sa bibig niya. Sa dinami dami ng mga salitang pwedeng sabihin yun pang isang salitang sorry. Pwede naman siyang mag paliwanang sa'yo pero sorry lang talaga ang sinabi niya.
"Sorry" dahil sa salitang 'yan nagkakilala kayo. Dahil sa salitang yan nagkita kayo. Dahil sa salitang yan nagkagusto kayo sa isa't-isa. Dahil sa salitang yan kaya kayo nagmahalan. Dahil sa salitang sorry kaya kayo umasa pero huli na. Dahil sa salitang sorry natapos ang pagmamahalang dalawang taon ang itinagal. Dahil sa sorry na salita naghiwalay kayo. Dahil sa salitang sorry wala nang siya at ikaw.
Dahil sa pag-ibig na 'yan may nagagawa tayong hindi karapatdapat. Ang pag-ibig ang bumubuhay sa atin sabi ng ilan. Hindi naman natin kailangang magpakalunod sa pag-ibig na 'yan. Kumpleto na ang buhay mo kapag nakainom kana sa Starbucks tapos magva-Vikings ka dahil tanghalian na, kakalabas mo lang ng CR naisipan mong bumili sa Chatime tapos uuwi kang maraming pinamili at nakadakay sa uber. Simpleng mga pangyayari sa buhay na hindi kayang ibigay ng pag-ibig sa'yo.
Minsan ang happiness nasa pag-ibig pero minsan rin nasa mall lang. Huwag kang magpakalunod sa alak kapag nakipagbreak na siya sa'yo. Huwag kang manghinayang kung ikaw mismo ang bumitaw. Sabi nga nila "God has better plans for you". Yun lagi ang isipin mo, yung futire mo. 'Wag yung lanfi ka ng landi sa kanya eh siya naman tong may nilalanding iba, nagmukha ka pang hipon tuloy.
YOU ARE READING
What Is Love?
RomanceNaniniwala ka ba sa TADHANA? Eh sa SECOND CHANCE? Pati sa FOREVER? Pero naniniwala ka naman siguro ng BREAK UP diba? Yung word na TANGA? Lahat ng 'yan magkaugnay sa LOVE.