Ang muling pagkikita
Malamig ang simoy ng hangin, siguro dahil magpapasko na."Malapit na tayo yeheeeyy!"
Halata ang galak sa boses ng pinsan kong si Sandy ng makita ang familiar na hanay ng mga puno. Nagtawanan silang lahat sa iniasta ng bata kong pinsan.
Naamoy ko na rin ang sariwang hangin na nagmumula sa dagat at sa mga puno. Hangin na wala sa Maynila. Hangin na sa probinsya mo lang makikita.
Sumasayaw ang mga puno at kumikislap ang tubig dagat dahil sa sinag ng araw. Ang daang tinatahak namin ay ang daan pabalik ng aming munting bayan. Ang bayang aking sinilangan.
Sa may kanan, makikita ang mga naglalakihang puno at mga luntiang damo habang sa kaliwa naman ay ang banayad na alon ng dagat. At sa gitna ay ang lupa...lang noon kalsada na ngayon.
Marami na nga ang nagbago, ang dating lumang kahoy na may nakasulat na "welcome to barangay Dolores" ngayon ay bato na. May pintura at talaga namang maganda.
Napangiti ako, ano pa kayang ibang pagbabago ang makikita ko sa aking pagbabalik?
Ang kaninang puno ay naging bahay, madaming bahay ang nadaanan namin. Nakakagulat na dumami na pala ang kabahayan sa parteng ito ng Dolores.
Pagkatapos ng kabahayan ay ang sikat na Stone island ang nakita ko. Ito ang pinaka-dinadayo dito. Ang stone island, isang malaking bato sa gitna ng dagat, ang bato ay tila ba isla. May mga puno sa taas ng bato. At sa ilalim naman nito ay may kweba na mapupuntahan mo lang kung marunong kang lumangoy at sumisid. Nasa ilalim siya ng bato kung kaya't sisid ang kailangan. Ang dulo naman ng bato kung saan para nang gubat at kailangan ding akyatin para mapuntahan.
Noon ay madalas kami ng mga kaibigan ko sa stone island. Nakakamiss.
Hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa Centro ng Dolores kung nasaan kami nakatira.
Nagsipagbabaan na sila nung nasa harap na kami na bahay kaya sumunod na ako sa kanila. Inilalayan ako ng tito ko sa pagbaba dahil alam niyang nanghihina pa ako.
Malulain ako sa biyahe kaya asahan nang susuka at susuka ako. Sa dami ng nagbago sa akin, ito ang nanatili. Di ko maenjoy ang bawat biyahe dahil sa pagsusuka ko
"Nay..."
Tawag ko sa lola ko at nagmano. I can feel it, disappointed sila sa akin pero 'di nila kayang sabihin. Instead, ngumingiti lang sila. Niyakap niya ako, home. Sa kay nanay at tatay ako lumaki dahil nakipagsapalaran noon si mama sa Maynila. Sa init ng yakap niya ay gusto kong umiyak pero pinigil ko. Ngumiti na lang ako kay nanay pagkabitaw ko sa yakap at pumasok na sa loob ng bahay para kumain.
Batian at bigayan ng pasalubong ang nangyari buong maghapon nakakapagod lalo 'pag alam mong nakikipagplastikan lang ang iba para lang mabigyan. 'Di naman kasi namin kapamilya ang ilan nagkataon lang na kapit-bahay namin sila at typical na kapit-bahay, tsismosa!
Nang mag-alas sais na ay dumiretso kami sa sementeryo para mag-alay ng dasal at onting pasalubong sa mga pumanaw na kapamilya, madalas ay biko at alak pero dahil wala naman kaming bikong dala chocolate at alak na lang.
"Kaklase yan ni Nikki valedictorian nung grumaduate pero ano? Wala man lang natapos! Si Nikki nga kahit puro pasang awa atlis ..."
Dinig kong sabi ng nanay ng kaklase ko nung Highschool sa katabi niyang babaeng payat pero winalang bahala ko na lang. 'Di ko naman ikakaasenso!
Pagdating ko sa bahay tiningnan ko yung cellphone ko at napanguso ng makitang wala man lang mensahe. Napagdesisyonan kong pumunta na lang sa may dagat kung saan alam kong malakas ang data para makapag-Facebook.
Pagka-log in ko ay agad na tumunog ang cellphone dahil sa mga notifications ko. Nang tingnan ko naman ay puro 'mention you in a comment' at blah blah posted an update. Napabuntong hininga na lang ako sa kawalan ng kwenta ng laman ng notification.
"Ang lalim ah?"
Napatigil ako ng marinig ko ang boses na yun. It's been what? 3 years, sa 3 years na yun wala kaming communication na dalawa kahit pa nangako siya ng 'keep in touch' wala. Lumingon ako ng dahan dahan at nang makita ko siya ay naramdaman ko ang biglang pagtibok ng puso ko
--
YOU ARE READING
Pisikal
General FictionPaano mo ba masasabing nagmamahal ka na pala? Kapag ba masaya ka sa twing kasama mo siya? O kapag nasasaktan ka sa panahong di mo siya nakikita?